Seminary
Mateo 2:11–23


Mateo 2:11–23

“Binalaan” ng Diyos

Joseph leading a donkey by a rope, Mary is walking along the side of the donkey holding a young Jesus on their way to Egypt. Outtakes include Mary walking with Jesus ahead of Joseph as well as Mary walking behind

Matapos ibigay ng mga Pantas na Lalaki ang kanilang mga kaloob sa batang Cristo, binalaan sila ng Panginoon na huwag bumalik kay Haring Herodes. Nagpakita ang isang anghel kay Jose sa isang panaginip at sinabi sa kanya na dalhin ang kanyang pamilya sa Ehipto. Iniligtas ng mga babalang ito ang batang si Jesus mula sa pagpaslang ni Herodes sa lahat ng batang dalawang taong gulang pababa sa lugar sa paligid ng Bethlehem. Pagkamatay ni Herodes, iniutos ng Panginoon kay Jose na bumalik sa Israel. Tulad ng pagbibigay ng Panginoon ng paghahayag sa mga Pantas na Lalaki, kina Jose, at Maria, nais ka rin Niyang bigyan ng paghahayag. Sa lesson na ito, tutukuyin mo ang ilang paraan na maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang Panginoon. Aanyayahan ka ring alamin ang pakikipag-ugnayang ito sa sarili mong buhay.

Binalaan ng Panginoon ang mga Pantas na Lalaki at si Jose

Isipin ang mga paraan kung paano nakipag-ugnayan sa iyo ang Ama sa Langit sa iyong buhay, at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

  • Sa iyong palagay, gaano ka lubos na nakahihiwatig kapag nakikipag-ugnayan sa iyo ang Ama sa Langit?

  • Paano ka binibigyan ng Diyos ng paghahayag o patnubay?

  • Sa iyong palagay, saang aspekto ng iyong buhay pinakakailangan mo ang patnubay at direksyon ng Ama sa Langit?

Habang pinag-aaralan mo ang Mateo 2, magkakaroon ka ng pagkakataong malaman ang tungkol sa pagtanggap ng patnubay at direksyon mula sa Ama sa Langit.

Noong isinilang ang Tagapagligtas, ang pinuno sa Judea ay kilala bilang si Herodes ang Dakila. Isa siyang masamang tao. Nang kausapin niya ang mga Pantas na Lalaki, hiniling niya sa kanila na bumalik at ipaalam sa kanya ang natuklasan nila tungkol sa batang Cristo (tingnan sa Mateo 2:8). Dahil sa kasamaan ni Herodes, binalaan ng Diyos ang mga Pantas na Lalaki at nagsugo Siya ng isang anghel upang balaan si Jose sa isang panaginip.

Kapag pinag-aaralan mo ang mga banal na kasulatan, mahalagang matukoy ang mga alituntunin. Ang alituntunin ay isang walang hanggang katotohanan na makapagbibigay sa iyo ng pananaw at makatutulong sa iyong pagpapasiya. Madalas nating matutukoy ang mga alituntunin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng mga sumusunod:

  • Ano sa palagay mo ang aral o punto ng kuwento?

  • Sa palagay mo, bakit isinama ng may-akda ang mga pangyayari o scripture passage na ito sa kanyang tala?

  • Anong mga aral ang nais ng may-akda na matutuhan natin?

Pumili ng isa sa mga tanong sa itaas, at sagutin ito habang pinagninilayan mo ang Mateo 2:11–16.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1.

  • Paano makatutulong ang alituntuning natukoy mo sa mga pasiya mo sa iyong buhay?

Babalaan tayo ng Panginoon

Mula sa Mateo 2:11–16, maaaring may natukoy kang isang alituntunin tungkol sa pagtanggap ng mga babala mula sa Panginoon. Nagbigay si Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol ng isang pangako tungkol sa mga babala sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Final official portrait of Elder Boyd K. Packer, President of the Quorum of the Twelve Apostles, 2000. Passed away 3 July 2015.

Hindi inaasahang hindi kayo magkakamali sa buhay, ngunit hindi kayo makagagawa ng malaking kasalanan nang hindi muna nababalaan ng mga paramdam ng Espiritu. Ang pangakong ito ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan.

(Boyd K. Packer, “Payo sa Kabataan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 18)

Isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang sinasabi sa atin ng hangarin ng Ama sa Langit na balaan tayo sa pamamagitan ng Espiritu tungkol sa Kanyang likas na katangian?

