Mga Gawa 1
Pambungad sa Aklat ng Mga Gawa
Sa loob ng 40 araw matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, nagminister si Jesucristo sa Kanyang mga disipulo. Sa panahong ito, inihanda Niya ang Kanyang mga Apostol na pamahalaan ang Kanyang Simbahan matapos ang Kanyang Pag-akyat sa langit. Tulad ng ginawa Niya noong unang panahon, patuloy na pinamamahalaan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga piniling Apostol ngayon. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na madama kung gaano kahalaga na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng mga apostol at propeta.
Ang Pag-akyat ni Cristo sa langit
Ipagpalagay na ang kaibigan mo, na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ay nagtanong sa iyo ng, “Sino ang nagpasimula ng simbahang dinadaluhan mo, at sino ang namumuno rito ngayon?”
-
Paano ka tutugon? Bakit?
Inilalarawan sa aklat ng Mga Gawa ang mga karanasan ng mga Apostol pagkatapos ng Pag-akyat ni Jesucristo sa langit. Marahil ay mahirap para sa mga lider ng Simbahan na isulong ang Simbahan ng Tagapagligtas noong hindi na nila Siya palaging pisikal na nakakasama. Ngunit hindi nag-iisa ang mga Apostol sa kanilang mga pagsisikap. Ang mga karanasan ng mga Apostol na nakatala sa aklat ng Mga Gawa ay naglalarawan ng katotohanan na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga apostol at propeta.
Isipin ang iyong sariling nadarama tungkol sa pamumuno ni Jesucristo sa Kanyang Simbahan. Sa iyong study journal, sagutin ang mga sumusunod:
-
Bakit mahalagang malaman na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan?
-
Ano ang inaasahan mong makita sa isang simbahan na pinamumunuan ni Jesucristo?
-
Gamit ang sumusunod na scale, alamin kung gaano ka sumasang-ayon sa pahayag na ito: “Pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon sa pamamagitan ng mga apostol at propeta.” Ipaliwanag ang iyong sagot.
Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa iyo na madama na pinamunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan matapos Siyang umakyat sa langit at patuloy Niyang pinamumunuan ang Kanyang Simbahan ngayon.
Patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan pagkatapos ng Kanyang Pag-akyat sa langit
Basahin ang mga sumusunod na mga talata mula sa Mga Gawa 1–5, at alamin kung paano patuloy na tinulungan ni Jesucristo ang Kanyang mga Apostol pagkatapos ng Kanyang Pag-akyat sa langit. Isipin kung paano ipinapakita ng mga pangyayaring ito na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan. Idagdag ang iyong mga nalaman sa iyong journal entry.
Mga talatang pag-aaralan |
Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito |
---|---|
Mga talatang pag-aaralan | Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito Nagtipon ang mga Apostol at iba pang tagasunod ni Cristo upang pag-usapan kung sino ang papalit kay Judas Iscariote bilang isa sa Labindalawang Apostol. |
Mga talatang pag-aaralan | Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito Habang nagtitipon ang mga Apostol sa Jerusalem pagkatapos ng Pag-akyat ni Cristo sa langit, napuspos ng Espiritu Santo ang bawat isa sa kanila sa makapangyarihang paraan (tingnan sa Mga Gawa 2:1–8). Napuspos ng Espiritu, nagpatotoo si Pedro tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 2:14–36). Inilalarawan ng mga talatang ito ang epekto ng espirituwal na karanasan na ito sa maraming nakasaksi rito. |
Mga talatang pag-aaralan | Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito Nakita ng isang lalaking lumpo sina Pedro at Juan sa templo sa Jerusalem. |
Mga talatang pag-aaralan | Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito Ang mga Apostol ay binalaan na noon ng mga pinunong Judio na huwag nang magsalita tungkol kay Jesucristo (tingnan sa Mga Gawa 4:13–18). |
Mga talatang pag-aaralan | Mga detalyeng kailangan mong malaman bago pag-aralan ang mga talatang ito Ibinilanggo sina Pedro at Juan matapos patuloy na magpatotoo tungkol kay Jesucristo at gumawa ng mga himala sa pangalan Niya. |
-
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga talatang ito na nakaimpluwensya sa iyong pananampalataya at tiwala sa Kanya?
-
Paano ipinapakita ng mga pangyayaring ito na pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng Kanyang mga Apostol?
Patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano patuloy na pinamumunuan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan ngayon.
Alam natin bilang mga miyembro ng Simbahan ng Panginoon kung sino ang namumuno rito: si Jesucristo mismo. …
Kaya, ano ang nakapaloob sa isang pangalan? Pagdating sa pangalan ng Simbahan ng Panginoon, ang sagot ay “Lahat!” Inutusan tayo ni Jesucristo na tawagin ang Simbahan sa Kanyang pangalan dahil Kanya ang Simbahang ito, puspos ng Kanyang kapangyarihan.
Alam ko na ang Diyos ay buhay. Si Jesus ang Cristo. Pinamumunuan Niya ang Kanyang Simbahan ngayon.
(Russell M. Nelson, “Ang Tamang Pangalan ng Simbahan,” Liahona, Nob. 2018, 88–89)
-
Paano makaiimpluwensya sa buhay mo ang kaalamang pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon?
