Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 9


I-assess ang Iyong Pagkatuto 9

1 Corinto 8–16 at 2 Corinto

Binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Layunin ng lesson na ito na tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo at ang pag-unlad na naranasan mo sa iyong pag-aaral ng Bagong Tipan.

Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong i-assess ang iyong pagkatuto at kung paano mo naipamuhay ang mga alituntuning itinuro sa 1 Corinto 816 at 2 Corinto. Ang pag-asses sa iyong pagkatuto ay makatutulong sa iyong suriin kung paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan na maging higit na katulad ng Tagapagligtas.

Suriin ang iyong mga mithiin

Hulaan kung ilan ang kabuuang bilang ng mga nakalimbag na pahina ng banal na kasulatan ang nasa Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas.

  • Sa iyong palagay, bakit tayo binigyan ng Panginoon ng napakaraming pahina ng banal na kasulatan?

  • Paano ka magpapakita ng pasasalamat para sa Kanyang salita?

Ipinaliwanag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit ibinigay ng Panginoon ang napakarami sa Kanyang mga salita sa mga banal na kasulatan. Basahin ang sumusunod na pahayag o panoorin ang “The Blessings of Scripture” (3:03), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

3:3

The Blessings of Scripture

As part of the 400th anniversary of the King James Bible, consider our blessings and responsibilities in having God's word so readily available.

Larawan ni Elder D. Todd Christofferson. Kinunan noong Marso 2020.

Pag-isipan ang dami ng ating biyaya sa pagkakaroon ng … gayon karaming banal na kasulatan. At hindi lang iyan, bawat lalaki, babae, at bata ay maaaring magmay-ari at pag-aralan ang kanyang sariling kopya ng mga sagradong tekstong ito, karamihan sa sarili nilang wika. … Tiyak na kaakibat ng pagpapalang ito ay sinasabi sa atin ng Panginoon na ang palagiang pagbaling sa mga banal na kasulatan ay higit na kailangan ngayon. Nawa’y patuloy tayong magpakabusog sa mga salita ni Cristo na magsasabi sa atin ng lahat ng bagay na dapat nating gawin (tingnan sa 2 Nephi 32:3).

(D. Todd Christofferson, “Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2010, 35)

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang isa o ang lahat ng sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Sa iyong palagay, bakit ang ating “pagbaling sa mga banal na kasulatan ay higit na kailangan ngayon [kaysa noon]”?

  • Anong mga personal na pangangailangan ang natutugunan ng mga banal na kasulatan sa iyong buhay, o anong mga pangangailangan ang matutugunan ng mga ito?

Pagnilayan sandali ang iyong personal na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Humingi ng payo sa Ama sa Langit tungkol sa kung paano natutugunan ng iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan ang iyong mga pangangailangan at kung kailangan mong gumawa ng anumang pagbabago. Marahil ay kailangang tuloy-tuloy ang iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan araw-araw o mas palalimin pa ang pag-unawang natatamo mo mula sa iyong pag-aaral. Isulat ang anumang pagbabago na sa palagay mo ay dapat mong gawin. Maaari mong hilingin sa iyong pamilya, sa iyong titser sa seminary, o sa isang lider ng Simbahan na tulungan ka sa iyong mga mithiin sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Umasa sa Tagapagligtas at hingin ang Kanyang tulong

Pinatawad at pinagaling ni Jesus ang isang lalaki.

Nang sumulat si Pablo sa mga Banal sa Corinto, pinagtuunan niya ang mga paraan kung paano tayo pinagpapala at tinutulungan ni Jesucristo. Kabilang sa ilang halimbawa ang pagtulong sa atin na makatakas sa tukso (tingnan sa 1 Corinto 10:13), pagtulong sa atin na magkaroon ng pag-ibig sa kapwa (tingnan sa 1 Corinto 13), pagpapabangon sa atin mula sa kamatayan sa Pagkabuhay na Mag-uli (tingnan sa 1 Corinto 15), pag-aanyaya sa atin na makipagkasundo sa Kanya (tingnan sa 2 Corinto 5:16–21; 7:1–10), at pagpapalakas sa atin upang matapat na matiis ang mga pagsubok (tingnan sa 2 Corinto 1112).

