“29. Mga Miting sa Simbahan,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk (2023).
“29. Mga Miting sa Simbahan,” Mga Seleksiyon mula sa Pangkalahatang Hanbuk
29.
Mga Miting sa Simbahan
29.0
Pambungad
Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nagtitipun-tipon upang sumamba, patibayin ang isa’t isa, at magturo at matutuhan ang ebanghelyo (tingnan sa Alma 6:6; Moroni 6:5–6). Ipinangako ng Panginoon, “Kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:20). Ang pagtitipun-tipon ay isang paraan na ang ating mga puso ay “magkakasama sa pagkakaisa at sa pag-ibig” (Mosias 18:21).
Gayunman, ang pagdaraos ng miting ay hindi dapat kailanman pumalit sa paglilingkod at pagmiminister na tulad ng ginawa ni Jesucristo.
29.1
Pagpaplano at Pangangasiwa ng mga Miting
Nagpaplano at nangangasiwa ang mga lider ng mga miting “habang sila ay ginagabayan ng Espiritu Santo, alinsunod sa mga kautusan at paghahayag ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 20:45; tingnan din sa Moroni 6:9; Doktrina at mga Tipan 46:2). Naghahanap sila ng mga paraan para maanyayahan ang impluwensya ng Espiritu sa kanilang mga miting.
Sinisiguro ng mga lider na ang dami at haba ng mga miting ay hindi lumilikha ng mga pasanin para sa mga miyembro o sa kanilang mga pamilya.
29.2
Mga Miting sa Ward
29.2.1
Sacrament Meeting
29.2.1.1
Pagpaplano ng Sacrament Meeting
Ang bishopric ang nagpaplano at nangangasiwa sa sacrament meeting. Tinitiyak nila na nakatuon ito sa sakramento at sa pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo.
Ang sacrament meeting ay tumatagal nang isang oras. Ito ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod:
-
Pambungad na saliw ng musika (tingnan sa 19.3.2 para sa mga tuntunin).
-
Mga pagbati.
-
Pagkilala sa mga namumunong awtoridad o iba pang mga lider na bumibisita.
-
Mga Anunsyo. Dapat kakaunti lamang ito.
-
Pambungad na himno at panalangin. Tingnan sa 19.3.2 at 29.6.
-
Ward at stake business, tulad ng sumusunod:
-
Pagbibigay ng pangalan at basbas sa mga bata (tingnan sa 18.6). Ito ay karaniwang ginagawa sa isang fast and testimony meeting (tingnan sa 29.2.2).
-
Pagkumpirma sa mga bagong binyag (tingnan sa 18.8).
-
Himno sa sakramento at pangangasiwa ng sakramento. Ang miting na ito ay pangunahing nakatuon sa sakramento. Ang ordenansang ito ay isang pagkakataon para sa mga miyembro na maituon ang kanilang mga isipan sa Tagapagligtas at sa Kanyang sakripisyo para sa kanila.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghahanda, pagbabasbas, at pagpapasa ng sakramento, tingnan ang 18.9.
-
Mga mensahe ng ebanghelyo at pag-awit ng kongregasyon at iba pang musika.
-
Pangwakas na himno at panalangin.
-
Pangwakas na saliw ng musika.
29.2.1.4
Pagpili ng mga Tagapagsalita
Ang bishopric ang pumipili ng mga tagapagsalita para sa sacrament meeting. Kadalasan ay inaanyayahan nila ang mga miyembro ng ward, kabilang na ang mga kabataan.
Ang mga tagapagsalita ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo at nagtuturo ng Kanyang ebanghelyo gamit ang mga banal na kasulatan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 42:12; 52:9).
29.2.2
Fast and Testimony Meeting
Sa fast and testimony meeting, walang nakatalagang mga tagapagsalita o espesyal na seleksiyon sa musika. Sa halip, ang taong nangangasiwa ay magbabahagi ng maikling patotoo. Pagkatapos ay aanyayahan niya ang mga miyembro ng kongregasyon na magbahagi ng kanilang patotoo. Ang ibig sabihin ng pagpapatotoo ay pagpapahayag ng mga katotohanan ng ebanghelyo ayon sa inspirasyon mula sa Espiritu Santo.
29.2.3
Ward Conference
29.2.4
Bishopric Meeting
Maaaring kabilang sa mga bagay na pag-uusapan ang:
-
Pag-organisa at pag-uugnay ng gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa ward.
-
Pagpapalakas ng mga indibiduwal at pamilya sa ward—lalo na ang mga kabataan at mga bata.
