Seminary
Lucas 24:1–12, 36–48


Lucas 24:1–12, 36–48

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

Ang walang laman na libingan ni Jesucristo - paglalarawan sa Goshen, Utah

Pagkatapos ng libing ng Tagapagligtas, nagdala ang matatapat na disipulo ng mga pabango sa libingan. Sa halip na makita ang patay na katawan ng Tagapagligtas, nakita nila na walang laman ang libingan. Ipinahayag ng mga anghel na nabuhay muli ang Panginoon. Kalaunan nang gabing iyon, nang sama-samang magtipon ang mga disipulo, Siya ay nagpakita sa kanila at ipinakita sa kanila ang Kanyang nabuhay na mag-uling katawan. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at kung paano ito nakaaapekto sa iyong buhay.

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

Suriin ang larawan ng libingan na walang laman ni Jesucristo na matatagpuan sa simula ng lesson na ito, at pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang kahulugan sa iyo ng larawang ito?

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Pag-isipan ang nalalaman mo tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli at ang epekto nito sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal. Magkakaroon ka ng pagkakataong rebyuhin ang mga tanong na ito sa pagtatapos ng iyong pag-aaral ngayon.

  • Ano ang alam mo tungkol sa pagkabuhay na mag-uli?

  • Paano ka personal na naiimpluwensyahan ng iyong kaalaman at mga paniniwala tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas?

Matapos kusang ibigay ni Jesucristo ang Kanyang buhay habang nakapako sa krus, ang Kanyang katawan ay kinuha at ibinalot sa malinis na telang lino at inihimlay sa isang libingan. Kasunod ng Sabbath, bumalik nang maaga si Maria Magdalena at ang ilan pang matatapat na kababaihan sa libingan (tingnan sa Lucas 24:10; Juan 20:11–18).

Basahin ang Lucas 24:1–12, at alamin ang nakita at nalaman nila habang nasa libingan ng Tagapagligtas.

  • Ano sa palagay mo ang iniisip at nadarama ng mga disipulo pagkatapos ng kanilang nakita at narinig?

Hindi nagtagal matapos ang karanasang ito, nagpakita si Jesucristo sa dalawang disipulo sa daan patungong Emaus (tingnan sa Lucas 24:13–32). Bumalik sila sa Jerusalem upang ibahagi ang kanilang karanasan sa mga Apostol (tingnan sa Lucas 24:33–35).

Basahin ang Lucas 24:36–48, at alamin ang nangyari nang magtipon ang mga disipulo ni Jesus na pinag-uusapan ang pagpapakita ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas.

Maaari mo ring panoorin ang video na “The Risen Lord Appears to the Apostles” (2:19), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

2:19

The Risen Lord Appears to the Apostles

The resurrected Christ appears to the Apostles and tells them, “Peace be unto you.” They touch His hands and feet and He eats with them. He tells them He will send them as His Father sent Him. Luke 24:36–41, 44–49; John 20:21

icon ng Doctrinal Mastery (asul). Ang larawan ay isang bukas na aklat. Ang Lucas 24:36–39 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mo itong mahahanap. Marami ka pang matututuhan tungkol sa doctrinal mastery passage na ito sa susunod na lesson.

  • Ano ang nakapukaw ng pansin mo sa mga talatang ito mula sa mga salita ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo?

  • Sa iyong palagay, bakit ang ilan sa mga unang salitang sinabi ng Tagapagligtas sa kanila ay “Sumainyo ang kapayapaan”? (Lucas 24:36).

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa kung sino ang Tagapagligtas at kung ano ang nais Niyang maunawaan ng Kanyang mga disipulo?

Palawakin ang iyong nauunawaan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay si Jesucristo ay may nabuhay na mag-uling katawan na may laman at mga buto.

  • Ano ang ibig sabihin ng mabuhay na mag-uli?

Ang Pagkabuhay na Mag-uli, “ang muling pagsasama ng katawang espiritu at ng katawang may laman at mga buto pagkaraan ng kamatayan,” ay ginawang posible para sa bawat isa sa atin dahil kay Jesucristo (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pagkabuhay na Mag-uli,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli, ginawang posible ng Tagapagligtas para sa bawat isa sa atin na makapiling Siya at maging katulad Niya.

