Seminary
1 Corinto 15:29


1 Corinto 15:29

“Bakit pa Sila Binabautismuhan para sa [mga Patay]?”

Bautismuhan sa Ogden Utah Temple.

Marami sa mga Banal sa Corinto ang nakibahagi sa mga pagbibinyag para sa kanilang mga yumaong ninuno, subalit ang ilan ay hindi naniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli ng mga patay. Tinulungan sila ni Pablo na maunawaan na nagsasagawa tayo ng mga ordenansa para sa mga patay nang may pananampalataya na bubuhayin tayong lahat ni Cristo upang muling mabuhay sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang magkaroon ng hangarin at magplano na makibahagi nang mas makabuluhan sa gawain sa family history at sa templo.

Ang kahalagahan ng mga saksi

Suriin ang mga sumusunod na tatlong hanay ng magkakapares na larawan. Isipin ang pagkakaugnay ng dalawang larawan sa bawat hanay.

Unang hanay

The Orchestra at Temple Square, Mayo 2007. Sila ay nakikibahagi sa pagtatanghal ng oratorio na “Elijah” na naganap sa Tabernacle sa Temple Square.

Tabernacle Choir, “Elijah” concert, Mayo 2007

Portland, OR Six Stakes Dance Festival

Pangalawang hanay

Mga gulay, kamatis, broccoli at carrot
Mga binatilyong tumatakbo.

Pangatlong hanay

Ang walang laman na libingan ni Jesucristo - paglalarawan sa Goshen, Utah
Larawan ng Guadalajara Mexico Temple sa umaga.
  • Paano mo ipaliliwanag sa isang tao ang pagkakaugnay ng walang laman na libingan ng Tagapagligtas at ng mga templo sa makabagong panahon?

Nang malaman ni Apostol Pablo na may ilang tao sa Corinto na nagtuturo na walang pagkabuhay na mag-uli, ipinaliwanag niya na may ginagawa na ang mga Banal na nagpapatotoo sa katotohanan ng pagkabuhay na mag-uli.

Basahin ang 1 Corinto 15:29, at alamin ang gawaing tinukoy ni Pablo.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Paano mo ipapahayag muli ang itinuro ni Pablo sa talata 29 gamit ang sarili mong mga salita?

  • Paano naging patotoo tungkol sa Tagapagligtas, sa Kanyang Pagbabayad-sala, at sa Pagkabuhay na Mag-uli ang mga binyag para sa mga patay?

Mga pagbibinyag para sa mga patay

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa 1 Corinto 15:29 ay maaari pa ring matanggap ng mga namatay na hindi nabinyagan ang mahalagang ordenansang ito sa pamamagitan ng mga gawain sa mga templo.

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) kung paano tayo maiuugnay ng pakikibahagi sa gawain sa templo kay Jesucristo:

Frontal half-length na larawan ni Pangulong Gordon B. Hinckley. Nakapatong ang mga kamay ni Pangulong Hinckley sa likod ng upuan. Ang larawan ay opisyal na larawan ni Pangulong Hinckley na kuha ng Simbahan noong 1995. Ito ang huling opisyal na larawan ni Pangulong Hinckley. Pumanaw si Pangulong Hinckley noong Enero 27, 2008.

Sa palagay ko, ang paggawa ng gawain para sa mga patay ang pinakamalapit sa ginawang sakripisyo ng Tagapagligtas para sa atin kaysa anumang gawain. Ibinigay ito nang may pagmamahal, nang hindi naghihintay ng kabayaran, o kapalit o anumang uri nito. Napakagandang alituntunin [fireside sa Birmingham, England, 29 Ago. 1995].

(Gordon B. Hinckley, “Excerpts from Recent Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Ene. 1998, 73)

  • Paano nakatutulong sa atin ang pakikibahagi sa mga binyag at iba pang gawain sa templo para sa mga patay upang higit tayong maging katulad ng Tagapagligtas?

Palalimin ang iyong pag-unawa

Ipagpalagay na isang araw sa paaralan, pinag-uusapan ninyo ng iyong mga kaibigan ang inyong mga plano para sa katapusan ng linggo. Sinabi ng isang kaibigan na nasasabik siyang pumunta sa templo upang magsagawa ng mga binyag para sa mga patay kasama ang iba pang kabataan sa kanyang ward. Ang isa pang kaibigan na si Kaya ay mukhang nalito at nagtanong, “Mga binyag para sa mga patay? Ano ang mga iyon?”

  • Gaano ka kakumpiyansa na masasagot mo ang tanong na ito sa paraang mauunawaan ni Kaya?

Maglaan ng oras upang palalimin ang iyong pag-unawa sa ordenansa ng binyag para sa mga patay sa pamamagitan ng pagpili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na resource na pag-aaralan o sa pamamagitan ng paghahanap ng sarili mong mga resource. Sa iyong pag-aaral, maghanap ng ilang bagay na maaari mong ibahagi sa isang taong tulad ni Kaya na gustong mas maunawaan ang gawaing ito.

  • scriptures.ChurchofJesusChrist.orgTingnan sa “Pagbibinyag alang-alang sa mga patay” sa ilalim ng Pagbibinyag, Binyagan,” Gabay sa mga Banal na Kasulatan, scriptures.ChurchofJesusChrist.org

  • Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Family History,” topics.ChurchofJesusChrist.org

  • Leah Barton, “Three Facts about Temple Baptisms,” New Era, Set. 2019, 22–23

  • “What Are Baptisms for the Dead?” (1:22), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org

    1:22

    What Are Baptisms for the Dead?

