Seminary
1 Corinto 12


1 Corinto 12

Mga Espirituwal na Kaloob

Isang grupo ng mga kabataang lalaki at kabataang babae ang masaya habang magkakasama silang bumibisita sa Paris France.

Sumulat si Pablo sa mga Banal sa Corinto upang tulungan sila na maunawaan na kailangan nilang makiisa kay Cristo. Itinuro niya na kung matutukoy at magagamit ng lahat ng miyembro ang mga espirituwal na kaloob na natanggap nila mula sa Panginoon, maaari silang maging katulad ng iba’t ibang bahagi ng katawan na nagkakaisang gumagawa. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang matukoy ang mga espirituwal na kaloob na ibinigay sa iyo ng Panginoon upang mapagpala ang iba at mapalakas ang Kanyang Simbahan.

Pagtanggap ng mga kaloob

  • Ano ang isang makabuluhang regalo na natanggap mo?

  • Ano ang naging epekto ng regalong ito sa buhay mo? Ano ang nagawa mo dahil dito?

  • Ano ang nadama mo tungkol sa taong nagbigay sa iyo ng regalo?

Habang pinag-aaralan mo ang 1 Corinto 12, matututuhan mo ang tungkol sa mga espirituwal na kaloob na ibinibigay ng Ama sa Langit sa Kanyang mga anak. Alamin kung bakit Niya ibinibigay ang mga kaloob na ito, at humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo upang matulungan kang tukuyin ang isang kaloob na ibinigay sa iyo.

Binibigyan tayo ng Panginoon ng mga espirituwal na kaloob

“Ang mga espirituwal na kaloob ay mga pagpapala o kakayahan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga anak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo” (Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Mga Espirituwal na Kaloob,” topics.ChurchofJesusChrist.org).

Matuto tungkol sa mga espirituwal na kaloob sa pamamagitan ng pagbabasa ng 1 Corinto 12:3–11.

  • Ano ang ilang espirituwal na kaloob na nakasulat sa mga talatang ito?

Maraming iba’t ibang espirituwal na kaloob. Upang malaman ang tungkol sa iba pang espirituwal na kaloob, basahin ang Moroni 10:8–18; Doktrina at mga Tipan 46:11–26; at ang sumusunod na pahayag ni Elder Marvin J. Ashton (1915–94) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan ni Marvin J. Ashton.

Hayaan ninyong magbanggit ako ng ilang kaloob na hindi palaging nakikita o kapansin-pansin ngunit napakahalaga … : ang kaloob na paghingi; ang kaloob na pakikinig at paggamit ng marahan at banayad na tinig; ang kaloob na kakayahang tumangis; ang kaloob na pag-iwas sa pagtatalo; … ang kaloob na paghahangad ng matwid; ang kaloob na hindi paghusga; ang kaloob na pagbaling sa Diyos para sa patnubay; … ang kaloob na pangangalaga para sa iba; ang kaloob na kakayahang magnilay; ang kaloob na pag-aalay ng panalangin; ang kaloob na pagbabahagi ng malakas na patotoo.

(Marvin J. Ashton, “There Are Many Gifts,” Ensign, Nob. 1987, 20)

  • Sino ang binibigyan ng Panginoon ng mga espirituwal na kaloob na ito?

  • Ano ang ipinapaunawa nito sa iyo tungkol sa Panginoon?

Ang isang katotohanang maaari mong matukoy ay binibigyan ng Panginoon ang bawat miyembro ng Kanyang Simbahan ng kahit isang espirituwal na kaloob upang pagpalain ang iba.

Pagnilayan ang mga espirituwal na kaloob na sa palagay mo ay ibinigay sa iyo ng Diyos. Kung nahihirapan kang matukoy ang iyong mga espirituwal na kaloob, maaari kang magtanong sa isang magulang o lider. Maaari ding ihayag ng iyong patriarchal blessing ang ilan sa iyong mga espirituwal na kaloob.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, nang malaman mong binigyan ka Nila ng espirituwal na kaloob?

  • Paano nakakaimpluwensya ang kaalamang binigyan ka ng espirituwal na kaloob sa paraan ng pagtingin mo sa iyong banal na pagkatao?

  • Sa palagay mo, bakit nagbibigay ang Diyos ng mga espirituwal na kaloob sa bawat miyembro ng Simbahan at hindi lang sa ilang miyembro?

Nais ng Panginoon na pagpalain natin ang isa’t isa

Basahin ang 1 Corinto 12:14–20 para hanapin ang paghahambing na ginamit ni Pablo upang tulungan tayong kilalanin ang kahalagahan ng ating mga indibiduwal na kontribusyon.

  • Saan inihahambing ni Pablo ang Simbahan sa scripture passage na ito? Ano ang itinuturo sa iyo ng paghahambing na ito tungkol sa mga espirituwal na kaloob?

  • Paano ka napagpapala ng mga espirituwal na kaloob ng iba?

Para makakita ng halimbawa ng isang tao na nagbahagi ng kanyang mga espirituwal na kaloob sa iba, maaari mong panoorin ang video na “With All Your Heart” (3:26), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, na nagkukuwento tungkol sa isang binatilyo na tinawag upang gamitin ang kaloob mula sa Panginoon na kamakailan lang niya natuklasan. Sa iyong panonood, bigyang-pansin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo tungkol sa kung paano mo magagamit ang iyong mga kaloob upang pagpalain ang iba.

2:3

With All Your Heart

One young man overcomes his fears while magnifying his calling.