-
Pagtukoy sa mga miyembrong maaaring maghandang tumanggap ng mga ordenansa, kabilang na ang mga ordinasyon sa priesthood.
-
Pagtukoy sa mga miyembro na tatawagin sa mga katungkulan sa ward.
29.2.5
Ward Council Meeting
Ang bishop ang nagpaplano, namumuno, at nangangasiwa sa mga ward council meeting. Ang council ay hindi gumagawa ng mahahalagang desisyon kung wala ang bishop.
Ang mga lider ng mga organisasyon sa ward ay dumadalo sa mga ward council meeting bilang:
-
Mga miyembro ng ward council na tumutulong na mapagpala ang lahat ng miyembro ng ward.
-
Mga kinatawan ng kanilang mga organisasyon.
Kapag sila ay nagpupulong, tinatalakay ng mga miyembro ng ward council ang mga bagay na magkakaroon ng pinakamagandang resulta mula sa sama-samang pagsasanggunian at pagtutulungan ng buong council. Ang bawat miyembro ng council ay hinihikayat na ibahagi ang kanyang mga saloobin at inspirasyon tungkol sa mga bagay na ito.
Ang mga ward council meeting ay karaniwang hindi tumatagal nang mahigit isang oras. Magsisimula sila sa isang panalangin at maiikling ulat tungkol sa mga takdang-gawain mula sa mga nakaraang miting. Inuuna ng bishop ang mga bagay na pinakakailangan para mapagpala ang mga indibiduwal at pamilya.
-
Pagsasabuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Pagtulong sa lahat ng miyembro na magkaroon ng pananampalataya, tanggapin ang mga nakapagliligtas na ordenansa, at tuparin ang kanilang mga tipan.
-
Pangangalaga sa mga nangangailangan. Pagbabahagi ng mga resource at mga kasanayan para mapagpala ang mga indibiduwal, pamilya, at komunidad. Pagtulong sa mga miyembro ng ward na umasa sa kanilang sariling kakayahan. (Tingnan sa kabanata 22.)
-
Pag-anyaya sa lahat na tanggapin ang ebanghelyo. Pagrerebyu sa progreso ng mga taong nag-aaral tungkol sa ebanghelyo, gayundin ang mga bago at nagbabalik na miyembro. Pagtalakay sa mga paraan na maibabahagi ng mga miyembro ang ebanghelyo sa iba. (Tingnan sa kabanata 23.)
-
Pagbubuklod ng mga pamilya sa walang-hanggan. Pagrerebyu sa progreso ng mga miyembrong naghahandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo. Pagpaplano ng mga paraan para matulungan ang mas maraming miyembro na maging karapat-dapat na magkaroon ng temple recommend. Pagtalakay sa mga paraan kung paano makikibahagi ang mga miyembro sa gawain sa templo at family history. (Tingnan sa kabanata 25.)
Dapat panatilihing kumpidensyal ng mga miyembro ng council ang anumang pribado o sensitibong impormasyon (see 4.4.6).
29.2.6
Ward Youth Council Meeting
Bago ang bawat miting, nirerebyu ng bishop at ng taong mangangasiwa ang mga bagay na tatalakayin.
-
Ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan.
-
Mga pangangailangan ng mga kabataan sa ward at mga paraan para matugunan ang mga ito.
-
Mga pagsisikap na tulungan ang mga kabataan na di-gaanong aktibo o bagong miyembro.
-
Mga aktibidad, kabilang na ang mga pagkakataong paglingkuran ang mga nangangailangan. Karamihan sa pagpaplano ay ginagawa sa mga quorum o class presidency meeting (tingnan sa kabanata 20).
-
Ministering (tingnan sa kabanata 21).
-
Pagbibigay ng oryentasyon sa mga bagong tawag na quorum presidency at class presidency.
29.2.8
Iskedyul para sa mga Miting sa Araw ng Linggo
Ginagamit ng mga ward ang isa sa mga sumusunod na dalawang-oras na iskedyul para sa mga miting sa araw ng Linggo.
