Doctrinal Mastery: Mga Hebreo 12:9
Ang Ama sa Langit ay “Ama ng mga Espiritu”
Sa iyong pag-aaral ng Mga Hebreo 12:9, nalaman mo ang tungkol sa kaugnayan mo sa Diyos, na “Ama ng mga espiritu,” at kung paano ito makakaimpluwensya sa iyong buhay. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mga Hebreo 12:9, maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Ipaliwanag at isaulo
Sa nakaraang lesson, nalaman mo na ang Diyos ay Ama ng ating mga espiritu. Ipagpalagay na kausap mo ang isang kaibigan na nagtatanong kung sino siya. Gamitin ang Mga Hebreo 12:9 upang matulungan siya. Habang sinasagot mo ang kanyang mga tanong o tumutugon sa kanyang mga alalahanin, maaari mong isama ang mga sumusunod:
-
Ano ang ibig sabihin ng tayo ay mga anak ng Diyos at bakit mahalagang malaman ito
-
Paano makakaapekto sa ating identidad at pagpapahalaga sa sarili ang pag-unawa o hindi pag-unawa sa katotohanang ito
-
Mga paraan na sinusubukan ng mundo na impluwensyahan ang ating kaalaman tungkol sa kung sino tayo at ang ating kaugnayan sa Diyos, at kung bakit gusto nating madaig ang mga impluwensyang ito
Sa iyong study journal, isulat ang unang letra ng bawat salita sa scripture passage na Mga Hebreo 12:9 at ang mahalagang parirala nito na “Ang Ama sa Langit ay ‘Ama ng mga espiritu.’” Ulitin ang scripture passage at parirala, gamit lang ang mga unang letra ng bawat salita bilang clue. Bilangin kung ilang beses mong inulit ito bago mo naisaulo ito.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Upang matulungan kang rebyuhin ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, isaalang-alang ang sumusunod na mahahalagang salita:
-
Pananampalataya
-
Pananaw
-
Mga Source