Maglaan ng ilang sandali upang rebyuhin ang mga scripture passage na minarkahan o isinulat mo sa 1 Corinto 8–16 at 2 Corinto na nakatulong sa iyong malaman ang tungkol sa Tagapagligtas o umasa sa Kanya.

Maghanda ng 3 hanggang 5-minutong mensahe tungkol sa kung paano ka tinutulungan ni Jesucristo. Isama ang sumusunod:

  • isa o mahigit pang scripture passage mula sa 1 Corinto 8–16 o 2 Corinto na makabuluhan sa iyo

  • isang paliwanag sa kung ano ang itinuturo ng mga scripture passage na iyon tungkol sa kung paano ka tinutulungan at pinalalakas ng Tagapagligtas

  • isang karanasan mula sa iyong buhay o isang halimbawa sa mga banal na kasulatan tungkol sa pagtulong ni Jesucristo sa paraang itinuro sa mga scripture passage na iyon

  • paano mo maaanyayahan ang iba na tanggapin ang tulong at lakas ng Tagapagligtas

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Isulat ang iyong mensahe sa iyong study journal. Maghanap ng pagkakataon para ibahagi ang iyong mensahe sa iyong pamilya, sa iyong klase sa seminary, o sa klase sa simbahan.

Gawain sa family history at sa templo at ang Pagkabuhay na Mag-uli

Piliin ang alinman sa aktibidad A o B.

Templo at Family History

Aktibidad A: Makibahagi sa gawain sa family history at sa templo

Maaaring napag-aralan mo na dati ang 1 Corinto 15:29. Isipin kung paano nakakaapekto ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa iyong mga ninuno. Panoorin ang video na ito habang nagninilay ka.

2:13

#Aleluya—Isang Mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay tungkol kay Jesucristo

Inako ni Jesucristo ang mga kasalanan at kalungkutan ng mundo. Bagama’t Siya ay ipinako sa krus, nagbangon Siya mula sa patay. Sa Paskong ito ng Pagkabuhay, alamin kung paano rin mababago ang ating buhay sa pamamagitan ni Jesucristo. #Aleluya.

Sa pag-aaral mo ng 1 Corinto 15:29, maaaring naiplano mo na makibahagi sa gawain sa family history at sa templo. Kung ginawa mo ito, rebyuhin sandali ang iyong plano at pagnilayan ang mga ginawa mo upang maisagawa ang planong iyon. Kung hindi mo ito ginawa, maaari kang magplano ngayon tungkol sa kung paano mo matutulungan ang iyong mga ninuno na matamasa ang lahat ng pagpapala ng ebanghelyo ni Jesucristo.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 3. Kung pinili mo ang opsiyong ito, gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Iulat ang iyong plano.

Kung gumawa ka ng plano, ibahagi kung ano ang naging maganda at anong mga balakid ang kinaharap mo. Mayroon bang anumang pagbabago na sa palagay mo ay nais ng Ama sa Langit na gawin mo? Paano makatutulong sa iyo ang mga pagbabagong iyon?

Kung hindi ka gumawa ng plano, ibahagi kung ano ang gusto mong gawin at bakit. Sa iyong palagay, paano makakaapekto ang iyong plano sa sarili mo at sa ibang tao kapag isinagawa mo ito?

Sagutin ang isa sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano naipapakita ng pakikibahagi mo sa gawain sa family history at sa templo ang iyong pag-asa para sa Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Paano nakatulong sa iyo ang pakikibahagi sa gawain sa family history at sa templo upang mas mapalapit ka sa Ama sa Langit at maging higit na katulad ni Jesucristo?

Aktibidad B: Ipaliwanag ang doktrina ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 3. Kung pinili mo ang opsiyong ito, sagutin ang dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Bakit mahalagang bahagi ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Ano ang napag-aralan mo sa 1 Corinto 8–16 o 2 Corinto tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli na nakatulong sa iyo?

  • Sa palagay mo, paano maiiba ang mga pinipili natin sa buhay kung hindi tayo naniniwala sa literal na Pagkabuhay na Mag-uli?

  • Bakit ka nagpapasalamat na binibigyan tayo ni Jesucristo ng kapangyarihan laban sa kamatayan? Paano mo maipapakita ang pasasalamat na iyon?