Seminary
Mga Gawa 4–5


Mga Gawa 4–5

Pagsunod sa Diyos sa Halip na sa Tao

Isang saserdote ang nagtatanong kay Pedro.

Sina Pedro at Juan ay dinakip at ibinilanggo dahil sa pagpapagaling at pagpapatotoo sa pangalan ni Jesucristo. Kalaunan ay pinalaya sila at inutusang huwag magsalita o magturo sa Kanyang pangalan. Subalit patuloy na nagpatotoo sina Pedro at Juan tungkol kay Jesucristo, at muli silang dinakip at ibinilanggo. Isang anghel ang nagligtas sa kanila mula sa bilangguan at nagsabi sa kanila na bumalik at patuloy na mangaral tungkol kay Cristo, na siyang ginawa nila. Muli silang ipinadakip at ipinabugbog ng mga pinunong Judio. Inutusan sila ng mga pinuno na tumigil sa pangangaral tungkol kay Cristo, ngunit sumagot sina Pedro at Juan na dapat nilang sundin ang Diyos sa halip na ang mga tao. Nagalak sina Pedro at Juan na nakaranas sila ng pag-uusig dahil kay Jesucristo. Habang nag-aaral ka ngayon, pag-isipan kung paano mo pag-iibayuhin ang iyong hangaring sundin ang Diyos kaysa sa sinuman.

Manindigan sa tama

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan maaaring mahirap para sa iyo o sa iba na sundin ang Diyos dahil sa mga pamimilit ng iba?

  • Bakit mahirap ang mga sitwasyong ito?

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018):

Opisyal na larawan ni Pangulong Thomas S. Monson, 2008.

Sa buhay natin sa araw-araw, halos walang pagsalang susubukin ang ating pananampalataya. Maaari nating matagpuan ang ating sarili paminsan-minsan na naliligiran ng iba subalit bahagi tayo ng iilan o mag-isa tayong naninindigan sa kung ano ang katanggap-tanggap at ang hindi. May tapang ba tayong manindigan sa ating mga paniniwala, kahit sa paggawa nito ay [ka]kailanganin nating manindigang mag-isa?

(Thomas S. Monson, “Tapang na Manindigang Mag-isa,” Liahona, Nob. 2011, 60)

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Anong grado ang ibibigay mo sa kahandaan mong sundin ang Diyos sa halip na magpadaig sa mga pamimilit ng iba?

  • Ano ang ilang sitwasyon sa hinaharap kung saan maaaring kailanganin mong piliing sundin ang Diyos sa halip na ang iba?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, maghanap ng mga katotohanan at halimbawa na makatutulong sa iyo na madama na mas nag-iibayo ang hangarin mong sundin ang Diyos kaysa sa sinuman.

Sina Pedro at Juan ay dinakip dahil sa pangangaral at pagpapagaling sa pangalan ni Jesucristo

Naharap sina Pedro at Juan sa mga sitwasyon na kung saan kinailangan nilang pumili kung susundin nila ang Diyos o magpapadaig sa pamimilit ng iba. Matapos pagalingin ang lalaking lumpo sa templo at mangaral sa pangalan ni Jesucristo, sina Pedro at Juan ay dinakip, ibinilanggo, at tinanong ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mga Gawa 3:1–11; 4:1–7).

Basahin ang Mga Gawa 4:8–21, at alamin kung paano tumugon sina Pedro at Juan sa sitwasyong ito. Maaari mong markahan ang mga salita o parirala sa mga talatang ito na sa palagay mo ay mahalaga o nagbibigay-inspirasyon sa iyo na piliing sundin ang Diyos sa lahat ng iba pa. Maaari mong panoorin ang “Peter and John Are Judged” (2:51), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, habang sinasabayan mo ng pagbabasa sa iyong mga banal na kasulatan.

2:51

Peter and John Are Judged

Peter and John preach in the name of Jesus Christ and are brought before the leaders of the Jews for questioning. Acts 4:5–21

  • Anong mga salita o parirala ang pinakatumimo sa iyo mula sa mga talatang ito? Bakit?

Basahin ang Mga Gawa 5:12–32 at ipagpatuloy ang pag-aaral mo ng salaysay na ito. Maaari mong markahan ang anumang doktrina, alituntunin, o parirala na mahalaga para sa iyo. O maaari mong panoorin ang “Peter and John Continue Preaching the Gospel” hanggang sa time code na 3:51.

5:38

Peter and John Continue Preaching the Gospel

Peter and John continue preaching and healing in the name of Jesus Christ, despite the attempts of the authorities to stop them. Acts 5:12–42

  • Ano ang nahanap mo?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo sa salaysay na ito?

Ang isa sa mga katotohanang matututuhan natin mula sa salaysay na ito ay kung pipiliin nating sundin ang Diyos sa halip na matakot sa iba, sasamahan Niya tayo.

