Seminary
Juan 18:33–40; Lucas 23:8–11


Juan 18:33–40; Lucas 23:8–11

Si Jesus ay Nilitis at Pinahirapan

Ecce Homo [Narito ang Tao], ni Antonio Ciseri

Matapos dakpin si Jesus at litisin nang mali sa harapan ng mga pinunong Judio, Siya ay dinala upang litisin sa harap ni Pilato, na may hurisdiksyon ng Roma. Ang Tagapagligtas ay mapagpakumbabang sumunod sa mga Romano at hinagupit nang matindi at hinatulan ng kamatayan. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang matutuhan pa ang tungkol sa pagmamahal ng Tagapagligtas para sa lahat at sa Kanyang perpektong pagkatao at kung paano mo mas matutularan ang Kanyang halimbawa.

Pakiramdam na pinagmamalupitan

  • Sa anong ilang karaniwang sitwasyon maaaring makutya, maparatangan nang mali, o mapagmalupitan ang isang tinedyer?

  • Sa paanong mga paraan maaaring tumugon ang isang karaniwang tinedyer sa ganoong pagtrato?

Makakasama natin ang Panginoon at tutulungan Niya tayong maging malakas mula sa mahihirap na karanasan. Matutulungan Niya tayong tumugon sa mga paghihirap at oposisyon sa mga paraang katulad ng kay Cristo. Isipin ang sarili mong mga personal na karanasan noong ikaw ay nakutya, naparatangan nang mali, o napagmalupitan, pati na ang paraan kung paano ka tumugon at kung bakit.

Habang papalapit si Jesucristo sa mga huling pangyayari sa Kanyang buhay, Siya ay kinutya, pinaratangan nang mali, at pinagmalupitan. Habang pinag-aaralan mo ang mga huling pangyayaring ito sa buhay ng Tagapagligtas, maghanap ng mga katangiang nakatulong sa Kanya na matapat na matiis at matupad ang Kanyang misyon. Pag-isipan din nang may panalangin kung paano mo matutularan ang Kanyang halimbawa.

Si Jesus ay hindi makatarungang nilitis at hinatulan ng kamatayan

Pagkatapos magdusa ni Jesus sa Halamanan ng Getsemani, Siya ay dinakip, at Siya ay hindi makatarungang nilitis at hinatulan ng kamatayan ng mga pinunong Judio (ang Sanhedrin). Gayunman, dahil ang Israel ay nasa ilalim ng pamumuno ng mga Romano, ang mga Romano lang ang maaaring magbigay ng pahintulot sa pagpapatupad ng hatol na kamatayan. Dahil dito, ipinadala ng mga Judio si Jesus kay Pilato, ang pinunong Romano sa Judea, pinararatangan Siya ng paghihimagsik laban sa pamahalaan ng Roma dahil sa pagsasabing Siya “ang Hari ng mga Judio” (tingnan sa Marcos 15:2). Ipinadala ni Pilato si Jesus kay Herodes Antipas, na nasa Jerusalem para sa Kapistahan ng Paskua, umaasang lilitisin Siya ni Herodes sa Galilea, ngunit ipinabalik ni Herodes si Jesus kay Pilato.

Magbasa ng dalawa o mahigit pa sa mga sumusunod na salaysay, na naglalahad kung paano pinaratangan si Jesus nang hindi makatarungan at sa huli ay hinatulan. Habang nagbabasa ka, alamin kung paano tumugon si Jesus sa bawat isa sa mga sitwasyong ito. Alalahanin na may kapangyarihan Siyang palayain ang Kanyang sarili mula sa mga sitwasyong ito (tingnan sa Mateo 26:52–54).

  1. Si Jesus ay nilitis ng Sanhedrin. Basahin ang Mateo 26:57–68.

    4:25

    Jesus Is Tried by Caiaphas, Peter Denies Knowing Him

    Jesus is tried before Caiaphas and the chief priests. Peter denies knowing Him and weeps bitterly.

