Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 20

Unawain at Ipaliwanag

Binatilyong nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang mas maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magsanay na ipaliwanag ang mga katotohanan mula sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Ano ang alam mo tungkol kay Jesucristo?

Ilarawan ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo gamit lamang ang bahagi ng Kanyang buhay na kinakatawan ng sumusunod na larawan:

Si Cristo na nakabayubay sa krus sa Kalbaryo. Dalawang magnanakaw, ang nakabayubay rin sa krus ang nasa kaliwa at nasa kanan ni Cristo. Maraming nakamasid, kabilang na si Maria, ang ina ni Cristo, si Maria Magdalena, iba pang mga tumatangis at mga kawal na Romano ang nakatipon sa paligid ng mga krus. Ang makakapal na ulap na magdudulot ng pagkulog ay nagtitipon sa kalangitan.

Ngayon, tingnan ang mga larawang ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Paglalarawan ng aktor. Hawak ni Maria ang sanggol na si Jesus at nakatingin siya sa kanya.
Nakatayo si Jesucristo at nakapatong ang Kanyang mga kamay sa mga mata ng isang lalaking bulag na nakaluhod sa kanyang harapan. Isang grupo ng kalalakihan, kababaihan at mga bata ang nakatipon sa paligid ni Cristo. Nasasaksihan ng mga tao si Cristo na pinagagaling ang lalaking bulag. Ang mga arkong bato ay nasa background.
Ang Unang Pangitain, ni Del Parson (62470); Aklat ng Sining ng Ebanghelyo 403; Manwal sa Primary 1-04; Manwal sa Primary 2-38; Manwal sa Primary 3-10; Manwal sa Primary 5-06; Manwal sa Primary 6-40; Manwal sa Primary 7-40; Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–20
  • Anong mga pangyayari ang inilarawan sa bawat isa sa tatlong larawang ito?

  • Ano ang mas ipinapaunawa sa iyo ng bawat isa sa mga pangyayaring ito tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang misyon?

Upang talagang malaman kung sino ang Tagapagligtas at kung bakit Siya mahalaga sa iyo, makatutulong na pag-aralan ang maraming salaysay tungkol sa Kanyang buhay at ang mga isinulat ng mahigit sa isang propeta.

Gayundin, ang pag-aaral at paghahambing ng mga katotohanang matatagpuan sa maraming doctrinal mastery passage ay makatutulong sa iyong maunawaan ang doktrina ng Tagapagligtas nang mas lubusan kaysa umasa sa anumang nag-iisang doctrinal mastery passage.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Pag-aralan ang mga sumusunod na doctrinal mastery passage, at sagutin ang mga kaukulang tanong sa iyong study journal:

Basahin at pag-isipan kung ano ang itinuturo sa atin ng Mga Hebreo 12:9, Santiago 1:5–6, at Santiago 2:17–18 tungkol sa ating Ama sa Langit at sa kaugnayan natin sa Kanya.

  • Paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng tatlong doctrinal mastery passage na ito na mas maunawaan ang ating kaugnayan sa Diyos?

Basahin at pag-isipan kung ano ang itinuturo sa atin ng 1 Pedro 4:6 at Apocalipsis 20:12 tungkol sa Huling Paghuhukom sa plano ng Ama sa Langit.

  • Paano nakatutulong sa iyo ang pag-aaral ng dalawang doctrinal mastery passage na ito na mas maunawaan ang Huling Paghuhukom?

Maaari mong i-cross-reference o iugnay ang anumang passage na nais mong pag-aralan muli nang magkakasama sa hinaharap.

Pag-uugnay ng mga doctrinal mastery passage

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Gawin ang sumusunod na aktibidad:

  1. Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan na gusto mo pang matutuhan, at isulat ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iyong study journal.

  2. Hanapin at basahin ang buong doctrinal mastery passage, at isulat kung ano ang nauunawaan mo tungkol sa doktrinang itinuturo nito.

  3. Hanapin ang kumpletong listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na matatagpuan sa katapusan ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).

  4. Maghanap at magbasa ng kahit dalawang doctrinal mastery passage mula sa iba pang mga scripture course na nauugnay sa passage ng Bagong Tipan na pinili mo.

  5. Isulat sa iyong study journal kung paano mas napalawak ng karagdagang mga doctrinal mastery passage ang pag-unawa mo sa passage ng Bagong Tipan.