Seminary
Doctrinal Mastery: Assessment 1


Doctrinal Mastery: Assessment 1

Mateo 5:14–16 hanggang Juan 17:3

Sa unang kalahati ng kursong ito, pinag-aralan ng mga estudyante ang 11 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Mateo, Lucas, at Juan. Ang assessment na ito ay ginawa upang ma-assess ang kakayahan ng mga estudyante na mahanap ang mga scripture passage na ito at gamitin ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ia-assess din nito ang kanilang pag-unawa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Doctrinal Mastery ng Bagong Tipan: Assessment 1

Mga doctrinal mastery reference

Para sa mga tanong 1–3, isulat ang letra ng katumbas na reperensya sa patlang sa tabi ng bawat parirala. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

1. ____ “Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

a. Mateo 11:28–30

2. ____ Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

b. Lucas 2:10–12

3. ____ “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

c. Lucas 22:19–20

d. Juan 3:5

e. Juan 3:16

Mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Para sa mga tanong 4–6, punan ang mga nawawalang salita sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

4. Sinabi ni Jesus, “__________ ko sa iyo ang __________ ng __________” (Mateo 16:15–19).5. “Sapagkat __________ sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang __________, na siya ang Cristo, ang __________” (Lucas 2:10–12).6. “Sapagkat ang isang __________’y walang __________ at __________, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:36–39).

Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para sa natitirang bahagi ng assessment.

Para sa mga tanong 7–9, tumukoy ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang tao sa mga sumusunod na sitwasyon.

7. Kasama mo ang mga missionary nang may nagtanong kung kailangan ba talaga siyang mabinyagan o kung puwede na lang niyang tanggapin si Jesucristo sa kanyang puso.

8. Sa Sunday School, isang miyembro ng iyong ward ang nagtanong kung paano niya malalaman na ang doktrinang itinuturo sa Simbahan ay mula sa Diyos.

9. Isang tao ang naghahanda ng lesson para sa family home evening tungkol sa kung paano tayo magiging mas mabubuting disipulo ni Jesucristo.

Sa mga tanong 10–11, ipakita ang iyong kaalaman at kakayahan na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

10. Paano mo ipaliliwanag ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang taong hindi pamilyar sa mga ito?

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos.

11. May kaibigan ka na nahihirapang maniwala na mahal siya ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at gusto Nila na makipag-ugnayan sa kanya. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga partikular na bagay ang ipagagawa mo sa kanya upang kumilos siya nang may pananampalataya?

  • Paano mo siya matutulungan na makita ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

  • Ang mga doctrinal mastery passage ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos. Anong (mga) doctrinal mastery passage ang maaari mong ibahagi sa kanya? Bakit?

12. Sa 11 doctrinal mastery passage na napag-aralan mo na, alin sa mga ito ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo, at bakit? Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?