Seminary
Mateo 21:12–16


Mateo 21:12–16

Nilinis ni Jesus ang Templo

Jesus turning over a table of a money changer in the temple. Outtakes include images of Christ alone and with the crowd of merchants and buyers fleeing, people buying goods, and people looking.

Habang nasa Jerusalem Siya sa huling linggo ng Kanyang buhay, nilinis ni Jesus ang templo sa ikalawang pagkakataon at pinagaling Niya ang mga lumapit sa Kanya. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyong makadama ng mas matinding hangarin na ituring ang templo bilang sagradong lugar kung saan madarama mo ang pagmamahal ng Tagapagligtas at mapapalakas ang iyong pananampalataya sa Kanya.

Nilinis ni Jesus ang templo

Ano ang nadarama mo habang tinitingnan mo ang mga larawang ito ng iba’t ibang silid sa templo? Maaari mong isulat sa iyong study journal ang iyong mga impresyon.

Baptistry of the Asuncion Paraguay Temple
Interior of of the endowment room in the Asuncion Paraguay Temple
Frankfurt Germany Temple . An interior image of the temple featuring the Sealing Room.
Cordoba Argentina Temple celestial room

Nagpunta si Jesus sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskua at bumisita sa templo. Kailangan ng mga sumasamba na nagpupunta sa Jerusalem na ipagpalit ang kanilang pera para sa salaping magagamit sa templo upang makabili ng mga hayop para sa mga sakripisyong gagawin ng mga saserdote para sa kanila. Bagama’t kinakailangan at may magandang layunin ang negosyong ito, kawalan ng respeto at pagpipitagan ang paggawa nito sa templo. Tumugon si Jesus sa napansin Niya sa templo sa dalawang magkaibang okasyon: ang isa ay noong malapit nang magsimula ang Kanyang ministeryo (tingnan sa Juan 2:13–16) at ang isa naman ay sa huling linggo ng Kanyang buhay (tingnan sa Mateo 21:12–13).

Basahin ang isa o ang lahat ng sumusunod na scripture passage, at alamin kung paano tumugon ang Tagapagligtas sa nakita Niya sa templo.  .

1:54

Jesus Cleanses the Temple

Jesus clears worldly merchandise from the temple courts in order to keep the temple a holy place.

Juan 2:13–16Mateo 21:12–13

  • Ano ang natutuhan mo sa pagbabasa ng dalawang salaysay na ito tungkol sa nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa templo?

  • Sa iyong palagay, bakit ganoon ang naging pagtugon ng Tagapagligtas tungkol sa nangyayari sa templo?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo mula sa mga salita at ginawa ng Tagapagligtas sa templo?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang tungkol sa pagiging sagrado ng bahay ng Panginoon:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ang templo ay bahay ng Panginoon. Ang batayan sa lahat ng ordenansa at tipan sa templo―ang sentro ng plano ng kaligtasan―ay ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Bawat aktibidad, bawat turo, lahat ng ginagawa natin sa Simbahan, ay nakaturo sa Panginoon at sa Kanyang banal na bahay. …

… Iniutos ng ating Manunubos na pangalagaan ang Kanyang mga templo mula sa kalapastanganan. Walang hindi maringal na bagay ang makapapasok sa Kanyang pinabanal na bahay. Subalit ang sinumang naghahandang mabuti ay malugod na tinatanggap.

(Russell M. Nelson, “Personal Preparation for Temple Blessings,” Ensign, Mayo 2001, 32–33)

  • Paano nakatutulong sa atin ang pahayag ni Pangulong Nelson para mas maunawaan ang saloobin ng Tagapagligtas sa templo?

  • Sa palagay mo, bakit iniuutos ng Panginoon na pumasok tayo nang karapat-dapat sa Kanyang templo?

Isaalang-alang ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol, at pag-isipan kung ano ang ipagagawa sa iyo ng Panginoon. Maaari mong panoorin ang video na “Napakadakila at Mahahalagang Pangako,” na mapapanood sa SimbahanniJesucrsito.org, mula sa time code na 10:08 hanggang 11:17, o basahin ang sumusunod na pahayag.

2:3

Napakadakila at Mahahalagang Pangako

Itinuro ni Elder Bednar ang tungkol sa pagtutuon ng pansin sa mga pangako ng ebanghelyo at kung paano tayo matutulungan ng araw ng Sabbath, ng templo, at ng ating mga tahanan na maalaala ang mga pangakong ito.

Elder David A. Bednar, Quorum of the Twelve Apostles official portrait. 2020.

