Seminary
Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:20–22


Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:20–22

“Kay Cristo ang Lahat ay Bubuhayin”

Isang oil painting ni Maria na nakita ang nabuhay na mag-uling Cristo. Ang libingan ay nasa background, si Mary ay makikitang nakasuot ng brown na kasuotan, na nakatalikod sa painting. Si Cristo ay makikita na may mga marka ng mga pako sa kanyang mga kamay, na nakasuot ng puting bata (robe).

Sa nakaraang lesson, nalaman mo na dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas, mabubuhay na mag-uli ang lahat ng anak ng Ama sa Langit (tingnan sa 1 Corinto 15:20–22). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:20–22, maipaliwanag ang doktrina ng Pagkabuhay na Mag-uli, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) na “sa lahat ng pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan, walang mas mahalaga kaysa sa pagkabuhay na mag-uli ng Anak ng Diyos” (“The Empty Tomb Bore Testimony,” Ensign, Mayo 1988, 65).

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Gamitin ang mga katotohanan mula sa 1 Corinto 15:20–22, tulad ng dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, lahat ay mabubuhay na mag-uli, upang ipaliwanag kung bakit ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ipaliwanag kung bakit ito personal na mahalaga para sa iyo.

Maglaan ng ilang sandali upang isaulo ang scripture reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:20–22. Nakasaad sa mga sumusunod na hakbang ang paraan upang magawa ito.

  1. Sa itaas ng isang papel, isulat ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan:

    1 Corinto 15:20–22: “Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

  2. Itupi ang itaas na bahagi ng iyong papel upang hindi mo makita ang isinulat mo. Pagkatapos ay isulat ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatang ito hangga’t kaya mo nang walang kopya.

  3. Buklatin ang itaas na bahagi ng papel upang makita kung tama ka at iwasto ang anumang mali.

  4. Ulitin ang prosesong ito hanggang sa maisulat mo nang kumpleto ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang walang kopya.

Pagsasanay para sa pagsasabuhay

Dahil sa Pagkahulog nina Adan at Eva, mamamatay ang bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit na nakaranas ng mortalidad sa mundo (tingnan sa 1 Corinto 15:21–22). Kapag naranasan natin ang pagkamatay ng isang taong malapit sa atin, talaga namang magdadalamhati tayo. Bagama’t ang mga karanasang ito ay magkakaiba para sa lahat, ang pag-unawa at pagsasabuhay sa mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo ay makatutulong para maibsan ang pagdadalamhating iyon.

Inilarawan ni Elder S. Mark Palmer ng Pitumpu ang karanasan ng kanyang mga magulang sa pagkamatay ng kanilang anak bago nila nalaman ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Panoorin ang “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan,” matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 3:27 hanggang 4:26, o basahin ang pahayag sa ibaba.

8:51

Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan

Nagpatotoo si Elder Palmer tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli at ibinahagi kung paano sumapi ang kanyang mga magulang sa Simbahan.

Dating Opisyal na larawan ni Elder S. Mark Palmer. Pinalitan ang larawan na kuha noong Marso 2017.

Ang aking ama at ina ay mga tagapastol ng tupa sa New Zealand. Masaya sila sa buhay nila. Sa bagong buhay bilang mag-asawa, biniyayaan sila ng tatlong maliliit na anak na babae. Ang pinakabata sa kanila ay nagngangalang Ann. Isang araw, habang sama-sama silang naglilibang sa isang lawa, naglakad-lakad ang 17 buwang gulang na si Ann. Matapos ang ilang minuto nang desperadong paghahanap, nakita siyang walang buhay sa tubig.

Ang bangungot na ito ay nagdulot ng hindi mailarawang kalungkutan. Ilang taon kalaunan, isinulat ni Tatay na tuluyang nawala ang ilang kaligayahan sa kanilang buhay magpakailanman. Nagdulot din ito ng paghahangad ng mga kasagutan sa mga pinakamahahalagang katanungan sa buhay: Ano ang mangyayari sa aming pinakamamahal na si Ann? Makikita ba namin siyang muli? Paano magiging masayang muli ang aming pamilya?

(S. Mark Palmer, “Ang Ating Kalungkutan ay Magiging Kagalakan,” Liahona, Mayo 2021, 88–89)

  • Kailan ka nakadama o kailan nakadama ang isang kakilala mo ng mga damdaming katulad sa mga magulang ni Elder Palmer matapos mawalan ng mahal sa buhay?

  • Paano magiging mas mahirap ang mga sitwasyong ito kapag hindi nalalaman ang tungkol sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit?

Ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa atin na tapat na matiis ang mahihirap na sitwasyon tulad ng naranasan ng pamilya Palmer. Ipagpalagay na kaibigan mo ang isa sa mga ate ni Ann, na nahihirapan ngayon sa mga tanong at hamon matapos mawala si Ann. Nadama mong dapat kang sumulat sa kanya ng isang liham ng paghihikayat at suporta. Bilang alternatibo, sumulat ng liham at ibigay ito sa isang taong kakilala mo na makikinabang dito.

Upang maghandang isulat ang liham na ito, basahin ang talata 5–8, 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Hanapin at markahan ang mga salita, parirala, banal na kasulatan, o mga katotohanan na sa palagay mo ay makatutulong sa taong sinusulatan mo.

  • Kapag sinubukan mong tingnan ang taong sinusulatan mo sa kung paano siya nakikita ng Ama sa Langit, paano nito mababago kung ano ang isusulat mo sa kanya?

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Sumulat ng liham sa kapatid ni Ann o sa ibang taong pipiliin mo. Magsama ng mga natutuhan mo mula sa tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Isaalang-alang ang ilan sa mga sumusunod na ideya habang nagsusulat ka.

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano kaya ang mangyayari sa kanilang sitwasyon kapag kumilos sila nang may pananampalataya kay Jesucristo?

  • Paano makatutulong sa atin ang pagkilos nang may pananampalataya kay Cristo para makayanan natin ang pagkawala ng mahal sa buhay?

  • Ano ang isang karanasan mo o ng isang taong kakilala mo kung saan nakatulong ang pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo para makayanan ang hamon ding iyon?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at sa Kanyang plano ang maaaring makapagpanatag sa sitwasyon ng taong sinusulatan mo? Bakit?

  • Paano makatutulong sa kanya ang pagkakaroon ng walang-hanggang pananaw upang malaman kung paano tutugon sa kanyang sitwasyon?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Anong mga parirala mula sa 1 Corinto 15:20–22 ang makatutulong sa kanya? Bakit?

  • Ano pang sources na itinalaga ng Diyos ang makatutulong sa kanya na magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo?

Maaari mong wakasan ang iyong liham sa pagbabahagi ng iyong patotoo.