Seminary
Mateo 28; Lucas 24; Juan 20


Mateo 28; Lucas 24; Juan 20

Mga Saksi ng Nabuhay na Mag-uling Tagapagligtas

Si Maria Magdalena na nakikipag-usap sa nabuhay na mag-uling Cristo.

Nagpakita si Jesucristo sa maraming tao at grupo pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalakas ang iyong patotoo na ang Tagapagligtas ay buhay habang pinag-aaralan mo ang mga karanasan ng ilan sa mga saksing ito.

Naniniwala kahit hindi nakikita

Tingnan ang sumusunod na larawan ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas na lumabas mula sa libingan. Isulat sa iyong study journal kung ano ang maaari mong ibahagi sa isang taong nag-aalinlangan na nangyari ang napakahalagang pangyayaring ito. Anong mga salaysay sa banal na kasulatan tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ang maibabahagi mo sa kanya?

Ang nabuhay na mag-uling si Jesucristo na lumabas mula Libingan sa Halamanan. Inilarawan si Cristo na lumabas mula sa libingan. Inilarawan Siya na nakasuot ng puting kasuotan. Ang mga bulaklak ay namumukadkad malapit sa pasukan ng libingan.
  • Sa iyong palagay, bakit mahalaga sa Panginoon na magkaroon ang bawat isa sa atin ng sarili nating patotoo na Siya ay buhay?

Pagnilayan ang iyong patotoo na si Jesucristo ay buhay at kung paano ka pagpapalain kapag pinalakas mo ang patotoong ito. Ang pag-aaral ng mga salita ng mga taong nakaaalam na buhay ang Tagapagligtas ay magpapalakas sa ating pananampalataya na totoong Siya ay buhay kahit nagdududa ang iba sa paligid natin. Sa iyong pag-aaral ngayon, isipin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo na nagpapatibay sa katotohanan ng mga salaysay na ito sa iyong puso at isipan.

Mga saksi ng Bagong Tipan

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Pag-aralan ang kahit isa sa mga sumusunod na salaysay sa Bagong Tipan tungkol sa mga taong nakakita sa nabuhay na mag-uling Tagapagligtas.

  1. Matatapat na kababaihan: Mateo 28:1–10

  2. Dalawang disipulo sa daan patungong Emaus: Lucas 24:13–35

  3. Maria Magdalena: Juan 20:11–18

  4. Tomas: John 20:24–29

Isulat ang iyong mga sagot sa dalawang tanong na kasunod at ang anumang iba pang mga ideya at impresyon na maaaring dumating sa iyo.

  • Ano ang natutuhan mo na magpapalakas sa iyong pananampalataya na si Jesucristo ay buhay?

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa Kanyang pakikipag-ugnayan sa taong ito o sa mga taong ito?

Iba pang mga saksi sa mga banal na kasulatan

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas ay lalong mapalalakas sa pamamagitan ng pag-aaral ng tungkol sa mga karagdagang saksi sa iba pang mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang kahit isa sa mga sumusunod na talata mula sa banal na kasulatan.

  1. Mga tao sa sinaunang Amerika, hindi pa natatagalan pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas: 3 Nephi 11:8–17

  2. Joseph Smith at Sidney Rigdon: Doktrina at mga Tipan 76:19–24

Isulat ang iyong mga sagot sa dalawang tanong na kasunod at ang anumang iba pang mga ideya at impresyon na maaaring dumating sa iyo.

  • Paano mapapalakas ng nabasa mo ang iyong paniniwala na buhay si Jesucristo?

  • Anong mga karagdagang kaalaman tungkol kay Jesucristo ang natamo mo?

Mga makabagong saksi

Ang isa pang mahalagang paraan para mapalakas ang iyong patotoo na buhay si Jesucristo ay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga patotoo ng makabagong “mga natatanging saksi ng pangalan ni Cristo sa buong daigdig” (Doktrina at mga Tipan 107:23), ang inordenang mga Apostol sa ating panahon.

Maaari mong panoorin ang video na ““Magsiparito sa Akin”” (mula sa time code na 16:18 hanggang 16:47), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. O basahin ang mga pahayag nina Pangulong Eyring at Elder Holland, dalawang makabagong saksi ni Jesucristo.

17:37

"Come unto Me"

By His words and His example, Christ has shown us how to draw closer to Him.

Nagpatotoo si Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Opisyal na Larawan ni Pangulong Henry B. Eyring na kuha noong Marso 2018.

Ako ay saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Panginoon na parang naroon ako nang gabing iyon kasama ang dalawang disipulo sa bahay sa nayon ng Emaus. Alam kong Siya ay buhay tulad ng alam ni Joseph Smith nang makita niya ang Ama at ang Anak sa liwanag ng maaliwalas na umaga sa kakahuyan sa Palmyra.

Ito ang totoong Simbahan ni Jesucristo.

(Henry B. Eyring, “Magsiparito sa Akin,” Liahona, Mayo 2013, 25)

2:27

The Only True God and Jesus Christ Whom He Has Sent

Elder Jeffrey R. Holland testifies of the Savior and what it means to be Christian.

Nagpatotoo si Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na Larawan ni Elder Jeffrey R. Holland. Kinunan noong Enero 2018.

