Doctrinal Mastery: 1 Corinto 15:40–42
Sa Pagkabuhay na Mag-uli, May Tatlong Antas ng Kaluwalhatian
Sa nakaraang lesson, “1 Corinto 15:32–54,” nalaman mo ang tungkol sa tatlong antas ng kaluwalhatian sa Pagkabuhay na Mag-uli. Nalaman mo rin na ibibigay ng ating Ama sa Langit sa matatapat ang kaluwalhatiang selestiyal sa pamamagitan ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Corinto 15:40–42, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Kumpletuhin ang mga sumusunod na hakbang upang matulungan kang maisaulo at maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa 1 Corinto 15:40–42:
-
Isulat ang “1 Corinto 15:40–42: Sa Pagkabuhay na Mag-uli, May Tatlong Antas ng Kaluwalhatian” sa itaas ng isang papel.
-
Magdrowing ng isang araw sa ilalim ng parirala, isang buwan sa ilalim ng araw, at isang bituin sa ilalim ng buwan.
-
Basahin ang 1 Corinto 15:40–42, at lagyan ng label ang bawat isa sa mga idinrowing mo gamit ang pangalan ng kaluwalhatian na kinakatawan nito. (Pansinin na nagdagdag ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng 1 Corinto 15:40 ng reperensya sa kaluwalhatiang telestiyal [sa PJS, 1 Corinto 15:40].)
-
Tingnan ang idinrowing mo habang inuulit ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iyong isipan hanggang sa magkaroon ka ng kumpiyansa na alam na alam mo na ang mga ito.
-
Paano mo ipaliliwanag ang mga katotohanang itinuro sa scripture passage na ito sa isang taong hindi nauunawaan ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan sa plano ng Ama sa Langit? Isulat ang iyong paliwanag sa sarili mong mga salita.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa atin sa mga sitwasyon sa tunay na buhay at sa mahahalagang tanong natin.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon, at pumili ng isang sitwasyon na gusto mong pagtuunan para sa susunod na aktibidad.
-
Taos-pusong sinusubukan ni Julia na gawin ang tama, ngunit madalas siyang husgahan dahil sa kanyang mga kahinaan. Naniniwala siyang pupunta ang ibang tao sa kahariang selestiyal ngunit hindi siya sigurado kung makakapunta siya rito.
-
Katatapos lang marinig ni Maria ang isang magandang mensahe tungkol sa kaloob na pagkabuhay na mag-uli na ibibigay ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa lahat. Naisip niya, “Bakit dapat akong magsisi o sumunod sa mga kautusan kung mabubuhay na mag-uli lang din naman ang lahat sa perpektong imortal na katawan?”
Sa nakaraang lesson, napag-aralan mo ang sumusunod na katotohanang itinuro sa 1 Corinto 15:40–42: sa plano ng Ama sa Langit, may iba’t ibang antas ng kaluwalhatian para sa mga nabuhay na mag-uling katawan. Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang katotohanang itinuro sa 1 Corinto 15:40–42 upang matulungan si Julia o si Maria sa kanyang mga alalahanin o tanong.