Doctrinal Mastery: 2 Tesalonica 2:1–3
“Ang Araw [ni Cristo] … [ay] Hindi Darating Malibang Maunang Maganap ang Pagtalikod”
Sa nakaraang lesson, nalaman mo na ipinropesiya noong unang panahon na bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, magaganap ang isang Pagtalikod [Apostasiya] mula sa Kanyang Simbahan (tingnan sa “2 Tesalonica 2”). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Tesalonica 2:1–3, maipaliwanag ang doktrina ng Apostasiya, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
-
Ano ang naaalala mo tungkol sa itinuro sa 2 Tesalonica 2:1–3?
Isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 2 Tesalonica 2:1–3. Ang isang paraan upang magawa ito ay kumpletuhin ang sumusunod na aktibidad (o isang aktibidad na katulad nito gamit ang Doctrinal Mastery mobile app):
Isulat ang 2 Tesalonica 2:1–3: “Ang Araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.” sa iyong study journal o sa iyong digital device.
Sabihin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang malakas o sa iyong isipan nang ilang beses.
Magbura o mag-delete ng isang parirala, tulad ng “maunang maganap ang pagtalikod,” at subukang ulitin ang kumpletong reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Patuloy na magbura o mag-delete ng mga karagdagang parirala hanggang sa maulit mo ang buong reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang walang kopya.
Maaaring natatandaan mo na nang pag-aralan mo ang 2 Tesalonica 2, nalaman mo na ipinropesiya noong unang panahon na bago ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo, magkakaroon ng pagtalikod o apostasiya mula sa Kanyang Simbahan.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Sa pagpapatuloy mo ng lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong tulungan ang isang tao na ipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Upang malaman kung gaano kahusay mong naaalala ang mga alituntuning ito, subukang itugma ang mga sumusunod na pahayag sa alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na inilalarawan ng bawat pahayag.
-
“Ang matatapat na naghahanap ng katotohanan ay dapat mag-ingat sa di-mapagkakatiwalaang sources ng impormasyon.”
-
“Magtiwala sa Diyos at lumapit muna sa Kanya sa pamamagitan ng taimtim na panalangin, pag-aaral ng Kanyang mga turo, at pagsunod sa Kanyang mga kautusan.”
-
“[Isipin ang mga tanong] sa konteksto ng plano ng kaligtasan at ng mga turo ng Tagapagligtas.”
-
Kumilos nang may pananampalataya.
-
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.
-
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.
Matatagpuan ang mga sagot sa quiz sa katapusan ng lesson.
Kung kailangan mo pang rebyuhin ang mga alituntuning ito, basahin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).
Isipin kunwari na nagte-text ka sa kaibigan mong si Keyshawn, na miyembro ng ibang simbahang Kristiyano. Siya ay lubos na tapat kay Jesucristo at madalas niyang pag-aralan ang Biblia. Sa isang text message niya sa iyo, sinabi ni Keyshawn, “Itinuro ng pastor ko ngayon na naniniwala ang mga miyembro ng simbahan ninyo na kayo lang ang tunay na simbahan at mali ang lahat ng iba pang simbahan. Totoo ba ito? Mas napapalapit ako sa Diyos dahil sa simbahan ko. Paanong hindi ito nagmula sa Diyos?”
-
Bakit maaaring karaniwan para sa mga miyembro ng ibang simbahan na magkaroon ng mga tanong na tulad nito?
-
Paano ka makatutugon kay Keyshawn sa paraang katulad ng kay Cristo?
Sumagot ka sa text ni Keyshawn, at nagpasalamat ka sa kanya para sa kanyang mahalagang tanong. Itinanong mo kung maaari mong ibahagi ang iyong sagot sa kanya kinabukasan, at sumang-ayon siya.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Paano mo magagamit ang mga katotohanang itinuro sa 2 Tesalonica 2:1–3 upang matulungan si Keyshawn?
Maghanap ng kahit tatlong karagdagang banal na kasulatan, mensahe, o artikulo na sa palagay mo ay makatutulong sa sitwasyong ito. Maaari mong gamitin ang sumusunod na resources:
-
Basahin ang mga entry para sa “Lubusang Pagtalikod sa Katotohanan” at “Ebanghelyo, Panunumbalik ng” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Matatagpuan ang mga entry na ito sa scriptures.ChurchofJesusChrist.org.
-
Basahin ang entry na “Apostasiya” sa Mga Paksa ng Ebanghelyo (topics.ChurchofJesusChrist.org).
-
Sumangguni sa mga banal na kasulatan at mga pahayag mula sa lesson na “2 Tesalonica 2” o mula sa “Lesson 1: Ang Mensahe ng Pagpapanumbalik ng Ebanghelyo ni Jesucristo” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo (2018), 33–50.
-
Anong mga scripture passage o iba pang sources ang nakita mo na makatutulong sa iyo na masagot si Keyshawn?
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
-
Anong mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang gusto mong ibahagi kay Keyshawn na makatutulong sa kanya na maunawaan na kailangan ang Pagpapanumbalik?
Kumilos nang may pananampalataya
-
Anong mga partikular na bagay ang maaari mong hikayating gawin ni Keyshawn upang malaman niya para sa kanyang sarili kung bakit kailangan ang Pagpapanumbalik ng Simbahan ni Cristo?
-
Anong mga uri ng karanasan ang maaasahan ni Keyshawn kung gagawin niya ang mga ito?
-
Paano magiging pagkilos nang may pananampalataya para sa iyo ang pag-anyaya sa kanya na kumilos?
Ang mga tamang sagot para sa aktibidad sa pagtutugma ay (1) c; (2) a; (3) b.