“10. Mga Aaronic Priesthood Quorum,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“10. Mga Aaronic Priesthood Quorum,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
10.
Mga Aaronic Priesthood Quorum
10.1
Layunin at Organisasyon
10.1.1
Layunin
Ang layunin ng isang korum ay tulungan ang mga mayhawak ng priesthood na magkakasamang makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos.
10.1.2
Tema ng Aaronic Priesthood Quorum
“Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.
“Nang buong puso, kakayahan, isipan, at lakas, mamahalin ko ang Diyos, tutuparin ang aking mga tipan, at gagamitin ang Kanyang priesthood upang maglingkod sa iba, simula sa aking sariling tahanan.
“Habang sinisikap kong maglingkod, manampalataya, magsisi, at magpakabuti pa bawat araw, ako ay karapat-dapat na tatanggap ng mga pagpapala ng templo at ng walang-hanggang kagalakan ng ebanghelyo.
“Maghahanda ako na maging masigasig na missionary, tapat na asawa, at mapagmahal na ama sa pamamagitan ng pagiging tunay na disipulo ni Jesucristo.
“Tutulong akong ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala.”
10.1.3
Mga Korum
10.1.3.1
Deacons Quorum
Nagiging bahagi ng deacons quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 12 taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging deacon kung sila ay handa at karapat-dapat.
Ang mga tungkulin ng deacon ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:57–59; 84:111. Ang iba pang mga tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapasa ng sakramento at pagtulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68).
10.1.3.2
Teachers Quorum
Nagiging bahagi ng teachers quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging teacher kung sila ay handa at karapat-dapat.
Ang mga teacher ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon. Naghahanda rin sila ng sakramento at naglilingkod bilang mga ministering brother. Ang iba pang mga tungkulin ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:53–59; 84:111.
10.1.3.3
Priests Quorum
Nagiging bahagi ng priests quorum ang mga kabataang lalaki simula sa Enero ng taong magiging 16 na taong gulang sila. Sa panahong ito maaari na rin silang ordenan na maging priest kung sila ay handa at karapat-dapat.
Ang mga priest ay may kaparehong tungkulin sa mga deacon at teacher. Ang iba pang mga tungkulin ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan 20:46–52, 73–79.
10.1.4
Mga Susi ng Priesthood
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga susing ito, tingnan ang 3.4.1.
10.1.5
Pag-aangkop sa mga Korum ayon sa mga Lokal na Pangangailangan
Sa isang ward o branch na may iilang kabataang lalaki, maaaring magpulong nang sama-sama ang mga Aaronic Priesthood quorum para sa pagtuturo at mga aktibidad.
10.2
Pakikibahagi sa Gawain ng Kaligtasan at Kadakilaan ng Diyos
10.2.1
Pagsasabuhay ng Ebanghelyo ni Jesucristo
10.2.1.2
Pag-aaral ng Ebanghelyo
Ang mga quorum meeting ay ginaganap sa ikalawa at ikaapat na Linggo ng buwan. Ang mga ito ay tumatagal nang 50 minuto. Isang miyembro ng quorum presidency (o isa sa mga assistant ng bishop sa priests quorum) ang nangangasiwa. Pinangungunahan niya ang korum sa pagbigkas ng tema at pagpapayuhan tungkol sa mga takdang-gawain, tungkulin, at iba pang mga bagay.
Pagkatapos ay isang miyembro ng korum o adult leader ang nangunguna sa pagtuturo ng ebanghelyo.
10.2.1.3
Paglilingkod at mga Aktibidad
Ang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat magpalakas ng patotoo, patatagin ang mga pamilya, pag-ibayuhin ang pagkakaisa ng korum, at maglaan ng mga pagkakataon na pagpalain ang iba.
Ang ilang mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ay dapat kabilangan ng kapwa mga kabataang lalaki at kabataang babae, lalo na para sa mga nakatatandang kabataan.
Mga Taunang Aktibidad. Bukod pa sa mga regular na mga aktibidad ng mga kabataan, maaari ding sumali ang mga kabataang lalaki sa mga sumusunod taun-taon:
-
Isang Aaronic Priesthood quorum camp (tingnan sa Aaronic Priesthood Quorum Camp Guide).
-
Isang ward o stake youth conference o isang For the Strength of Youth (FSY) conference.
10.2.1.4
Personal na Pag-unlad
Sa kanilang pagsisikap na maging higit na katulad ng Tagapagligtas, ang mga kabataan ay inaanyayahang magtakda ng mga mithiin na umunlad sa espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, at intelektuwal (tingnan sa Lucas 2:52).
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.
10.2.2
Pangangalaga sa mga Nangangailangan
Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay tumutulong sa bishop sa “pangangasiwa ng lahat ng bagay na temporal” (Doktrina at mga Tipan 107:68). Sila ay dapat magkaroon ng regular na mga pagkakataon na maglingkod sa kanilang pamilya at kasama ang kanilang pamilya, sa mga aktibidad ng kabataan, at sa sarili nila.