  • Paano makatutulong sa iyo ngayon at sa hinaharap ang paghahanap at pagtugon sa mga pahiwatig at babala ng Espiritu?

Sina Jose, Maria, at Jesus ay bumalik mula sa Ehipto

Sa Mateo 2:19–23, nabasa natin na nang mamatay si Herodes, nagbigay ang Panginoon ng isa pang mensahe kay Jose habang siya, si Maria, at si Jesus ay nasa Ehipto. Mula sa pakikipag-ugnayang ito kay Jose, nalaman natin na kung handa tayong makinig at sumunod, makatatanggap tayo ng paghahayag at patnubay.

Basahin ang Mateo 2:19–23, at hanapin ang mga detalye na nagtuturo ng alituntuning ito.

Sa Mateo 2, nakipag-ugnayan ang Diyos sa mga Pantas na Lalaki at kay Jose sa pamamagitan ng mga panaginip at pagdalaw ng mga anghel. Ang Ama sa Langit ay nakikipag-ugnayan din sa Kanyang mga anak sa maraming paraan, kabilang ang pagbibigay ng inspirasyon at paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Habang pinag-aaralan mo ang ebanghelyo sa tahanan at sa seminary, bigyang-pansin ang natututuhan mo mula sa mga banal na kasulatan gayon din ang itinuturo sa iyo ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang iyong pag-aaral ng ebanghelyo ay mas mapapahusay at magiging mas personal kapag pinakikinggan mo ang itinuturo sa iyo ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

2.

  • Ano ang ilang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iyo ang Panginoon?

  • Ano ang mga naranasan mo kung saan binalaan o ginabayan ka ng Espiritu Santo? Paano nakaapekto ang mga karanasang ito sa iyong buhay?

  • Kung maririnig mo ang tinig ng Tagapagligtas na nangungusap sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo habang nag-aaral ka, paano ito makaaapekto sa iyong karanasan sa seminary?

  • Ano sa palagay mo ang magagawa mo para mas maging handa kang tanggapin ang patnubay at paghahayag ng Espiritu Santo na nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na ibigay sa iyo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang Matuto Pa?

Paano ako matutulungan ng Espiritu Santo?

Itinuro ni Pangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Henry B. Eyring taken March 2018.

Ang patnubay ng Espiritu Santo ay ginagawang mas kaakit-akit ang mabuti at hindi tayo madaling matukso. Dapat ay sapat na ang dahilang iyan para maging determinado tayong maging karapat-dapat na makasama ang Espiritu sa tuwina.

(Henry B. Eyring, “Ang Espiritu Santo Bilang Inyong Patnubay,” Ensign o Liahona, Nob. 2015, 104)

Itinuro ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait (as of June 2016) of Elder Ronald A. Rasband of the Quorum of the Twelve Apostles.

Alam ng ating Ama sa Langit na mahaharap tayo sa mga pagsubok, paghihirap, at kaguluhan sa mortalidad; alam Niyang mahihirapan tayong paglabanan ang mga pag-aalinlangan, kabiguan, tukso, at kahinaan. Upang mabigyan tayo ng lakas sa buhay at banal na patnubay, ibinigay Niya ang Banal na Espiritu, isa pang pangalan ng Espiritu Santo.

(Ronald A. Rasband, “Hayaang Patnubayan ng Espiritu Santo,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 93)

Paano ko malalaman kung nangungusap sa akin ang Panginoon?

4:17

Receiving Revelation

You can receive personal revelation from God by living His gospel and having the gift of the Holy Spirit.

Bakit ipinapatay ni Herodes ang mga inosenteng bata?

Si Haring Herodes, na “nabahala” sa balita na may isa pang “Hari ng mga Judio” na isinilang (Mateo 2:2–3), ay nagnais na ipapatay si Jesus upang maprotektahan ang kanyang sariling trono. Batid na si Jesus ay isinilang sa Bethlehem mga dalawang taon na ang nakalipas, iniutos ni Herodes ang pagpatay sa lahat ng bata na dalawang taong gulang pababa (tingnan sa Mateo 2:4, 7, 12–16). Si Herodes ay kilalang malupit laban sa mga pinaghihinilaang panganib, pinapatay niya maging ang kanyang asawa at tatlo sa kanyang mga anak na lalaki (tingnan sa Bible Dictionary, “Herod”).