  2. Si Jesus ay nilitis ni Pilato. Basahin ang Juan 18:33–40ChurchofJesusChrist.org.

    3:19

    Jesus Is Condemned before Pilate

    Jesus is arraigned and questioned before Pilate, who finds no fault in Him. Yielding to the multitude, Pilate allows Barabbas to be released and Jesus to be crucified. Matthew 27:1–2, 11–25

  3. Si Jesus ay humarap kay Herodes. Basahin ang Lucas 23:8–11.

  4. Si Jesus ay hinagupit ng mga kawal na Romano at kalaunan ay nilitis ni Pilato sa ikalawang pagkakataon. Basahin ang Juan 19:1–16.ChurchofJesusChrist.org Maaaring makatulong na malaman na ang panghagupit ay isang latigo na kadalasang may kasamang matatalim na bagay (tulad ng mga piraso ng bato, metal, o buto) na hinabi sa ilan sa mga hibla. Maraming tao ang namatay matapos malatigo dahil sa matinding sakit na dulot nito.

    4:49

    Jesus Is Scourged and Crucified

    A band of soldiers strips Jesus of His clothes, scourges Him, and mocks Him. He then carries His cross to Golgotha and is crucified by Roman soldiers. Matthew 27:26–50

icon ng pagsusulat sa journal 1. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano tumugon ang Tagapagligtas sa mga sitwasyong ito?

  • Sa iyong palagay, bakit gayon ang pagtugon ng Tagapagligtas?

Ang pagkatao ni Jesucristo

Basahin ang 1 Nephi 19:9 at ang mga sumusunod na pahayag, at maghanap ng mga kaalaman tungkol sa pagkatao ng Tagapagligtas.

Ibinahagi ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod:

Elder Robert D. Hales

Ang pagsagot sa paraan ni Cristo ay hindi nakaplano o nakabatay sa isang pormula. Iba-iba ang pagtugon ng Tagapagligtas sa bawat sitwasyon. Nang harapin Siya ng masamang si Haring Herodes, hindi Siya umimik. Pagharap Niya kay Pilato, nagbigay Siya ng simple at makapangyarihang patotoo tungkol sa Kanyang kabanalan at layunin. …

Mali ang iniisip ng ilang tao na ang mga sagot na tulad ng pananahimik, kababaang-loob, pagpapatawad, at mapagpakumbabang pagpapatotoo ay walang kuwenta o mahina. Ngunit, ang “mahalin [natin] ang [ating] mga kaaway, pagpalain [natin] sila na sumusumpa sa [atin], gawan [natin] ng mabuti sila na napopoot sa [atin], at ipanalangin sila na may masamang hangarin sa paggamit sa [atin] at umuusig sa [atin]” (Mateo 5:44) ay [nangangailangan] ng pananampalataya, lakas, at higit sa lahat, ng katapangang Kristiyano.

(Robert D. Hales, “Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” Liahona, Nob. 2008, 72)

Itinuro ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder David A. Bednar

Pagnilayan din kung paano inakusahan at [hinatulan] ang Panginoon sa harapan ni Pilato para ipako sa krus [tingnan sa Mateo 27:2,11–26]. … Ang pagiging maamo ng Tagapagligtas ay makikita sa Kanyang pagtugon nang may disiplina, malakas na pagpipigil, at kawalan ng hangaring gamitin ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan para sa sariling kapakinabangan.

(David A. Bednar, “Maamo at Mapagpakumbabang Puso,” Liahona, Mayo 2018, 33)

icon ng pagsusulat sa journal 2. Sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa paraan ng pagtugon Niya sa mahihirap na sitwasyong ito?

  • Paano ipinakita sa mga ginawa ng Tagapagligtas ang Kanyang “mapagkandiling pagmamahal … sa mga anak ng tao”? (1 Nephi 19:9).

  • Paano makatutulong sa iyo ang kaalaman na tinataglay ni Jesucristo ang mga katangiang ito upang mas mahalin at pagkatiwalaan mo Siya?