Pagnilayan kung paano ka napagpala ng mga espirituwal na kaloob na ibinigay sa iyo at kung paano mo magagamit ang mga ito upang pagpalain ang iyong pamilya, ward o branch, o ang iba pang tao. Maaari mong isulat sa iyong study journal ang anumang impresyon mula sa Espiritu Santo tungkol sa iyong mga kaloob.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin ang dalawa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Panginoon na maunawaan mo tungkol sa iyong sarili at sa iyong mga espirituwal na kaloob?

  • Anong paghihikayat ang ibibigay mo sa isang tao na nakadarama na wala siyang espirituwal na kaloob?

  • Ano ang isang espirituwal na kaloob na ninanais mo? Ano ang magagawa mo upang matamo ang kaloob na iyon? (Inaanyayahan tayo ng Panginoon na pagsikapang mithiin ang mga espirituwal na kaloob; tingnan sa 1 Corinto 12:31; 14:1; Doktrina at mga Tipan 46:7–9.)

  • Ano ang ilang paraan na magagamit mo ang iyong mga espirituwal na kaloob upang pagpalain ang iba? Paano ito makatutulong sa iyo na maging higit na katulad ng Tagapagligtas?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ko magagamit ang aking mga espirituwal na kaloob upang tulungan ang iba?

Ibinahagi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, kung paano natin matutularan ang halimbawa ni Jesucristo:

2:3

“You Are My Hands”

As disciples of Jesus Christ, our Master, we are called to support and heal rather than condemn.

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Kapag iniisip ko ang Tagapagligtas, madalas ko Siyang ilarawan sa aking isipan na nakalahad ang mga kamay, nakaunat para umaliw, magpagaling, magbasbas, at magmahal. At lagi Niyang kinakausap, hindi hinahamak, ang mga tao. Mahal Niya ang mga mapagkumbaba at maaamo at Siya ay nakihalubilo, nagministeryo, at nagbigay ng pag-asa at kaligtasan sa kanila. 

Iyan ang ginawa Niya noong Siya ay nabubuhay; ito ang gagawin Niya kung kapiling natin Siya ngayon; at ito dapat ang ginagawa natin bilang Kanyang mga disipulo at miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. … 

Kapag tinularan natin ang Kanyang perpektong halimbawa, ang ating mga kamay ay maaaring maging Kanyang mga kamay; ang ating mga mata ay Kanyang mga mata; ang ating puso ay Kanyang puso.

(Dieter F. Uchtdorf, “Kayo ang Aking mga Kamay,” Liahona, Mayo 2010, 68)

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar, opisyal na larawan ng Korum ng Labindalawang Apostol. 2020.

Tumatanggap tayo ng mga espirituwal na kaloob upang pagpalain ang ibang tao. Kung ang hangarin natin ay tumanggap ng kaloob dahil gusto natin ito, malamang na hindi natin ito matatanggap. Kapag hinahangad nating maglingkod sa iba alinsunod sa mga turo ni Jesucristo, bibigyan tayo ng mga espirituwal na kaloob at mas malaking kakayahan na makapaglingkod.

(David A. Bednar, sa “Understanding Heavenly Father’s Plan,” ChurchofJesusChrist.org/prophets-and-apostles/unto-all-the-world/understanding-heavenly-fathers-plan)

Ano ang magagawa ko kung hindi ko nadaramang mayroon akong mahalagang espirituwal na kaloob?

Ang payo mula kay Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ay matatagpuan sa video na “Songs Sung and Unsung” (mula sa time code na 0:57 hanggang 2:57). Mapapanood ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:56

“Songs Sung and Unsung”

When you’re feeling low and your days are difficult, remember, “the Savior hears the songs you cannot sing. ”Don’t give up. “Believe in yourself and believe in Him.”

Nagbahagi si Elder John C. Pingree Jr. ng Pitumpu ng halimbawa tungkol sa isang miyembrong babae na nalaman na mayroon siyang espirituwal na kaloob na hindi niya napansin:

Opisyal na Larawan ni Elder John C. Pingree, Jr. Kinunan noong Marso 2017.

Isang araw, isang malungkot na babae ang nagsumamo, “Panginoon, ano po ang ipagagawa ninyo sa akin?” Sumagot Siya, “Pansinin mo ang iba.” Iyan ay espirituwal na kaloob! Mula noon, nakadama siya ng kagalakan sa pagpansin sa iba na madalas makaligtaan, at sa pamamagitan niya ay napagpala ng Diyos ang maraming tao. Bagama’t ang ilan sa mga espirituwal na kaloob ay hindi mahalaga ayon sa mga pamantayan ng mundo, ang mga ito ay mahalaga sa Diyos at sa Kanyang gawain.

(John C. Pingree Jr., “Ako ay May Gawain Para sa Iyo,” Liahona, Nob. 2017, 33–34)

Ano ang dapat kong gawin kapag nakadarama ako ng kakulangan para sa mga tungkulin ko sa Simbahan?

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Maaaring madama ninyo na may ibang higit na may kakayahan o karanasan na makagaganap ng inyong katungkulan at tungkulin kaysa sa inyo, ngunit ibinigay sa inyo ng Panginoon ang responsibilidad na ito nang may dahilan. Maaaring may mga tao at pusong kayo lamang ang makaaantig. Marahil walang makagagawa nito nang katulad ng magagawa ninyo.

(Dieter F. Uchtdorf, “Magbuhat Kung Saan Kayo Nakatayo,” Liahona, Nob. 2008, 56)