Seminary
1 Corinto 15:32–54


1 Corinto 15:32–54

Mga Katawang Selestiyal, Terestriyal, at Telestiyal

Profile ng isang dalagita sa maliwanag na sikat ng araw.

Bakit mahalagang sundin si Jesucristo kahit tila naliligayahan ang iba sa kasalanan? Ipinaliwanag ni Pablo ang isa sa mga dahilan sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga taga-Corinto tungkol sa iba’t ibang antas ng kaluwalhatian sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na sikaping maging karapat-dapat sa selestiyal na pagkabuhay na mag-uli sa pamamagitan ni Jesucristo.

Mga pagpapalang makakamtan sa hinaharap sa plano ng Diyos

  • Kung alam mo na gagantimpalaan ng iyong titser ang lahat ng nakasuot ng isang partikular na kulay ngayon, makakaapekto ba iyon sa pipiliin mong damit?

  • Sasama ba ang loob mo kung huli mo na itong nalaman? Bakit oo o bakit hindi?

Dahil mahal tayo ng Ama sa Langit, sinabi Niya sa atin kung ano ang mangyayari pagkatapos ng buhay na ito at kung aling mga pagpapasiya ang hahantong sa kaligayahan o pagsisisi. Sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatang ito, hanapin ang mga katotohanan na makahihikayat sa iyong gumawa ng mga pagpapasiyang humahantong sa kaligayahang walang hanggan.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa pagdodrowing at sagutin sa iyong study journal ang mga sumusunod na tanong.

Magdrowing ng simpleng larawan o diagram ng nalalaman mo na tungkol sa plano ng kaligtasan ng Diyos. Isama kung nasaan tayo bago tayo isinilang, ang buhay sa lupa, at kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan. Habang nagdodrowing ka, tiyaking pagnilayan ang ginagampanan ni Jesucristo sa buong plano ng ating Ama.

  • Paano nakakaapekto sa mga pagpapasiyang ginagawa mo sa mortalidad ang pag-unawa sa plano ng Ama sa Langit para sa atin pagkatapos ng kamatayan?

  • Paano naging pinakamahalagang bahagi ng plano si Jesucristo?

Sa 1 Corinto 15:1–29, iwinasto ni Apostol Pablo ang maling paniniwala na “walang pagkabuhay na muli ng mga patay” (1 Corinto 15:13). Pagkatapos ay binalaan niya ang mga taga-Corinto na huwag magpalinlang sa pag-uugali ng mga taong nagsasabing, “Tayo ay kumain at uminom, sapagkat bukas tayo’y mamamatay” (1 Corinto 15:32), na nagpapahayag ng maling paniniwala na walang buhay pagkatapos ng kamatayan at, samakatuwid, hindi mahalaga ang ginagawa natin sa buhay na ito.

Ang isa pang maling paniniwala ay ipagkakaloob ng Diyos sa lahat ang mga pagpapala ng buhay na walang hanggan, anuman ang ating pinili (tingnan sa 2 Nephi 28:8; Alma 1:4).

  • Paano makakaapekto sa ating mga pagpapasiya at pag-uugali ang mga maling paniniwala na walang buhay pagkatapos ng kamatayan o na ipagkakaloob ng Diyos sa lahat ang mga pagpapala ng buhay na walang hanggan? Bakit?

icon ng Doctrinal Mastery (asul). Ang larawan ay isang bukas na aklat. Ang 1 Corinto 15:40–42 ay isang doctrinal mastery passage. Maaari mong markahan ang mga doctrinal mastery passage sa paraang madali mong mahahanap ang mga ito. Marami ka pang matututuhan tungkol sa doctrinal mastery passage na ito sa susunod na lesson.

Basahin ang 1 Corinto 15:40–42, at alamin ang mga turo ni Pablo tungkol sa pagkabuhay na mag-uli sa plano ng Ama sa Langit. Makatutulong na malaman na ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng 1 Corinto 15:40 ay tumutukoy rin sa mga katawang telestiyal.

  • Bakit mahalagang malaman ang katotohanan na sa plano ng Ama sa Langit, may iba’t ibang antas ng kaluwalhatian para sa mga katawang nabuhay na mag-uli?

Mga antas ng kaluwalhatian

Paglalarawan ng tatlong antas ng kaluwalhatian. Isang araw, buwan at mga bituin ang nakalarawan. Ang mga stick figure sa ilalim ay nagpapakita ng iba’t ibang antas ng mga nagniningning na sinag.

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 2. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal.

Ang paghahayag sa pamamagitan ng mga makabagong propeta ay nagbibigay ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa mga turo ni Pablo. Pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 76:50–52, 62–64, 69–70, 71–76, 81–85; 88:21–24 at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018). Hanapin ang mga sagot sa tatlong tanong na kasunod ng pahayag.

Opisyal na larawan ni Pangulong Thomas S. Monson, 2008.

Dahil nadaig ni Cristo ang kamatayan, lahat tayo ay mabubuhay na mag-uli. Ito ang katubusan ng kaluluwa. Isinulat ni Pablo: “Mayroon[g] … mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa: datapuwa’t iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa” (1 Corinto 15:40).

Selestiyal na kaluwalhatian ang hangad natin. Sa piling ng Diyos natin nais manirahan. Nais nating mapabilang sa pamilyang walang hanggan. Ang mga pagpapalang iyan ay makakamtan sa pamamagitan ng habambuhay na pagsisikap, pagsusumigasig, pagsisisi, at sa huli ay pagtatagumpay.