10.2.2.1
Ministering
Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay tumatanggap ng ministering assignment simula sa Enero ng taong magiging 14 na taong gulang sila. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang kabanata 21.
10.2.3
Pag-anyaya sa Lahat na Tanggapin ang Ebanghelyo
Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay may tungkuling “[mag-anyaya] sa lahat na lumapit kay Cristo” (Doktrina at mga Tipan 20:59).
Hinihikayat ng mga magulang at mga lider ang mga kabataang lalaki na maghandang maglingkod sa full-time mission at ibahagi ang ebanghelyo sa buong buhay nila.
10.2.4
Pagbubuklod ng mga Pamilya sa Walang-Hanggan
Ang mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan sa maraming paraan.
-
Igalang ang kanilang mga magulang at magpakita ng halimbawa ng pamumuhay na katulad ng kay Cristo sa kanilang tahanan.
-
Maghandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo, kabilang na ang kasal na walang hanggan.
-
Tukuyin ang mga ninuno na nangangailangan ng mga ordenansa sa templo (tingnan sa FamilySearch.org).
-
Makibahagi nang madalas sa mga binyag at kumpirmasyon para sa mga patay kung may pagkakataon.
10.3
Bishopric
Ang pangunahing responsibilidad ng bishop ay pangalagaan ang mga kabataang lalaki at mga kabataang babae sa kanyang ward. Inaalam niya ang kanilang mga pangalan at inuunawa ang kanilang situwasyon sa tahanan. Dumadalo siya sa kanilang mga aktibidad at mga miting nang regular.
Ang bishop ang president ng priests quorum.
Ang first counselor sa bishopric ay responsable sa teachers quorum. Ang second counselor ay responsable sa deacons quorum.
Ang bishopric ay may sumusunod na karagdagang responsibilidad para sa mga Aaronic Priesthood quorum:
-
Kausapin nang personal ang bawat kabataang lalaki nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon (tingnan sa 31.3.1).
-
Tulungan ang mga kabataang lalaki na maghandang tanggapin ang Melchizedek Priesthood.
-
Pamahalaan ang mga talaan, report, at pananalapi ng mga Aaronic Priesthood quorum.
Tumutulong ang mga quorum adviser at mga specialist sa mga responsibilidad na ito kapag hinilingan.
10.4
Mga Youth Quorum Leader
10.4.1
Pagtawag, Pagsang-ayon, at Pag-set Apart
Tumatawag ang bishop ng isa o dalawang priest upang maging assistant niya sa pamumuno sa priests quorum.
Tumatawag ang isang miyembro ng bishopric ng mga deacons at teachers quorum president. Kapag mayroong sapat na bilang ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood na makapaglilingkod, mapanalanging pinag-iisipan ng mga kabataang lalaking ito kung sinong mga miyembro ng korum ang irerekomenda bilang mga counselor at secretary.
Matapos na ibigay ang mga calling na ito, ipinakikilala ng isang miyembro ng bishopric ang mga youth quorum leader para sa pagsang-ayon sa kanilang quorum meeting. Sine-set apart ng bishop ang mga assistant niya at ang mga deacons at teachers quorum president. Ipinagkakaloob niya ang mga susi ng priesthood sa mga quorum president. Maaari niyang atasan ang kanyang mga counselor na i-set apart ang iba pang mga miyembro ng presidency at mga secretary.
10.4.2
Mga Responsibilidad
-
Pamunuan ang mga pagsisikap ng korum na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan ng Diyos (tingnan sa kabanata 1).
-
Kilalanin at paglingkuran ang bawat miyembro ng korum, kabilang na ang mga hindi dumadalo sa mga quorum meeting.
-
Maglingkod sa ward youth council (tingnan sa 10.4.4).
-
Ituro sa mga miyembro ng korum ang mga tungkulin nila sa priesthood (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 107:85–88).
-
Planuhin at pangasiwaan ang mga quorum meeting (tingnan sa 10.2.1.2).
-
Magplano at magsagawa ng mga gawaing-paglilingkod at mga aktibidad ng korum (tingnan 10.2.1.3).
10.4.3
Quorum Presidency Meeting
Nagpupulong nang regular ang mga Aaronic Priesthood quorum presidency. Ang quorum president ang nangangasiwa sa mga miting na ito. Hindi bababa sa dalawang adult ang dumadalo—isang miyembro ng bishopric, isang adviser, o isang specialist.
10.4.4
Ward Youth Council
Tingnan ang 29.2.6 para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ward youth council.
10.8
Mga Karagdagang Tuntunin at Patakaran
10.8.1
Pangangalaga sa mga Kabataan
Kapag nakikipag-ugnayan ang mga adult sa mga kabataan sa Simbahan, dapat ay may naroong dalawang responsableng adult.
Lahat ng adult na may mga calling na may kinalaman sa mga kabataan ay dapat kumpletuhin ang children and youth protection training sa loob ng isang buwan mula nang sila ay sang-ayunan (ProtectingChildren.ChurchofJesusChrist.org).