Seminary
1 Corinto 13


1 Corinto 13

“Ang Pag-ibig ay Walang Katapusan”

Hinahawakan ni Jesus ang pisngi ng isang babaeng nakaupo sa lupa. Kabilang sa mga outtake ang babaeng maysakit na naglalakad papunta kay Jesus upang hipuin ang kanyang kasuotan at si Jesus na nakaluhod at kinakausap ang babaeng nakaupo. Hinahawakan ni Jesus ang mukha ng isang babaeng nakaupo.

Nagpakita si Jesucristo ng dakilang pagmamahal sa bawat araw ng Kanyang buhay sa mundo. Sa huli, ipinakita Niya ang Kanyang ganap na pag-ibig sa pamamagitan ng kusang-loob na pagsasakripisyo ng Kanyang buhay para sa atin. Isinulat nang detalyado ni Apostol Pablo ang tungkol sa pagmamahal na tulad ng kay Cristo, o pag-ibig sa kapwa-tao, at kung bakit natin dapat gustuhing makamtan ito. Layunin ng lesson na ito na matulungan kang madama ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo para sa iyo at matulungan kang hangarin ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao upang maipadama ang pag-ibig na ito sa iba.

Ang ating mga ugnayan sa iba

Isipin ang isang taong gusto mong magkaroon ka ng mas magandang ugnayan.

  • Bakit gusto mong maging maganda ang ugnayan at samahan ninyo?

  • Ano ang nagawa mo para makatulong na mapaganda ang ugnayang ito? Ano ang nakatulong? Ano ang hindi nakatulong?

  • Sa palagay mo, anong epekto ang maaaring idulot ng pagpapakita ng mas dakilang pagmamahal sa ugnayan ninyo?

Habang pinag-aaralan mo ang 1 Corinto 13, maghanap ng paraan kung paano mo magagawang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ng Tagapagligtas. Hangarin ang inspirasyon ng Espiritu Santo upang malaman kung ano ang magagawa mo upang ipamuhay ang natututuhan mo sa sarili mong mga sitwasyon.

Ang dalisay na pag-ibig ni Jesucristo

Pagkatapos turuan ang mga miyembro sa Corinto tungkol sa mga espirituwal na kaloob, sinabi ni Apostol Pablo na ipapakita niya sa kanila ang “isang [paraan] na walang kahambing” para mamuhay (1 Corinto 12:31). Basahin ang 1 Corinto 13:1–3, at alamin ang walang kahambing na paraang ito.

  • Ano ang alam mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao na tumutulong sa iyong maunawaan kung bakit napakahalaga nito?

Matutulungan tayo ng Aklat ni Mormon na mas maunawaan ang kahalagahan ng pag-ibig sa kapwa-tao. Sa pagtatapos ng sinaunang talang ito, isinama ni Moroni ang ilan sa mga salita ng kanyang amang si Mormon. Inilahad ni Mormon ang mga elemento ng pag-ibig sa kapwa-tao at binigyang-kahulugan niya ito (tingnan sa Moroni 7:43–48).

Basahin ang Moroni 7:46–47, at alamin ang matututuhan mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao.

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao mula sa mga talatang ito?

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Opisyal na Larawan ni Pangulong Dallin H. Oaks na kuha noong Marso 2018.

Ang pag-ibig sa kapwa-tao, “ang dalisay na pag-ibig ni Cristo” [Moroni 7:47], ay hindi isang kilos ngunit isang kundisyon o kalagayan. Natatamo ang pag-ibig sa kapwa-tao sa pamamagitan ng sunud-sunod na mga pagkilos na humahantong sa pagbabalik-loob. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay isang bagay na nagiging likas sa tao.

(Dallin H. Oaks, “The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 34) 

  • Ano ang mas ipinapaunawa sa iyo ng pahayag ni Pangulong Oaks tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao?

