Seminary
Doctrinal Mastery: Mateo 22:36–39


Doctrinal Mastery: Mateo 22:36–39

Ang Dalawang Dakilang Utos

Jesus is shown with a group of people speaking to a scribe about the two great commandments. Outtakes: include close ups of people in the crowd. (Scene filmed at ext. the temple court of the Women)

Sa Mateo 22:36–39, itinuro ng Tagapagligtas ang dalawang dakilang utos. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na magsanay na gamitin ang doktrinang itinuro sa scripture passage na ito at ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maunawaan kung paano parehong susundin ang utos na mahalin ang Diyos at mahalin ang iyong kapwa.

Isaulo at ipaliwanag

Magsanay na isaulo ang mahalagang pariralang “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa” para sa reperensyang Mateo 22:36–39.

Magdrowing ng puso at isulat ang mga numerong 1 at 2 sa ibaba nito. Sa tabi ng numerong 1, isulat ang, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos”; sa tabi ng numerong 2, isulat ang, “Ibigin mo ang iyong kapwa.” Ituro ang puso, at sabihin ang reperensya. Pagkatapos, ituro ang bawat numero. Habang ginagawa mo ito, sabihin ang bahagi ng mahalagang parirala na nauugnay sa numero. Ulitin ang proseso nang ilang beses.

Basahin ang Mateo 22:36–39, at alalahanin ang nakaraang pag-aaral mo ng mga talatang ito.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Itala sa iyong study journal ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Sa paanong mga paraan natin mamahalin ang Diyos nang buong puso? Paano natin mamahalin ang ating kapwa gaya sa pagmamahal natin sa ating sarili?

  • Sa palagay mo, bakit ganito ang pagkakasunod ng dalawang utos na ito?

Pagsasanay sa pagsasabuhay

Kung kinakailangan, rebyuhin ang mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Sa ilang sitwasyon, maaaring mahirapan tayong malaman kung paano susundin ang mga utos ng Diyos at magpakita ng pagmamahal sa mga taong hindi sumusunod sa mga utos ng Diyos.

Itinuro ni Elder Lynn G. Robbins ng Pitumpu:

Former Official Portrait of Elder Lynn G. Robbins. Photographed March 2017. Replaced October 2019 (with Telescope ID: 2298123)

Ang unahin ang ikalulugod ng iba bago ang ikalulugod ng Diyos ay pagbaligtad sa una at pangalawang dakilang utos (tingnan sa Mateo 22:37–39). Nalilimutan natin kung saan tayo dapat nakatuon. At nagagawa nating lahat ang pagkakamaling iyan dahil sa takot sa mga tao. …

Ang katatagan ng pagkatao ay nagmumula sa pag-alaala sa tamang pagkakasunod ng una at pangalawang dakilang utos. …. …

Ang Tagapagligtas, na ating dakilang Huwaran, ay palaging sinusunod ang Kanyang Ama. Siya ay nagmahal at naglingkod sa Kanyang kapwa ngunit sinabing, “Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatiang mula sa mga tao” (Juan 5:41).

(Lynn G. Robbins, “Saan Kayo Nakatuon?,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 9, 11)

Pag-isipang mabuti ang mga tanong na ito bago mo gawin ang sumusunod na aktibidad.

  • Natakot ka na bang iwasto o payuhan ang isang kaibigan dahil ayaw mong magdamdam siya?

  • Nadama mo na ba na kailangan mong pumili sa pagitan ng inaasahan sa iyo ng iba at ng inaasahan sa iyo ng Panginoon?

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Sumulat ng isang sitwasyon kung saan maaaring mahirapan ang isang tao na mahalin ang Diyos at sundin ang Kanyang mga utos at magpakita rin ng pagmamahal sa kapwa. (Paalala: Huwag gumawa ng isang sitwasyon na makikilala ng iba na tumutukoy sa isang partikular na indibiduwal o kaklase.)

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Isipin ang tao sa iyong sitwasyon habang sinasagot mo ang mga sumusunod na tanong.

  • Anong mga palagay ang maaaring makaimpluwensya sa isang tao na piliing bigyang-kasiyahan ang iba sa halip na bigyang-kasiyahan ang Diyos?

  • Paano makatutulong ang pag-unawa sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit o iba pang turo ng ebanghelyo para malutas ang mga maling palagay na ito?

  • Anong mga katotohanan tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ang maaaring makatulong sa taong iyon na makita ang iba mula sa Kanilang pananaw?

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

  • Paano makatutulong ang mga katotohanan sa Mateo 22:36–39 para magabayan ang taong ito?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag mula sa mga propeta sa mga huling araw upang makita kung anong mga kabatiran ang maaaring makatulong sa tao sa iyong sitwasyon.Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Kung minsan, kami bilang mga lider ng Simbahan ay pinupulaan dahil mahigpit naming sinusunod ang mga batas ng Diyos, ipinagtatanggol ang doktrina ng Tagapagligtas, at pinaglalabanan ang pamimilit ng lipunan sa ating panahon. …

. …Ngunit hindi ba’t mas kawalang-malasakit ang hindi namin sabihin ang katotohanan—ang hindi ituro ang inihayag ng Diyos?

(Russell M. Nelson, “The Love and Laws of God” [Brigham Young University devotional, Set. 17 2019], 3, speeches.byu.edu)

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Dapat nating pagsikapang sundin ang dalawang dakilang utos. Para magawa ito, kailangan nating mabalanse ang batas at pagmamahal—sumusunod sa mga kautusan at tumatahak sa landas ng tipan, habang minamahal ang ating kapwa. Kailangan sa pagtahak na ito sa tipan ang paghingi natin ng banal na inspirasyon para malaman kung ano ang susuportahan at ano ang sasalungatin at paano magmamahal at makikinig nang may paggalang at makapagturo habang ginagawa ito.

(Dallin H. Oaks, “Dalawang Dakilang Utos,” Ensign o Liahona, Nob. 2019, 75)

  • Paano makatutulong sa tao sa iyong sitwasyon na malaman ang mga katotohanang itinuro sa mga pahayag na ito?

Kumilos nang may pananampalataya

  • Ano ang magagawa ng tao sa iyong sitwasyon upang makatanggap ng tulong mula sa Ama sa Langit at malaman kung ano ang dapat niyang gawin?

  • Paano siya makakakilos sa paraang masusunod niya ang dalawang dakilang utos?

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 3. Gamit ang sitwasyong ginawa mo, sumulat ng isang tugon na sumasagot sa kung paano maipapakita ng taong iyon ang pagmamahal niya sa Diyos at sa kanyang kapwa.

Pagrerebyu ng doctrinal mastery