(Thomas S. Monson, “Ang Takbo ng Buhay,” Liahona, Mayo 2012, 93)

  • Ano ang ginagampanan ng Tagapagligtas sa ating paglalakbay tungo sa kaluwalhatiang selestiyal?

  • Ano ang kailangan nating gawin upang matanggap ang kaluwalhatiang selestiyal?

  • Bakit mahalagang pagsikapan ang pagtanggap ng kaluwalhatiang selestiyal sa halip na terestiyal o telestiyal na kaluwalhatian?

Pagnilayan kung saan mo nakikita ang iyong sarili sa landas patungo sa kahariang selestiyal. Nagtitiwala ka ba na tutulungan ka ng Tagapagligtas na mamuhay sa paraan na matatanggap mo ang mga pagpapalang ito?

Makakamtan ba talaga natin ang kaluwalhatiang selestiyal?

Pinanghihinaan ng loob ang ilang tao kapag natatanto nila kung gaano sila kalayo mula sa pagkakaroon ng buhay na selestiyal sa lupa. Basahin ang itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol: tungkol sa ating walang hanggang pag-unlad, o panoorin ang video na “Kasama Natin ang Diyos,” mula sa time code na 5:01 hanggang 6:58, matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.

15:44

Kasama Natin ang Diyos

Tinuruan tayo ni Elder Uchtdorf na magkaroon ng pag-asa, huwag masiraan ng loob, at tingnan ang mga paraan kung paano natin nakakasama ang Diyos.

Opisyal na larawan ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, 2006. Tinawag bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan, Pebrero 3, 2008. Kinunan ng opisyal na larawan noong 2008 na ipinalit sa larawang kuha noong 2004.

Nag-uumapaw ang pasasalamat sa puso ko para sa aking Ama sa Langit. Natatanto ko na hindi Niya isinumpa ang Kanyang mga anak upang maghirap sa mortalidad nang walang pag-asa para sa isang maningning at walang-hanggang kinabukasan. Nagbigay Siya ng mga tagubilin na naghahayag ng landas pabalik sa Kanya. At sa gitna ng lahat ng ito ay ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo, at ang Kanyang sakripisyo para sa atin. …

Lahat tayo ay mga sanggol kumpara sa maluwalhati at kagila-gilalas na mga nilalang na dapat nating kahinatnan. Walang mortal na nilalang ang sumusulong mula paggapang hanggang paglakad hanggang pagtakbo nang hindi madalas na natutumba, nauuntog, at nagagalusan. Diyan tayo natututo.

(Dieter F. Uchtdorf, “Kasama Natin ang Diyos,” Liahona, Mayo 2021, 8–9)

  • Ano ang ipinaunawa sa iyo ng pahayag ni Elder Uchtdorf tungkol sa Ama sa Langit?

  • Paano iyon nakakaimpluwensya sa nadarama mo sa Kanya at sa iyong ugnayan sa Kanya?

  • Ano ang nadarama mong dapat mong gawin dahil sa natutuhan mo ngayon?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano kung magsisikap tayong mamuhay nang tapat sa buhay na ito ngunit hindi pa rin tayo perpekto kapag namatay tayo?

Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith (1805–44):

Half-length frontal ng larawan ni Propetang Joseph Smith, Jr. Ang ulo ni Joseph ay nakabaling nang bahagya sa kanan, ang kanang kamay ay nasa balakang at ang kanyang kaliwang kamay ay may hawak na mga papel. Makikita na nakasuot siya ng dark brown na amerikana at puting polo at kurbata.

Kapag kayo ay aakyat ng hagdan, kailangan kayong magsimula sa ibaba, at umakyat nang paisa-isang baitang, hanggang sa kayo ay makarating sa itaas; gayundin sa mga alituntunin ng ebanghelyo—kailangan kayong magsimula sa una, at magpatuloy hanggang sa matutuhan ninyo ang lahat ng alituntunin ng kadakilaan. Subalit matagal pang panahon matapos na kayo ay magdaan sa tabing bago ninyo matutuhan ang mga ito. Hindi lahat ay mauunawaan sa daigdig na ito; magiging malaking gawain ang matutuhan ang ating kaligtasan at kadakilaan maging sa kabilang buhay.

(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 312)

Ano ang ibig sabihin ng “Itinanim na may pagkasira; binubuhay na muli na walang pagkasira” (1 Corinto 15:42)?

Inihambing ni Pablo ang katawang mortal sa isang binhi na hindi perpekto, o sira (tingnan sa 1 Corinto 15:37–38, 42). Kapag tayo ay namatay at inilibing (ipinunla o itinanim), balang-araw ay babangon tayo mula sa libingan na parang halamang tumutubo mula sa lupa. Ang ating mga nabuhay na mag-uling katawan ay hindi na masisira, kundi magiging perpekto sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

Sino ang makatatanggap ng kaluwalhatiang selestiyal?

Ang kahariang selestiyal ang lugar na inihanda para sa mga yaong “tumanggap ng patotoo ni Jesus” at naging “ganap sa pamamagitan ni Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan, na nagsakatuparan ng ganap na pagbabayad-salang ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kanyang sariling dugo” (Doktrina at mga Tipan 76:51, 69). Upang mamana ang kaloob na ito, dapat nating tanggapin ang mga ordenansa ng kaligtasan, sundin ang mga kautusan, at pagsisihan ang ating mga kasalanan. Para sa detalyadong paliwanag tungkol sa mga magmamana ng kaluwalhatiang selestiyal, tingnan ang Doktrina at mga Tipan 76:50–70; 76:92–96.

(Gospel Topics, “Mga Kaharian ng Kaluwalhatian,” topics.ChurchofJesusChrist.org)