Pinatototohanan ko na si Jesucristo ang tunay na buhay na Anak ng ating tunay na buhay na Diyos. … Nagpapatotoo ako na Siya ay talagang nabuhay na mag-uli mula sa libingan, at matapos umakyat sa Kanyang Ama upang makumpleto ang proseso ng Pagkabuhay na Mag-uli na iyon, ay nagpakita Siya, nang paulit-ulit, sa daan-daang disipulo sa Lumang Daigdig at sa Bago. Alam ko na Siya ang Banal ng Israel, ang Mesiyas na balang-araw ay paparitong muli sa kaluwalhatian, upang maghari sa lupa bilang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari.

  • Sa iyong palagay, bakit tayo binigyan ng Tagapagligtas ng mga makabagong saksi bilang karagdagan sa Kanyang mga sinaunang saksi?

Ang iyong patotoo

Basahin ang Juan 20:29, at hanapin ang mga katotohanang itinuro ni Jesucristo kay Tomas tungkol sa pagkakaroon ng patotoo.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng banal na kasulatang ito tungkol sa pagkakaroon mo ng patotoo tungkol kay Jesucristo?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa talatang ito ay pinagpapala tayo sa pagpiling maniwala na si Jesucristo ay buhay kahit hindi natin Siya nakikita.

Idagdag ang iyong personal na patotoo tungkol sa Tagapagligtas sa mga pinag-aralan mo ngayon. Bilang isang paraan ng paggawa nito, maaari mong isulat ang mga sagot sa mga tanong na tulad ng mga sumusunod sa iyong study journal.

  • Anong katibayan ang nakita mo sa iyong buhay at sa buhay ng iba na si Jesucristo ay buhay?

  • Kailan mo nadama ang Espiritu Santo na nagpapatotoo sa iyo na buhay si Jesucristo?

  • Ano ang maipapayo mo sa isang taong hindi pa nakatitiyak kung naniniwala siya na buhay ang Tagapagligtas?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Bakit may mga sugat mula sa Pagpapako sa Krus sa nabuhay na mag-uling katawan ni Jesus?

Isinulat ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Opisyal na Larawan ni Elder Jeffrey R. Holland. Kinunan noong Enero 2018.

Bagama’t sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Pagkabuhay na Mag-uli na magagawa—at walang dudang magaganap balang araw—na lubusang mapagaling at mapawi ang mga sugat na likha ng pagpapako sa krus, gayon pa man, pinili ni Cristo na panatilihin ang mga sugat na ito dahil sa isang layunin, kabilang na ang pagparito niya sa mga huling araw kung kailan ipakikita niya ang mga markang iyon at ipahahayag na siya ay sinugatan “sa bahay ng [kanyang] mga kaibigan” [Zacarias 13:6; Doktrina at mga Tipan 45:52].

Ang mga sugat sa kanyang mga kamay, paa, at tagiliran ay mga tanda na may masasakit na pangyayari sa buhay na ito kahit pa sa mga dalisay at perpekto, mga tanda na ang kapighatian ay hindi katibayan na hindi tayo mahal ng Diyos. Ito ay katotohanang mahalaga at puno ng pag-asa na ang sugatang si Cristo ang sasagip sa atin.

(Jeffrey R. Holland, Christ and the New Covenant [1997], 258–59)

Juan 20:17. Ano ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin niya kay Maria Magdalena na “huwag [Siyang] hawakan”?

Ipinaliwanag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan ng ulo at balikat ni Elder Bruce R. McConkie.

Binangit sa King James Version na sinabi ni Jesus na “Huwag mo akong hipuin.” Sinabi naman sa Joseph Smith Translation na “Huwag mo akong hawakan.” Mababasa sa iba’t ibang pagsasalin ng mga talata sa banal na kasulatan mula sa Griyego ang “Huwag kang kumapit sa akin” o “Huwag mo akong hawakan.” Ang ilang kahulugan ay nagsasabing “Huwag kang kumapit sa akin kailanman” o “Huwag mo akong hawakan kailanman.” Ang iba ay nagsasabing itigil na ang paghawak o pagkapit sa kanya, na nagpapahiwatig na nakahawak na sa kanya si Maria. May matibay na dahilan para isiping ganito ang sinabi ng Nabuhay na Muling Panginoon kay Maria: “Hindi mo na ako maaaring hawakan, dahil ako ay aakyat na sa aking Ama.”

(Bruce R. McConkie, The Mortal Messiah: From Bethlehem to Calvary [1981], 4:264)

Anong mga video ang mapanonood na tutulong sa akin na makita sa aking isipan ang mga salaysay tungkol sa pagpapakita ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas?

Maaari mong panoorin ang mga sumusunod na video (matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org): “Jesus Is Resurrected” (4:05)

4:5

Jesus Is Resurrected

Peter and John find the empty tomb. Jesus, now resurrected, appears to Mary.

Christ Appears on the Road to Emmaus” (3:32)

3:32

Christ Appears on the Road to Emmaus

The resurrected Christ walks with two men on the road to Emmaus. He blesses and breaks bread with them and then vanishes from sight. Their hearts burned within them. Luke 24:13–33

Blessed Are They That Have Not Seen, and Yet Have Believed” (2:29)

2:29

Blessed Are They That Have Not Seen, and Yet Have Believed

Thomas, one of the Twelve, doubts the appearance of the risen Lord. Christ appears and tells him, “Blessed are those who have not seen, and yet have believed.” John 20:24–29