Gumamit si Pablo, sa Bagong Tipan, at si Mormon, sa aklat ni Mormon, ng magkakatulad na salita at parirala upang ilarawan ang pag-ibig sa kapwa-tao. Sa pag-unawa sa kanilang mga salita, malalaman natin kung ano ang gagawin at kalaunan, kung paano maging higit na katulad ni Jesucristo.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Kumpletuhin ang bawat isa sa mga hakbang sa aktibidad, at sagutin ang kasunod na tanong sa iyong study journal:

  1. Basahin ang 1 Corinto 13:4–7 o Moroni 7:45, at alamin kung paano inilarawan ang pag-ibig sa kapwa-tao.

  2. Pumili ng dalawa o tatlong salita o parirala na naglalarawan sa pag-ibig sa kapwa-tao, at isulat ang mga ito sa iyong study journal.

  3. Sa tabi ng bawat paglalarawan, isulat kung ano ang ibig sabihin nito gamit ang sarili mong mga salita. Maaari kang gumamit ng anumang tool sa pag-aaral na available sa iyo. Halimbawa, maaari kang gumamit ng diksyunaryo upang maghanap ng mga kahulugan para sa mga salitang tulad ng mapagtiis o kahambugan. Isulat din kung paano ka matutulungan ng katangiang ito na maging katulad ng Tagapagligtas.

  • Ano ang natututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa iba’t ibang paglalarawang pinag-aralan mo?

Ang perpektong huwaran

Si Jesucristo ang perpektong huwaran ng lahat ng paglalarawan ng pag-ibig sa kapwa-tao. Gamit ang isinulat mo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao sa iyong study journal, mag-isip ng mga halimbawa sa mga banal na kasulatan kung kailan ipinakita ni Jesucristo ang Kanyang dalisay na pag-ibig sa ganitong paraan. Maaaring makatulong sa iyo ang mga sumusunod na larawan na iugnay ang Tagapagligtas sa mga pariralang pinag-aralan mo.

Larawan ni Cristo at ang babaeng nahuling nangangalunya. Kapwa sila nakaluhod at hawak ng babae ang kanyang kamay. Kabilang sa mga outtake ang mga galit na lalaki na dala ang babae at ihinagis siya sa lupa, ang babae ay sumiksik sa lupa, ang tagapagligtas na nakaluhod sa tabi niya, itinatayo siya ni Jesus, at ang tagapagligtas na nakatayo kasama niya.
Paglalarawan kay Jesus na niyayakap sina Maria at Marta.
Si Jesus ay nakasakay sa isang asno papasok sa Jerusalem at daraan sa maraming tao na may hawak na mga sanga ng puno. Kabilang sa mga outtake si Jesus na halos hindi makita sa kalipunan ng napakaraming tao, mga larawan ng mga tao, ilang maliliit na bata, at si Jesus na dumaraan sa maraming tao.
Bumalik muli si Jesus sa halamanan upang patuloy na manalangin at nagdanas Siya ng matinding sakit.
Si Jesus ay nakapako sa krus sa pagitan ng dalawang kriminal, may mga tao sa ibaba na nakamasid. Kabilang sa mga outtake ang isang espongha sa patpat na itinaas kay Jesus ng isang kawal na Romano, iba’t ibang anggulo ng tatlong lalaki na nakabayubay sa krus, ang mga kawal ay nagsusugal at pinupunit ang kanyang mga kasuotan, si Jesus na naglalakad na nakasuot ng koronang tinik at nababalutan ng dugo, at si Caifas.
  • Paano nagpakita ang Tagapagligtas ng pag-ibig sa kapwa-tao sa bawat isa sa mga sitwasyong ito?

  • Paano mo personal na nasaksihan ang pagmamahal ng Tagapagligtas para sa iyo at sa iba?

  • Paano nakakaapekto sa nadarama mo para sa Tagapagligtas ang pag-iisip tungkol sa pagmamahal Niya para sa iyo?

Pamumuhay nang may pag-ibig sa kapwa-tao

Tinapos ng propetang si Mormon ang kanyang mga turo tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao nang may agarang paanyaya na kumilos. Basahin ang Moroni 7:48, at hanapin ang paanyayang ito.