Plano 1
60 minuto |
Sacrament meeting |
---|---|
10 minuto |
Paglipat sa mga klase at miting |
50 minuto |
Lahat ng Linggo: Primary, kabilang na ang nursery Una at ikatlong Linggo ng buwan: Sunday School Ikalawa at ikaapat na Linggo: mga priesthood quorum meeting, Relief Society meeting, at Young Women meeting Ikalimang Linggo: mga miting para sa mga kabataan at adult. Ang bishopric ang pumipili ng paksa at nagtatalaga ng mga guro. |
Plano 2
50 minuto |
Lahat ng Linggo: Primary, kabilang na ang nursery Una at ikatlong Linggo ng buwan: Sunday School Ikalawa at ikaapat na Linggo: mga priesthood quorum meeting, Relief Society meeting, at Young Women meeting Ikalimang Linggo: mga miting para sa mga kabataan at adult. Ang bishopric ang pumipili ng paksa at nagtatalaga ng mga guro. |
---|---|
10 minuto |
Paglipat sa sacrament meeting |
60 minuto |
Sacrament meeting |
29.3
Mga Miting sa Stake
29.3.1
Stake Conference
29.3.2
Stake General Priesthood Meeting
29.3.3
Stake Priesthood Leadership Meeting
29.3.4
Mga Stake Leadership Meeting
29.3.5
Stake High Priests Quorum Meeting
29.3.6
Stake Presidency Meeting
29.3.7
High Council Meeting
29.3.8
Stake Council Meeting
29.3.9
Stake Adult Leadership Committee Meeting
29.3.10
Stake Youth Leadership Committee Meeting
29.3.11
Stake Bishops’ Council Meeting
29.5
Mga Funeral Service at Iba Pang mga Serbisyo para sa mga Patay
29.5.1
Mga Pangkalahatang Alituntunin
Ang isang mahalagang layunin ng mga serbisyo ng Simbahan para sa mga namatay ay magpatotoo sa plano ng kaligtasan, lalo na sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas. Ang mga serbisyong ito ay dapat marangal at maging mga espirituwal na karanasan.
Hindi dapat isama ng mga lider ng Simbahan ang ritwal ng ibang relihiyon o grupo sa mga pulong ng Simbahan para sa mga namatay.
29.5.2
Pag-aalok ng Tulong sa Pamilya
Bilang mga disipulo ni Cristo, ang mga lider ng Simbahan at mga miyembro ay “[nakiki]dalamhati sa mga yaong nagdadalamhati, … at [nagbibigay] aliw [sa] yaong mga nangangailangan ng aliw” (Mosias 18:9). Kapag namatay ang isang miyembro, binibisita ng bishop ang pamilya upang magbigay ng kapanatagan.
Ang bishop ay nag-aalok ng tulong mula sa mga miyembro ng ward, kabilang na ang elders quorum at Relief Society.
29.5.4
Mga Funeral Service (Kung Kaugalian)
Ang funeral service na pinangangasiwaan ng bishop, sa isang gusali man ng Simbahan o sa ibang lugar, ay isang pulong ng Simbahan at pulong na panrelihiyon. Dapat itong maging espirituwal na okasyon.
Ang funeral service ay dapat magsimula sa takdang oras. Ang mga ito ay karaniwang hindi tumatagal nang mahigit 1.5 oras, bilang paggalang sa mga dumadalo.
Ang mga funeral service ay hindi karaniwang idinaraos sa araw ng Linggo.
29.6
Mga Panalangin sa mga Miting ng Simbahan
Ang mga panalangin sa mga miting sa Simbahan ay dapat maikli, simple, at ginagabayan ng Espiritu. Ang sinumang nabinyagang miyembro ng Simbahan ay maaaring mag-alay ng pambungad o pangwakas na panalangin. Ang mga batang hindi pa nabibinyagan ay maaaring mag-alay ng panalangin sa Primary.
29.7
Pag-stream ng mga Miting at Pagdaraos ng mga Online na Miting
Maaaring iawtorisa ng bishop, bilang eksepsyon, ang pag-livestream ng mga sacrament meeting at mga funeral service at kasal na idinaraos sa mga meetinghouse.
Hindi dapat kasali sa livestream ng isang sacrament meeting ang pangangasiwa ng sakramento.
Para sa ilang miting, maaaring iawtorisa ng bishop o stake president ang pakikibahagi online ng mga miyembrong hindi makadalo nang personal. Maaaring kabilang sa mga miting na ito ang:
-
Mga leadership meeting, tulad ng mga presidency o council meeting.
-
Mga miting ng korum, Relief Society, at Young Women.
-
Mga klase sa Sunday School.
-
Mga klase sa Primary at oras ng pag-awit.
29.8
Mga Retrato at Video Recording ng mga Miting
Upang mapanatili ang kasagraduhan ng mga pulong ng Simbahan, walang sinuman ang dapat kumuha ng mga retrato o gumawa ng mga video recording ng mga sacrament meeting o stake conference.
Para sa impormasyon tungkol sa mga stream recording ng mga miting, tingnan ang 29.7.