    Mormons, or more properly, members of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints perform baptisms for the dead on behalf of their ancestors so they, too, can accept Jesus.

  • “Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple” (11:31; panoorin mula sa time code na 1:23 hanggang 4:13)

    11:31

    Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple

    Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Ipaliwanag kung paano mo maituturo sa isang taong katulad ni Kaya, na hindi pamilyar sa mga binyag para sa mga patay, ang tungkol sa ordenansang ito. Maaari mong isama ang mga sumusunod na bagay sa iyong paliwanag:

  • Ang ipinapakita ng ordenansa ng binyag para sa mga patay tungkol sa nadarama ng ating Ama sa Langit at ng Kanyang Anak na si Jesucristo tungkol sa bawat isa sa atin.

  • Ang sarili mong mga karanasan sa pakikibahagi sa ordenansang ito.

Isagawa ang natutuhan mo

Pag-isipan ang iyong mga personal na karanasan sa gawain sa family history at sa templo. Isipin kung paano naging makabuluhan ang mga karanasang ito at ang anumang balakid na naranasan mo. Pagkatapos ay gumawa ng simple at personal na plano tungkol sa kung paano mo ipamumuhay ang natutuhan at nadama mo ngayon. Halimbawa, maaari kang magplano ng mga bagay na may kaugnayan sa pagdalo sa templo, pagkuha ng temple recommend, paggamit ng FamilySearch upang maghanap ng mga pangalan ng iyong mga ninuno na kailangang tumanggap ng ordenansa ng binyag, paggawa ng isang bagay upang maging mas makabuluhan ang iyong karanasan sa templo, o pag-iisip ng isa sa sarili mong mga inspiradong ideya. Sundin ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo upang makagawa ng plano na akma para sa iyo. Isulat ang mga plano mo sa iyong study journal.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 3. Ibahagi ang iyong plano sa iyong titser.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano nauugnay kay Jesucristo at sa Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli ang binyag para sa mga patay?

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Larawan ni Elder D. Todd Christofferson. Kinunan noong Marso 2020.

Ang kagustuhan nating tubusin ang mga patay at ang oras at resources na ginugugol natin sa gawaing iyon ay, higit sa lahat, pagpapahiwatig ng ating patotoo kay Jesucristo. Taglay nito ang makapangyarihang pahayag na maaari nating magawa hinggil sa Kanyang banal na pagkatao at misyon. Nagpapatotoo ito, una, tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo; [at] pangalawa, tungkol sa walang hanggang saklaw ng Kanyang Pagbabayad-sala. …

Nagbibinyag tayo para sa mga patay dahil alam natin na babangon sila.

(D. Todd Christofferson, “The Redemption of the Dead and the Testimony of Jesus,” Ensign, Nob. 2000, 10)

Nagsagawa ba ng mga binyag para sa mga patay ang mga miyembro ng Simbahan ni Cristo noong panahon ng Bagong Tipan?

Ang mga binyag para sa mga patay ay ginawa lamang matapos mabuhay na mag-uli si Jesus. Ang tanging talata sa Biblia na nagbabanggit sa binyag para sa mga patay ay ang 1 Corinto 15:29, bagama’t pinatunayan ng iba pang sinaunang teksto na ginagawa na ng mga Kristiyano noon ang binyag para sa mga patay.

“Itinuro ni Jesucristo na kailangan ang binyag upang magtamo ng buhay na walang hanggan (tingnan sa Juan 3:5). Si Pablo mismo ay bininyagan at tinuruan na sa pamamagitan ng mahalagang ordenansang ito, tayo ay “makakalakad sa panibagong buhay” (Roma 6:4; tingnan din sa Mga Gawa 9:18). Subalit milyun-milyon sa mga anak ng Ama sa Langit ang namatay nang hindi nagkaroon ng kaalaman tungkol kay Jesucristo o nakatanggap ng mahalagang ordenansa ng binyag. Ang pagbanggit ni Pablo sa pagbibinyag para sa mga patay ay nagpapahiwatig na alam ng mga naunang miyembro ng Simbahan ang plano ng Diyos na tubusin ang mga patay (tingnan din sa Juan 5:25, 28; 1 Pedro 3:18–19; 4:6)” (New Testament Student Manual [2014], 385).

Kailan sinimulan ng mga miyembro ng Simbahan ni Cristo sa mga huling araw ang pagsasagawa ng mga binyag para sa mga patay?

Upang mapakinggan ang kasaysayan tungkol sa pagpapatupad ng Simbahan ng mga binyag para sa mga patay, panoorin ang video na “Glad Tidings: The History of Baptisms for the Dead” (6:55), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

2:3

Glad Tidings: The History of Baptisms for the Dead

Joseph Smith's struggle with his brother Alvin's death led eventually to the introduction of baptisms for the dead. This new ordinance was embraced by saints in Nauvoo who did the first genealogical and family history research in Church history.

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa mga binyag para sa mga patay?

  • “What Are Baptisms for the Dead?” (1:22), matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org

    1:22

    What Are Baptisms for the Dead?

    Mormons, or more properly, members of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints perform baptisms for the dead on behalf of their ancestors so they, too, can accept Jesus.

  • “Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple” (11:31; panoorin mula sa time code na 1:23 hanggang 4:13)

    11:31

    Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple

    Two Apostles Lead a Virtual Tour of the Rome Italy Temple