Doctrinal Mastery: 1 Pedro 4:6
“Ang Ebanghelyo ay Ipinangaral Maging sa mga Patay”
Sa iyong pag-aaral ng 1 Pedro 4, natutuhan mo na itinatag ng Tagapagligtas ang gawaing misyonero sa daigdig ng mga espiritu upang magkaroon ng pagkakataong tumanggap ng kaligtasan ang lahat ng anak ng Ama sa Langit. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Pedro 4:6. Matutulungan ka rin nitong ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa scripture passage na iyon. Pagkatapos ay magkakaroon ka ng pagkakataong ipamuhay ang doktrinang iyon at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa totoong sitwasyon.
Isaulo at ipaliwanag
Maglaan ng ilang sandali sa pagguhit ng diagram ng plano ng kaligtasan.
Isulat ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “1 Pedro 4:6: ‘Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay’” sa isang papel. Burahin o takpan ang tatlo hanggang apat na salita o numero, at subukang bigkasin ang reperensya at parirala kasama ang mga nawawalang bahagi. Ipagpatuloy ang prosesong ito hanggang sa mabigkas mo nang buo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang walang kopya.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Sa nakaraang lesson, nalaman mo ang sumusunod na katotohanan mula sa 1 Pedro 4:6: Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay upang magkaroon din sila ng mga pagkakataon na mayroon ang mga taong nakarinig ng ebanghelyo sa mortalidad.
Gamitin ang sumusunod na sitwasyon para magsanay na ipamuhay ng katotohanang ito at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
Sitwasyon: Bahagi 1
Ipagpalagay na may kaibigan ka na nagngangalang Jason na tinuturuan ng mga missionary. Hiniling kay Jason na dumalo sa seminary kasama mo upang matuto pa ng tungkol sa ebanghelyo. Sa kanyang unang araw sa seminary, hiniling ng titser mo sa klase na rebyuhin kasama ang isang kapartner ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Bumaling si Jason sa iyo at tinanong niya, “Ano ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman?”
-
Paano mo ipapaalam kay Jason ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman? (Maaari mong rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) kung kailangan mo ng tulong para sa tanong na ito.)
Sitwasyon: Bahagi 2
Kalaunan noong linggong iyon, nagkita si Jason at ang mga missionary sa bahay mo. Tinulungan mo ang mga missionary na magturo tungkol sa mga unang alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo, kabilang ang pananampalataya kay Jesucristo at binyag sa pamamagitan ng paglulubog sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Ginamit ng mga missionary ang Juan 3:5 upang ituro na ang binyag sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood ay kailangan upang maligtas sa kaharian ng langit. Pinag-isipan sandali iyon ni Jason, at pagkatapos ay tila nalungkot siya. Itinanong ng isa sa mga missionary kung bakit siya malungkot, at sumagot si Jason, “Hindi nabinyagan ang lolo ko, pero napakabuti niyang tao na palaging nagsasabi na gusto niyang mamuhay nang mabuti upang makapunta siya sa langit. Makakapunta ba siya?” Tahimik kang nagdasal, at itinanong mo sa Ama sa Langit kung paano mo matutulungan si Jason. Naisip mong gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa 1 Pedro 4:6.