Mga Hanbuk at Calling
9. Relief Society


“9. Relief Society,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).

“9. Relief Society,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk

mga babaeng nag-aaral ng mga banal na kasulatan

9.

Relief Society

9.1

Layunin at Organisasyon

9.1.1

Layunin

Itinuro ni Propetang Joseph Smith na ang layunin ng Relief Society ay magligtas ng mga kaluluwa at bigyang ginhawa ang mga nagdurusa.

Ang sawikain ng Relief Society ay “Ang pag-ibig sa kapwa-tao kailanman ay hindi nagkukulang” (1 Corinto 13:8).

9.1.2

Pagiging Miyembro sa Relief Society

Ang isang kabataang babae ay maaaring magsimulang dumalo sa Relief Society kapag siya ay naging 18 taong gulang. Sa edad na 19 o kapag umalis sa tahanan, tulad ng dahil sa kolehiyo o pagmimisyon, siya ay dapat na makibahagi sa Relief Society.

Ang mga kababaihang wala pang 18 taong gulang na may asawa na ay mga miyembro din ng Relief Society.

9.2

Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos

3:42

9.2.1

Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo

9.2.1.2

Pag-aaral ng Ebanghelyo sa mga Relief Society Meeting

Ang mga miting ay idinaraos sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng bawat buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Ang Relief Society presidency ang nagpaplano ng mga miting na ito. Isang miyembro ng presidency ang nangangasiwa.

Ang mga Relief Society meeting ay nakatuon sa mga paksa ng isa o higit pang mga mensahe sa pinakahuling pangkalahatang kumperensya.

9.2.1.3

Mga Aktibidad

Ang mga Relief Society presidency ay maaaring magplano ng mga aktibidad. Ang karamihan sa mga aktibidad ay ginaganap sa mga araw na hindi Linggo o Lunes ng gabi.

9.2.2

Pangangalaga sa mga Nangangailangan

2:43

9.2.2.1

Ministering

Ang mga kababaihan ay tumatanggap ng mga ministering assignment mula sa Relief Society presidency. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.

9.2.2.2

Mga Panandaliang Pangangailangan

Hinahangad ng mga ministering sister na maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga pinaglilingkuran nila. Ang mga miyembro ay maaaring mangailangan ng panandaliang tulong sa mga panahon ng pagkakasakit, panganganak, kamatayan, pagkawala ng trabaho, at iba pang mga sitwasyon.

Kapag kailangan, humihingi ng tulong ang mga ministering sister sa Relief Society presidency.

9.2.2.3

Mga Pangmatagalang Pangangailangan at Self-Reliance

Sa pamumuno ng bishop, tinutulungan ng Relief Society presidency at elders quorum presidency ang mga miyembro sa kanilang mga pangmatagalang pangangailangan at self-reliance o pag-asa sa sariling kakayahan.

Ang Relief Society president, elders quorum president, o isa pang lider ay tumutulong sa tao o pamilya na bumuo ng Self-Reliance Plan.

9.2.2.4

Kapag Namatay ang Isang Miyembro ng Ward

Kapag namatay ang isang miyembro ng ward, ang Relief Society presidency at elders quorum presidency ay nagbibigay ng kapanatagan at tulong. Sa ilalim ng patnubay ng bishop, maaari silang tumulong sa burol at libing.

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang 38.5.8.

9.2.3

Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo

Inaatasan ng Relief Society president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawaing misyonero ng miyembro sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng elders quorum presidency para iorganisa ang gawaing ito (tingnan sa 23.5.1).

9.2.4

Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan

Inaatasan ng Relief Society president ang isang miyembro ng presidency na tumulong sa pamumuno sa gawain sa templo at family history sa ward. Nakikipagtulungan siya sa inatasang miyembro ng elders quorum presidency para iorganisa ang gawaing ito (tingnan sa 25.2.2).

2:50

9.3

Mga Relief Society Leader

9.3.1

Bishop

Ang bishop ay karaniwang nakikipagkita sa Relief Society president nang hindi bababa sa isang beses bawat buwan. Tinatalakay nila ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos, pati na ang paglilingkod ng mga ministering sister.

9.3.2

Relief Society Presidency

9.3.2.1

Pagtawag ng Isang Relief Society Presidency

Ang bishop ay tumatawag ng isang babae na maglilingkod bilang ward Relief Society president. Kung sapat ang laki ng unit, ang ward Relief Society president ay magrerekomenda sa bishop ng isa o dalawang babae na maglilingkod bilang kanyang mga counselor.

Ang ilang maliliit na unit ay maaaring walang Young Women o Primary president. Sa mga unit na ito, maaaring tulungan ng Relief Society president ang mga magulang na magplano para sa pagtuturo sa mga kabataan at mga bata.

9.3.2.2

Mga Responsibilidad

Ang Relief Society president ay may mga sumusunod na responsibilidad. Tinutulungan siya ng kanyang mga counselor.

  • Maglingkod sa ward council.

  • Pamunuan ang mga pagsisikap ng Relief Society na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa kabanata 1).

  • Iorganisa at pamahalaan ang paglilingkod ng mga ministering sister.

  • Sa ilalim ng patnubay ng bishop, payuhan ang mga adult na miyembro ng ward.

    3:16
  • Pag-ugnayin ang mga pagsisikap ng Relief Society na patatagin ang mga young adult na babae sa ward, kapwa may asawa at walang asawa.

  • Kausapin ang bawat miyembro ng Relief Society nang personal kahit minsan sa isang taon.

  • Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng Relief Society (tingnan sa LCR.ChurchofJesusChrist.org).

9.3.2.3

Presidency Meeting

Regular na nagmimiting ang Relief Society presidency at secretary. Ang president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Maaaring kabilang sa agenda o mga pag-uusapan ang mga sumusunod:

  • Gumawa ng plano para mapatatag ang mga kababaihan at kanilang mga pamilya.

  • Tumulong na iorganisa ang gawaing misyonero at gawain sa templo at family history.

  • Tumugon sa mga takdang-gawain mula sa mga ward council meeting.

  • Rebyuhin ang mga impormasyon mula sa mga ministering interview.

  • Isaalang-alang ang mga kababaihan na maglilingkod sa mga calling at takdang-gawain sa Relief Society.

  • Magplano ng mga Relief Society meeting at mga aktibidad.

9.3.3

Secretary

Ang Relief Society presidency ay maaaring magrekomenda ng isang sister na maglilingkod bilang Relief Society secretary.

9.4

Pagtulong sa mga Kabataang Babae na Maghandang Makibahagi sa Relief Society

Ang Relief Society presidency ay nakikipagtulungan sa mga kabataang babae, kanilang mga magulang, at mga Young Women leader para tulungan ang mga kabataang babae na maghandang makibahagi sa Relief Society.

Ang mga lider na ito ay nagbibigay ng nagpapatuloy na mga oportunidad para sa mga kabataang babae at kababaihan ng Relief Society na bumuo ng mga ugnayan. Ang paglilingkod nang magkakasama bilang mga ministering sister ay isang mahalagang paraan para lumikha ng mga ugnayan.

9.6

Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran

9.6.2

Karunungang Bumasa at Sumulat

Kung kailangan, ang Relief Society presidency ay nakikipagtulungan sa bishop, elders quorum presidency, at ward council para tulungan ang mga miyembro na matutong magbasa at magsulat.