Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11
Unawain at Ipamuhay
Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na marebyu ang mga katotohanang matatagpuan sa mga doctrinal mastery scripture passage at tutulong sa iyo na magsanay na maipamuhay ang mga katotohanang ito sa iba’t ibang sitwasyon.
Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage
Maglaan ng oras na rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Alin sa mga ito ang alam na alam mo? Alin sa mga ito ang hindi mo gaanong alam?
-
Ano ang ilang katotohanan na itinuturo ng mga scripture passage na ito na talagang makabuluhan sa iyo?
Scripture Reference |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo.” |
Scripture Reference | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” |
Ang isang paraan para maalala ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan ay iugnay ang mga ito sa mga bagay na nakikita sa araw-araw. Pumili ng dalawang doctrinal mastery scripture passage, at rebyuhin ang mahalagang parirala na nauugnay sa bawat isa. Pagkatapos ay gawin ang mga sumusunod sa bawat isa sa mga scripture passage:
-
Magdrowing o kumuha ng larawan ng isang bagay na sa palagay mo ay nauugnay sa mahalagang parirala sa scripture passage. (Halimbawa, para sa Mateo 5:14–16, maaari kang magdrowing o kumuha ng larawan ng isang ilaw).
-
Sumulat ng maikling paliwanag kung paano nauugnay ang bagay na ito sa katotohanang itinuro sa scripture passage.
Pag-uugnay ng mga katotohanan sa ating buhay
Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang katotohanan na makatutulong sa atin na ipamuhay ang mga doctrinal mastery passage. Itinuro niya na ang mga alituntunin ng ebanghelyo ay “[n]aglalaan ng mahalagang pananaw ng kawalang-hanggan habang pinagdaraanan natin ang iba’t ibang kalagayan, hamon, desisyon, at karanasan ng mortalidad” (“‘Ang mga Alituntunin ng Aking Ebanghelyo,’”Liahona, Mayo 2021, 123–24). Ang mga alituntuning matatagpuan sa mga doctrinal mastery passage ay makatutulong sa atin na malaman kung paano tutugon sa maraming sitwasyon na maaaring mangyari sa ating buhay.
Pagninilay tungkol sa mga katotohanan ng Tagapagligtas
Pagnilayan ang mga doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala na itinuro sa unang kalahati ng taon (tingnan ang chart na ipinakita kanina sa lesson).