Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 10

Ipamuhay ang mga Doctrinal Mastery Passage

paglalarawan ng mga young adult

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang matutuhan kung paano ipamuhay ang doktrinang itinuro sa mga doctrinal mastery scripture passage sa mga sitwasyon sa totoong buhay. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng mga pagkakataong magsanay na ipamuhay ang ilan sa mga scripture passage na napag-aralan mo sa taong ito.

Doktrina para sa tunay na buhay

Rebyuhin ang apat na doctrinal mastery passage sa sumusunod na chart. Habang binabasa mo ang mga sitwasyon sa ibaba, alamin kung aling doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong sa bawat sitwasyon.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Mateo 22:36–39

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Scripture Reference

Lucas 22:19–20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Scripture Reference

Lucas 24:36–39

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Scripture Reference

Juan 17:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo.”

  1. Si Carlos ay may kaibigang mula sa iba pang relihiyong Kristiyano na nagpapahayag ng kanyang paniniwala na si Jesucristo ay isang espiritu at wala Siyang pisikal na katawan.

  2. Nakikita ni Liz ang kanyang sarili bilang taong tinatanggap ang lahat, kabilang ang pagtanggap ng anumang pag-uugali basta tapat ito. Dahil dito, pinagdudahan niya ang doktrina ng Ama sa Langit tungkol sa kasal at pamilya. Dahil sa kanyang mga tanong, kamakailan lang ay tumigil si Liz sa pagsisimba at pagsunod sa iba pang mga kautusan.

  3. Iniisip ni Maria kung paano niya magagawang mas makabuluhang karanasan ang pagtanggap ng sakramento.

  4. Hindi na pinagtuunan ni Frank ang kanyang mga klase sa seminary at Sunday School dahil sa palagay niya ay sapat na ang alam niya tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

Pumili ng isa sa mga sitwasyon, at isipin ang doctrinal mastery passage na itinugma mo rito.

icon ng pagsusulat sa journal 1. Ilista ang sitwasyong pinili mo at ang doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay pinakamainam na makatutugon sa sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.

  • Paano magagamit ang doctrinal mastery passage na pinili mo sa sitwasyong ito?

  • Ano ang maipapaunawa ng scripture passage na ito sa taong iyon sa sitwasyon tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at sa Kanilang mga ninanais para sa atin?

  • Anong mga hakbang ang maaari mong imungkahing gawin ng taong ito upang maipamuhay ang mga katotohanan sa scripture passage na pinili mo? Bakit?

Pagpapamuhay ng mga doctrinal mastery passage sa mga personal na sitwasyon

icon ng pagsusulat sa journal 2. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

Sa iyong study journal, magdrowing ng isang stick figure na tinedyer, at isulat ang kanyang edad, kasarian, at sitwasyon ng pamilya. Ang taong ito ay maaaring tunay o kathang-isip. Magsama ng ilang partikular na tanong, problema, o hamon na kinakaharap ng taong ito sa kasalukuyan.

Rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage sa ibaba (at anupamang pinili mo) at alamin kung aling mga scripture passage ang maaaring makatulong sa sitwasyon.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Lucas 2:10–12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Juan 3:5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Scripture Reference

Juan 3:16

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Scripture Reference

Mateo 5:14–16

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Scripture Reference

Mateo 11:28–30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Scripture Reference

Mateo 16:15–19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Scripture Reference

Juan 7:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”

Scripture Reference

Mateo 22:36–39

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Scripture Reference

Lucas 22:19–20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Scripture Reference

Juan 17:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo.”

Scripture Reference

Lucas 24:36–39

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Sumulat ng maikling mensahe sa tinedyer sa sitwasyon. Isama ang sumusunod:

  • Ang doctrinal mastery passage na sa palagay mo ay pinakamainam na makatutulong sa kanya na maunawaan ang mga ninanais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo para sa kanya at kung bakit.

  • Isang personal na karanasan, kuwento sa banal na kasulatan, o halimbawa mula sa buhay ng Tagapagligtas na nauugnay sa itinuturo sa scripture passage at maaaring makahikayat sa taong ito.

  • Mga gagawin niya upang maipamuhay ang mga katotohanan sa doctrinal mastery passage na iminungkahi mo. (Halimbawa, para sa Lucas 22:19–20 maaari kang magsama ng payo tungkol sa pag-anyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo at mga bagay na dapat tandaan tungkol sa Tagapagligtas sa oras ng sacrament, o para sa Juan 7:17 maaari kang magmungkahi ng mga mensahe na maaari nilang basahin upang mas maunawaan ang Ama sa Langit at si Jesucristo.)

  • Ang iyong sariling patotoo tungkol kay Jesucristo at sa mga katotohanang itinuro sa scripture passage na pinili mo.

Kung isinulat mo ang maikling mensahe para sa isang tunay na tao, maaari mo itong ibigay sa kanya o kausapin siya tungkol dito.