Ang mga templo ang pinakabanal sa lahat ng lugar na pinagsasambahan. Ang templo ay literal na bahay ng Panginoon, isang sagradong lugar na sadyang itinalaga para sa pagsamba sa Diyos at sa pagtanggap at pag-alaala sa Kanyang napakadakila at mahahalagang pangako.

… Ang pinakapangunahing pokus ng pagsamba sa templo ay pakikibahagi sa mga ordenansa at pag-alam, pagtanggap, at pag-alaala, sa mga tipan. Naiiba tayong mag-isip, kumilos, at manamit sa templo kaysa sa iba pang lugar na madalas nating puntahan.

Ang pangunahing layunin ng templo ay ituon ang ating pansin sa mga pagpapala ng walang hanggan at hindi sa mga bagay sa mundo.

(David A. Bednar, “Napakadakila at Mahahalagang Pangako,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 92)

  • Ano sa palagay mo ang nais ng Panginoon na malaman, madama, o gawin mo dahil sa natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa pagiging sagrado ng templo?

Pinagaling ni Jesus ang mga bulag at pilay

Basahin ang Mateo 21:14, at alamin ang ginawa ng Tagapagligtas sa templo pagkatapos Niyang linisin ito sa ikalawang pagkakataon.

Pansinin kung paano pisikal na pinagaling ng Tagapagligtas ang ilan sa Kanyang matatapat na tagasunod malapit sa templo.

  • Anong iba pang uri ng paggaling ang mararanasan natin sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa Kanya at sa paggawa natin ng gawain sa templo?

Ipinaliwanag ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang pagpapagaling na matatanggap natin habang nakikibahagi tayo sa gawain sa templo at family history. Panoorin ang sumusunod na video, na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 3:49 hanggang 4:09, o basahin ang sumusunod na sipi.

2:3

Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling

Itinuro ni Elder Renlund na kapag gumawa tayo ng gawain sa family history at sa templo para sa ating mga ninuno, magkakaloob ang Diyos ng mga pagpapala sa magkabilang panig ng tabing.

Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

Sa ating pakikilahok sa gawain sa family history at sa gawain sa templo ngayon, nagiging karapat-dapat din tayo sa mga pagpapalang “nagpapagaling” na ipinangako ng mga propeta at mga apostol. Kahanga-hanga rin ang mga pagpapalang ito dahil sa saklaw, katangian, at ibinunga ng mga ito sa mortalidad.

(Dale G. Renlund, “Family History at Gawain sa Temple: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 47)

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa atin ang pagsamba sa templo para gumaling mula sa ating mga espirituwal at emosyonal na sugat?

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Isulat sa iyong study journal ang tungkol sa natutuhan mo ngayon. Isama ang iyong mga sagot sa kahit dalawa lang sa mga sumusunod na tanong.

  • Ano ang mga naisip at nadarama mo pagkatapos mong matutuhan ang tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga templo?

  • Paano makaiimpluwensya ang natutuhan at nadama mo ngayon sa iyong pagsamba sa Tagapagligtas sa templo?

  • Anong pagpapagaling ang hinahangad mo mula sa Panginoon habang nakikibahagi ka sa gawain sa family history at sa templo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Mateo 21:13. Bakit sinabi ni Jesus na ginawa ng mga tao na “yungib ng mga magnanakaw” ang templo?

Ipinapahiwatig ng pariralang “yungib ng mga magnanakaw” na ang mga mamamalit ng salapi at negosyante ay mas interesadong kumita kaysa sumamba sa Diyos at tulungan ang iba na sumamba.

Galit ba si Jesus nang linisin Niya ang templo?

Itinuro ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008) ang tungkol sa paglilinis ng Tagapagligtas sa templo.

2:3

Slow to Anger

May the Lord bless you and inspire you to walk without anger.

Frontal half-length portrait of President Gordon B. Hinckley. President Hinckley’s hands are resting on the back of a chair. The image is the official Church portrait of President Hinckley as of 1995. This was President Hinckley’s last official portrait. President Hinckley died 27 January 2008.

Ang galit ay maaaring mabigyang-katwiran sa ilang sitwasyon. Sinasabi sa atin ng mga banal na kasulatan na itinaboy ni Jesus ang mga mamamalit ng salapi mula sa templo, at sinabing, “Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan; datapuwa’t ginagawa [ninyong] yungib ng mga [magnanakaw]” (Mateo 21:13). Ngunit maging ito ay sinambit bilang isang pangaral kaysa pagbulalas ng di-mapigil na galit.

(Gordon B. Hinckley, “Huwag Madaling Magalit,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 66)