-
Anong mga halimbawa mula sa sarili mong buhay o mula sa kasaysayan ng Simbahan ang tumutulong sa iyo na makita na patuloy na pinamumunuan ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan ngayon? (Tandaang idagdag ang mga halimbawang ito sa iyong journal entry.)
Kung kailangan mong makakita ng ilang halimbawa upang matulungan kang mag-isip ng mga sagot sa tanong na ito, panoorin ang “Ito ang Ating Panahon!” mula sa time code na 3:34 hanggang 5:12 o “Tipunin ang Lahat ng mga Bagay kay Cristo” mula sa time code na 10:09 hanggang 13:58, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
-
Ano ang maipauunawa sa iyo ng mga halimbawang ito ng pamumuno ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan tungkol sa Kanyang nadarama para sa atin?
Pag-isipan
Rebyuhin ang listahan ng mga halimbawa ng pamumuno ng Tagapagligtas sa Kanyang Simbahan na ginawa mo ngayon. Isiping magdagdag dito habang patuloy mong pinag-aaralan ang Mga Gawa at nagkakaroon ng mga karagdagang karanasan sa pag-aaral tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan. Maaari mong idagdag ang iyong patotoo sa katotohanang ito sa iyong journal entry.
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Sino ang sumulat ng aklat ng Mga Gawa?
Si Lucas ang sumulat ng Mga Gawa ng mga Apostol bilang “ikalawa sa dalawang bahaging gawa. … Ang unang bahagi ay kilala bilang Ebanghelyo Ayon kay Lucas” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Gawa ng mga Apostol, Mga,”scriptures.ChurchofJesusChrist.org; tingnan din sa Lucas 1:1–4; Mga Gawa 1:1).
Tungkol saan ang aklat na ito?
Ang Mga Gawa ng mga Apostol ay nagdurugtong sa tala ng buhay at mga turo ni Jesucristo sa apat na Ebanghelyo at mga isinulat at ginawa ng Kanyang mga Apostol. Inilalarawan ng aklat ng Mga Gawa kung paano patuloy na pinamamahalaan ng Tagapagligtas ang Kanyang Simbahan sa pamamagitan ng inspirasyon ng Espiritu Santo sa mga mayhawak ng mga susi ng priesthood. Ang Espiritu Santo ay naghayag ng katotohanan sa mga Apostol, na namumuno at nagtuturo naman sa Simbahan. Gumawa rin ng mga himala ang mga Apostol sa pangalan ni Jesucristo.
Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Mula sa unang talata [ng aklat ng Mga Gawa], ipinahayag dito na ang Simbahan ay patuloy na pamumunuan ng Diyos, hindi pamumunuan ng tao. … Sa katunayan, ang maaaring mas kumpletong pangalan para sa aklat ng Mga Gawa ay “Ang Mga Gawa ng Nabuhay na Mag-uling Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa Buhay at Ministeryo ng Kanyang mga Inordenang mga Apostol.” …
“Ang pamamahala sa Simbahan ay gayon din. Nabago ang kinaroroonan ng Tagapagligtas, ngunit ang pamamahala at pamumuno ng Simbahan ay gayon pa rin.”
(“Therefore, What?” [mensaheng ibinigay sa Church Educational System conference on the New Testament, Ago. 8, 2000], 6, si.ChurchofJesusChrist.org)
Ano ang Apostol?
Para malaman pa ang tungkol sa Mga Apostol, panoorin ang video na “What Is an Apostle?” (6:25), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
Paano pinamumunuan ng Panginoon ang Kanyang Simbahan ngayon?
Ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Mangyaring mapanatag kayo na ang mga senior na lider ng Simbahan na namumuno sa mga layunin ng Simbahan na itinalaga ng Diyos ay nakatatanggap ng banal na tulong. Ang patnubay na ito ay mula sa Espiritu at kung minsan ay mula mismo sa Tagapagligtas. Parehong ibinibigay ang dalawang uring ito ng espirituwal na patnubay. Nagpapasalamat ako na makatanggap ng gayong tulong. Subalit ang patnubay ay ibinibigay sa itinakdang panahon ng Panginoon, nang taludtod sa taludtod at tuntunin sa tuntunin [tingnan sa 2 Nephi 28:30; Doktrina at mga Tipan 98:12; 128:21], kapag ang “Panginoon na nakababatid ng lahat ay ipinasiyang turuan tayo” [Neal A. Maxwell, All These Things Shall Give Thee Experience (2007), 31]. Ang patnubay para sa Simbahan sa kabuuan ay dumarating lamang sa Kanyang propeta.
(Quentin L. Cook, “Maghandang Humarap sa Diyos,” Liahona, Mayo 2018, 117)
Panoorin ang “Jesus Christ’s Church” (1:27) o “We Need Living Prophets” (2:44), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, para makakita ng mga karagdagang halimbawa.
Paano tinatawag ang mga apostol at propeta sa panahon ngayon?
Panoorin ang “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay” mula sa time code na 9:41 hanggang 11:49 o “Ang Puso ng Isang Propeta” mula sa time code na 4:08 hanggang 6:40, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, para makakita ng mga halimbawa.