  • Anong mga salita o parirala ang tumutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang kailangan upang matanggap ang kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao?

Sa buong buhay Niya, ipinakita ni Jesucristo na posibleng magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao sa anumang sitwasyon. Subukang ilarawan sa isipan kung anong epekto ang maidudulot sa iyong buhay kung susundin mo ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pag-ibig sa kapwa-tao sa lahat ng sitwasyon. Isipin ang partikular na ugnayang naisip mo sa simula ng lesson. Isipin kung paano higit na mapagpapala ang ugnayang iyon ng higit pang pag-ibig sa kapwa-tao.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang magagawa mo upang lalo pang maipakita ang pag-ibig sa kapwa-tao?

  • Ano ang gagawin mo upang ipakita sa Ama sa Langit na ninanais mo na tulungan ka Niya?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano tayo makapagpapakita ng pag-ibig sa kapwa-tao?

Itinuro ni Elder Marvin J. Ashton (1915–94) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan ni Marvin J. Ashton.

Ang pinakadakilang pag-ibig sa kapwa-tao ay kapag mabait tayo sa isa’t isa, hindi natin hinuhusgahan o binabansagan ang iba, naniniwala tayo na mabuti ang intensyon ng isa’t isa o tumatahimik na lang tayo. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay pagtanggap ng mga pagkakaiba, kahinaan, at pagkukulang ng isang tao; pagpapasensya sa isang taong bumigo sa atin; o hindi magdamdam kapag hindi ginawa ng isang tao ang isang bagay sa paraang inaasahan natin. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay pagtangging samantalahin ang kahinaan ng ibang tao at kahandaang magpatawad sa isang taong nakasakit ng ating damdamin. Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay paghahangad ng pinakamabuti para sa bawat isa.

(Marvin J. Ashton, “The Tongue Can Be a Sharp Sword,” Ensign, Mayo 1992, 19)

Nagturo si Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) tungkol sa pag-ibig sa kapwa-tao sa kanyang mensahe sa pangkalahatang kumperensya na “Ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao Kailanman ay Hindi Nagkukulang” (Liahona, Nob. 2010, 122–25). Maaari mong panoorin ang video ng mensaheng ito, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 15:05 hanggang 17:22.

2:3

Ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao Kailanman ay Hindi Nagkukulang

Rather than being judgmental and critical of each other, may we have the pure love of Christ for our fellow travelers in this journey through life.

Bakit hindi kailanman mabibigo ang pag-ibig sa kapwa-tao, na dalisay na pag-ibig ni Jesucristo?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na Larawan ni Elder Jeffrey R. Holland. Kinunan noong Enero 2018.

Ang tunay na pag-ibig sa kapwa-tao … ay naipakita nang perpekto at dalisay sa hindi nagmamaliw, tiyak, at nagbabayad-salang pagmamahal ni Cristo sa ating lahat. … Ito ay pag-ibig sa kapwa-tao—ang kanyang dalisay na pag-ibig para sa atin—na kung wala ito ay wala tayong kabuluhan, walang pag-asa, kahabag-habag sa lahat ng kalalakihan at kababaihan. Tunay ngang ang mga taong matatagpuang may taglay ng mga pagpapala ng kanyang pagmamahal sa huling araw—ang Pagbabayad-sala, Pagkabuhay na Mag-uli, buhay na walang hanggan, walang-hanggang pangako—ay tiyak na makabubuti sa kanila. …

Ang buhay ay may mga pangamba at kabiguan. Kung minsan nangyayari ang mga bagay-bagay na iba sa ating inaasahan. Kung minsan ay binibigo tayo ng mga tao, o nawawalan tayo ng kabuhayan o negosyo o nagkukulang sa atin ang gobyerno. Ngunit isang bagay sa buhay na ito o sa kawalang-hanggan ang hindi bibigo sa atin—ang dalisay na pag-ibig ni Cristo.

(Jeffrey R. Holland, Christ and the New Covenant [1997], 336–37)