Mahalagang pansinin na sa maraming pagkakataon matapang na pinanagot ng Tagapagligtas ang iba sa kanilang mga ginawa (tingnan sa Marcos 11:15–17, Juan 2:13–16, Doktrina at mga Tipan 133:48–51). Bilang mga tagasunod ni Jesucristo, nais nating tumugon sa pangungutya, mga maling paratang, o pagmamalupit nang may pagmamahal, tapang, at kaamuan. Gayunman, hindi ibig sabihin nito ay dapat nating hayaan ang iba na abusuhin o saktan tayo. “Kinukondena ng Panginoon ang mapang-abusong pag-uugali sa anumang uri—kabilang na ang kapabayaan at pisikal, seksuwal, o berbal na pang-aabuso” (First Presidency letter, “Preventing and Responding to Abuse,” Mar. 26, 2018). Kung tayo ay inabuso, mahalagang humingi tayo kaagad ng tulong sa isang mapagkakatiwalaang adult o indibiduwal na nasa hustong gulang.

icon ng pagsusulat sa journal 3. Gawin sa iyong study journal ang isa sa mga sumusunod na aktibidad:

  1. Isipin ang isang pagkakataon na nadama mo na ikaw ay kinutya, pinaratangan nang mali, o pinagmalupitan. Hingin ang tulong ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo para malaman ang angkop na mga paraan na katulad ng kay Cristo sa pagtugon sa sitwasyong ito. Isulat kung ano ang mahusay mong nagawa at kung paano mo gustong magpakabuti pa.

  2. Magsulat ng dalawang halimbawa ng mga pagkakataon o sitwasyon kung saan nakatulong o makatutulong sa iyo ang pag-alaala sa pagkatao ni Cristo. Paano maaaring maiba ang buhay mo kung palagi mong sinisikap na magkaroon ng mga katangiang katulad ng kay Cristo?

  3. Pumili ng isang katangian ni Cristo na gusto mong taglayin nang mas lubusan. Isipin ang mga pagkakataon sa iyong buong maghapon kung saan maaari mong magamit ang katangiang ito.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Juan 18:36. Ano ang kahariang tinutukoy ni Jesus?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson:

Elder D. Todd Christofferson

Nang ipaliwanag ni Daniel ang panaginip ni Haring Nabucodonosor ng Babilonia, at ipinaalam sa hari “kung ano ang mangyayari sa mga huling araw” [Daniel 2:28], ipinahayag niya na “maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputol-putulin at lilipulin niya ang lahat [ng iba pang] kaharian, at yao’y lalagi magpakailan man” [Daniel 2:44]. Ang Simbahan ay ang ipinropesiyang kaharian sa mga huling araw, hindi gawa ng tao kundi itinatag ng Diyos ng langit at lalaganap gaya ng batong ‘natibag sa bundok, hindi ng mga kamay’ para punuin ang mundo [Daniel 2:45; tingnan din sa talata 35].

Itinadhana ito na magtatag ng Sion bilang paghahanda sa muling pagparito at paghahari sa milenyo ni Jesucristo. Bago dumating ang araw na iyan, hindi ito magiging kahariang may bahid ng anumang pulitika—tulad ng sabi ng Tagapagligtas, “Ang kaharian ko ay hindi sa sanlibutang ito” [Juan 18:36; idinagdag ang pagbibigay-diin]. Sa halip, ito ang pinagkukunan ng Kanyang awtoridad sa mundo, ang tagapangalaga ng Kanyang mga templo, at tagapagtanggol at tagapaghayag ng Kanyang katotohanan, ang lugar na pagtitipunan ng nagkalat na mga lipi ng Israel, at “isang tanggulan, at … isang kanlungan mula sa bagyo, at mula sa poot sa panahong ito ay ibubuhos nang walang halo sa buong lupa” [Doktrina at mga Tipan 115:6].

(Tingnan sa D. Todd Christofferson, “Bakit Kailangan ang Simbahan,” Liahona, Nob. 2015, 111)