Seminary
Doctrinal Mastery: Lucas 2:10–12


Doctrinal Mastery: Lucas 2:10–12

Si Jesucristo ay Isinilang bilang Tagapagligtas at Panginoon

Pagsilang ni Cristo

Sa nakaraang lesson, pinag-aralan mo ang patotoo ng isang anghel sa mga pastol na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at Tagapagligtas ng sanlibutan (tingnan sa Lucas 2:10–12). Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na maipakita ang iyong naunawaan sa doktrinang ito sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang sitwasyon sa totoong buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Tingnan ang larawan ng pagsilang ng Tagapagligtas at bigkasin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Lucas 2:10–12: “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” Ulitin hanggang sa magkaroon ka ng kumpiyansa na mabibigkas mo ito nang walang kopya.

icon ng pagsusulat sa journal 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal:

Tingnan ang larawan ng pagsilang ng Tagapagligtas. Magsulat ng dalawa o tatlong pangungusap na nagpapaliwanag kung bakit ang pangyayaring ipinapakita rito ay nagdulot ng “magandang balita ng malaking kagalakan para sa buong bayan” (Lucas 2:10).

Pagsasabuhay

Maglaan ng ilang minuto na rebyuhin ang mga alituntunin sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Para sa bawat alituntunin, markahan ang kahit isang pangungusap na sa palagay mo ay nagpapaliwanag ng konsepto.

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Isa sa mga kaibigan mo na hindi relihiyoso ay nakakita kamakailan ng isang magkompanyon na missionary na nakikipag-usap sa ilang tao sa parke. Tinanong ka ng kaibigan mo, “Bakit lumalabas at nangangaral tungkol kay Jesus ang mga missionary mula sa simbahan ninyo? Mukhang gusto ninyong ipilit ang inyong mga paniniwala sa ibang tao. Bakit hindi na lang ninyo sila hayaan kung saan sila masaya?”

Habang iniisip ang sitwasyong ito, pag-aralan ang mga sumusunod na alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at pagnilayan kung paano ito makatutulong sa iyo sa pagsagot sa tanong ng iyong kaibigan.

Kumilos nang may pananampalataya

“Kumikilos tayo nang may pananampalataya kapag pinipili nating magtiwala sa Diyos at lumapit sa Kanya” (Doctrinal Mastery Core Document, “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” talata 5).

  • Anong mga parirala ang nakita mo sa talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” na makatutulong sa iyo sa sitwasyong ito?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pagkilos nang may pananampalataya habang naghahanap ka ng sagot para sa iyong kaibigan?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

“Para masuri ang mga konsepto [at] tanong nang may walang-hanggang pananaw, isinasaalang-alang natin ang mga ito sa konteksto ng plano ng kaligtasan at sa mga turo ng Tagapagligtas” (Doctrinal Mastery Core Document, “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” talata 8).

Rebyuhin ang Lucas 2:10–12. Isipin kung ano ang itinuturo ng scripture passage na ito kasabay ng nalalaman mo na tungkol kay Jesucristo.

  • Ano ang mga ginagampanan ng Tagapagligtas sa plano ng kaligtasan?

  • Bakit mahalaga para sa mga taong hindi pa nakikilala si Jesucristo na makilala Siya?

  • Bakit napakahalagang ibahagi natin ang mensahe ng Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo sa lahat ng tao, kabilang ang iba pang Kristiyano na tumanggap na sa Kanya?

  • Paano mo magagamit ang mga sagot sa mga naunang tanong sa pagtugon sa iyong kaibigan?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos

Upang matulungan tayong magtamo ng espirituwal na kaalaman, ang Panginoon ay “naglaan ng mga tulong o sources kung saan naghahayag Siya ng katotohanan at patnubay sa Kanyang mga anak” (Doctrinal Mastery Core Document, “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman,” talata 11).

Rebyuhin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na inspiradong source, at maghanap ng impormasyon na makatutulong sa iyo na masagot ang tanong ng iyong kaibigan.

Isipin kung ano ang itinuturo ng mga source na ito tungkol sa kung paano makapagdudulot ng kagalakan sa mga tao ang Tagapagligtas at ang Kanyang mga turo.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo na makapagdudulot ng kagalakan sa mga tao sa buhay na ito at sa buhay na darating?

  • Anong mga personal na karanasan sa Tagapagligtas o sa Kanyang mga turo ang nagdulot sa iyo ng kagalakan?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga sagot mo sa mga tanong na ito sa pagsagot sa tanong ng iyong kaibigan?

icon ng pagsusulat sa journal 2. Isipin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang doktrinang itinuro sa Lucas 2:10–12 at isulat sa iyong study journal ang tugon mo sa iyong kaibigan.