Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 12
Hanapin at Markahan: 1 Corinto 6:19–20 hanggang Apocalipsis 20:12
Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang hanapin at markahan ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong hanapin at markahan ang 13 doctrinal mastery scripture passage na matatagpuan sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan.
Mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan
Ipagpalagay na nakita ka ng kaibigan mo na nag-aaral at nagmamarka ng iyong mga banal na kasulatan. Pagkatapos makita ang isang pahina na may maraming marka, tinanong ka niya kung bakit ka nagmamarka sa iyong mga banal na kasulatan.
-
Ano ang isasagot mo sa iyong kaibigan?
Ang pagmamarka o pagsalungguhit sa mga banal na kasulatan ay isang epektibong paraan upang matukoy ang ilang partikular na scripture passage mula sa iba, at mas madali mong mahahanap ang mga iyon sa hinaharap. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong hanapin at markahan ang 13 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa pangalawang bahagi ng Bagong Tipan. Upang matulungan kang gawin ito, maaari mong kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal.
Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis
“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.” | |
“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.” | |
“Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.” | |
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian. | |
“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.” | |
Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.” | |
“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” | |
“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.” | |
Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.” | |
“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.” | |
“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.” | |
“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.” | |
“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.” |
Rebyuhin ang 13 doctrinal mastery scripture passage na ito at ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan, at maaari mong markahan ang mga ito sa iyong mga banal na kasulatan.
Sa susunod na ilang araw, simulang isaulo ang ilang scripture reference at mahahalagang parirala mula sa chart. Pag-isipan kung paano mapagpapala ang iyong buhay at ang buhay ng mga kakilala mo sa pamamagitan ng kaalaman mo sa mga talatang ito.