Isipin ang anumang tanong mo tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at ang kahulugan nito sa iyong buhay. Ilan sa maaaring tanong mo tungkol sa doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ay nakalista sa ibaba. Isiping ilista ang mga tanong na ito sa iyong study journal.

  • Bakit mahalaga na si Jesucristo ay may katawang may laman at buto?

  • Ano ang kahalagahan ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa aking buhay?

Ang isang paraan para mahanap ang mga sagot sa ating mga tanong ay sa pagsasaliksik sa itinuro ng mga propeta at apostol ng Panginoon. Makikita sa ibaba ang ilang itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol. Habang pinag-aaralan mo ang mga salitang ito, hanapin ang mga sagot sa ilan sa iyong mga tanong. Maaari mo ring saliksikin ang anumang karagdagang mga salita ng mga tagapaglingkod na inorden ng Panginoon na maaaring makatulong sa iyo.

15:42

Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo

Ibinahagi ni D. Todd Christofferson ang marami sa mga saksi sa mga banal na kasulatan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo pati na ang kanyang sariling patotoo.

Larawan ni Elder D. Todd Christofferson. Kinunan noong Marso 2020.

Isipin sandali ang kahalagahan ng Pagkabuhay na Mag-uli sa pagpapasiya sa huli sa tunay na pagkatao ni Jesus ng Nazaret at sa mga pilosopikong argumento at mga tanong sa buhay. Kung totoong si Jesus ay literal na nabuhay na mag-uli, kung gayo’y isa Siyang banal na nilalang. Walang mortal ang may kapangyarihang buhayin ang kanyang sarili matapos mamatay. Dahil Siya ay nabuhay na mag-uli, hindi maaaring si Jesus ay naging isa lamang karpintero, guro, rabbi, o propeta. Dahil Siya ay nabuhay na mag-uli, si Jesus ay dapat maging Diyos, maging ang Bugtong na Anak ng Ama.

Samakatwid, ang itinuro Niya ay totoo; ang Diyos ay hindi maaaring magsinungaling.

Samakatwid, Siya ang Lumikha ng daigdig, tulad ng sinabi Niya.

Samakatwid, totoong may langit at impiyerno, tulad ng itinuro Niya.

Samakatwid, may daigdig ng mga espiritu na pinuntahan Niya pagkamatay Niya.

Samakatwid, paparito Siyang muli, tulad ng sabi ng mga anghel, at “maghahari … sa mundo” [Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10].

Samakatwid, may huling Paghuhukom at Pagkabuhay na Mag-uli para sa lahat.

(D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2014, 113)

Kung may oras pa, isiping panoorin ang video na “Siya ay Buhay—Ipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay Dahil si Jesucristo ay Buhay” (2:26) habang naghahanda ka na sagutin ang mga sumusunod na tanong. Mapapanood ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.

2:26

He Lives Again and So Will You

Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli, buhay si Jesucristo. Dahil sa Kanya, madaraig mo ang kasalanan at magkakaroon ng walang hanggang kagalakan. Alamin pa kung paano matutuklasan, mayayakap, at maibabahagi ang mga ito sa HeLives.mormon.org/tgl

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Ano ang idaragdag mo sa iyong mga sagot sa mga tanong sa simula ng lesson?

  • Paano mo ipaliliwanag kung ano ang pagkabuhay na mag-uli sa isang tao na hindi pamilyar sa turong ito?

  • Paano nakaaapekto ang pagkaunawa mo sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa iyong pagpapahalaga at pagmamahal kay Jesucristo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Bakit mahalaga sa akin ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?

Sa kanyang mensaheng “Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?” itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan kung paano nakakaapekto sa bawat isa sa atin ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas (Liahona, Mayo 2021, 75–77).

12:44

Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?

Itinuro ni Pangulong Oaks na ginawang posible ni Jesucristo na makabalik ang bawat isa sa atin sa ating Ama sa Langit at makamtan ang ating walang-hanggang tadhana.