Isipin ang mga sitwasyong natukoy mo sa simula ng lesson kung saan maaaring mahirap sundin ang Diyos dahil sa pamimilit ng iba.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang ilang pagpapala na matatanggap natin sa pagsunod sa Diyos sa halip na matakot sa iba?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Diyos na nagbibigay sa iyo ng tiwala na sundin Siya—kahit na pinipilit ka ng iba na huwag sumunod sa Kanya?

  • Kailan mo o ng ibang tao nakita ang karunungan sa pagsunod sa Diyos sa halip na matakot sa iba? (Maaari mo ring tukuyin ang mga halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas.)

Isang makabagong halimbawa

Nagbahagi si Elder Thierry K. Mutombo ng Pitumpu ng halimbawa ng isang pamilya na piniling sundin ang Diyos sa halip na ang mga tao. Upang mapakinggan ang salaysay na ito, panoorin ang “Kayo’y Magiging Malaya,” matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 6:43 hanggang 8:51.

9:53

Ye Shall Be Free

Elder Mutombo teaches that Jesus Christ is the Light of the World and that He can guide us in dark and troubling times.

  • Ano ang pinakahinangaan mo tungkol sa kung paano tumugon ang pamilyang ito sa kanilang mga hamon?

  • Sa iyong palagay, bakit napakahalaga ng pananampalataya ng pamilya kay Jesucristo sa sitwasyong ito?

Pinakawalan sina Pedro at Juan

Pinag-usapan ng mga pinunong Judio kung ano ang gagawin kina Pedro at Juan. Isang iginagalang na pinunong Judio na nagngangalang Gamaliel ang naghikayat sa kanila na palayain sina Pedro at Juan dahil natanto niya na kung talagang ginagawa nina Pedro at Juan ang gawain ng Diyos, hindi ito mapipigilan ng mga pinunong Judio (tingnan sa Mga Gawa 5:29–39).

Basahin ang Mga Gawa 5:40–42, at maaari mong markahan ang mga salita o parirala na naglalarawan ng nadama nina Pedro at Juan matapos maranasan ang ginawa nila.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin sa iyong study journal ang sumusunod na tanong:

  • Ano ang natutuhan mo ngayon na nagbigay-inspirasyon sa iyo na sundin ang Ama sa Langit sa halip na ang mga tao?

Opsiyonal: Gusto mo bang may matutuhan pa?

Paano kung naiiba ako dahil pinipili kong sundin ang Ama sa Langit?

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Richard G. Scott ng Korum

Kung minsan, maaari kayong malungkot at maramdaman ninyong hindi kayo nauunawaan—nadarama ko iyan—dahil naiiba kayo sa nakararami. Magpasalamat kayo na nahuhubog kayo ng inyong matwid na pamumuhay upang hindi kayo mapunta kung saan hindi kayo nabibilang. Ito ay pansamantalang panahon ng personal na pagsubok at pag-unlad. Pagdating ng panahon, mapapalitan ito ng mga tunay na kaibigan at ng mas malaking kaligayahan.

(Richard G. Scott, “The Power of Righteousness,” Ensign, Nob. 1998, 68)

Paano ko dapat ipagtanggol ang aking mga paniniwala?

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Jeffrey R. Holland

Maging matatag. Tapat na ipamuhay ang ebanghelyo kahit hindi ito ginagawa ng ibang nasa paligid ninyo. Ipagtanggol ang inyong mga paniniwala nang may paggalang at habag, ngunit ipagtanggol pa rin ito.

(Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Liahona, May 2014, 9)

Paano ipinakita ng Tagapagligtas na sinunod Niya ang Ama sa Langit kaysa sa mga tao?

Ang mga sumusunod na Bible video ay naglalarawan ng hangarin ng Tagapagligtas na paglingkuran ang Diyos sa halip na sundin ang mga ideya ng mga tao.

Panoorin ang “Jesus Forgives Sins and Heals a Man Stricken with Palsy” (2:57) upang makita kung paano ipinakita ng Tagapagligtas ang Kanyang kapangyarihan at kahandaang magpatawad ng kasalanan nang pagdudahan ito ng iba.

2:57

Jesus Forgives Sins and Heals a Man Stricken with Palsy

Jesus shows that He has power to both forgive sins and heal physical infirmities. Mark 2:1–12

Panoorin ang “Jesus Heals A Lame Man on the Sabbath” (2:23) upang makita kung paano pinagaling ng Tagapagligtas ang isang lalaki kahit na inisip ng mga pinunong Judio na hindi angkop na gawin ito sa araw ng Sabbath.

2:23

Jesus Heals a Lame Man on the Sabbath

Jesus performs a miracle by healing an invalid on the Sabbath day. John 5:2–12

Panoorin ang “Go and Sin No More” (3:21) upang makita kung paanong hindi hinatulan ng Tagapagligtas ang isang tao kahit inuudyukan Siya ng iba na gawin ito.

3:21

Go and Sin No More

Jesus teaches about compassion when confronted with a woman accused of adultery.