Doctrinal Mastery: Efeso 2:19–20
Ang Simbahan ay Itinayo kay Jesucristo at sa Kanyang mga Apostol at Propeta
Sa iyong pag-aaral ng Efeso 2, natutuhan mo na ang Simbahan ni Jesucristo ay itinayo sa saligan ng mga apostol at propeta at si Jesucristo ang pangulong batong panulok. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga turong ito habang isinasaulo mo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Efeso 2:19–20, ipinapaliwanag ang doktrina, at ipinamumuhay ang doktrina at mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa sitwasyon sa tunay na buhay.
Isaulo at ipaliwanag
Upang tulungan kang maisaulo ang doctrinal mastery reference na ito at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, isulat ang sumusunod nang kahit tatlong beses sa iyong study journal: “Efeso 2:19–20. Ang Simbahan ay ‘itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.’”
Maaari mong isulat ang parirala sa paraang naglalarawan din ng katotohanang ito. Halimbawa, maaari kang magdrowing ng parihaba sa paligid ng parirala upang sumimbulo sa saligan at magdrowing ng isang simbahan sa itaas nito. O, kung nagdrowing ka ng halimbawa ng pundasyong ito para sa nakaraang lesson, maaari mong isulat ang mahalagang parirala sa mismong drowing o malapit sa drowing na iyon.
Pagsasanay ng pagsasabuhay
Matutulungan ka ng sumusunod na aktibidad na rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Itugma ang bawat pahayag sa naaangkop na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Kung kinakailangan, rebyuhin ang talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) upang matulungan ka.
|
|
|
|
|
|
Ipagpalagay na nalilito ang matalik mong kaibigang si Estelle. May patotoo siya tungkol sa mga propeta at apostol, ngunit sinasalungat niya ang isang kasalukuyang itinuturo ng Simbahan. Sa katunayan, matindi niyang sinasalungat ito. Humingi siya ng tulong sa iyo upang malaman kung ano ang gagawin. Sa sandaling iyon hindi mo alam kung ano ang sasabihin, ngunit nagpasya kang sundin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na ginamit mo sa seminary upang maghandang tulungan ang iyong kaibigan.
Gamitin ang sumusunod na chart upang pagnilayan ang sarili mong mga pananaw at nadarama tungkol sa mga propeta at apostol at kung paano mo matutulungan si Estelle.
Paano ako natutong magtiwala at sumunod sa mga apostol at propeta? |
Paano ko matutulungan ang kaibigan ko? |
---|---|
Paano ako natutong magtiwala at sumunod sa mga apostol at propeta? Ano ang mga naranasan ko nang kumilos ako nang may pananampalataya kay Jesucristo upang sundin ang Kanyang mga apostol at propeta? Aling karanasan ang maaaring makatulong na ibahagi kay Estelle? | Paano ko matutulungan ang kaibigan ko? Ano ang mga itatanong ko kay Estelle upang tulungan siyang pag-isipan kung paano nais ng Panginoon na kumilos siya nang may pananampalataya? |
Paano ako natutong magtiwala at sumunod sa mga apostol at propeta? Ano ang nalalaman ko na tungkol sa Ama sa Langit, sa Kanyang plano, at kung paano Siya nakikitungo sa Kanyang mga anak na makatutulong kay Estelle sa sitwasyong ito? | Paano ko matutulungan ang kaibigan ko? Ano ang maaari kong itanong kay Estelle upang matulungan siyang makita ang kanyang alalahanin nang may walang-hanggang pananaw? |
Paano ako natutong magtiwala at sumunod sa mga apostol at propeta? Anong sources na itinalaga ng Diyos ang nakatulong sa akin na magtiwala sa mga apostol at propeta? Paano nakatulong sa akin ang mga ito? | Paano ko matutulungan ang kaibigan ko? Anong sources na itinalaga ng Diyos ang irerekomenda kong basahin at pag-aralan ni Estelle? |