Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 13

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Isang dalagitang nakaupo sa tabi ng mesa sa kanyang tahanan. Ang mga aklat at papel ay nakakalat sa harap niya. Hawak niya ang isang bolpen.

Makatutulong sa iyo na maalala kung saan mahahanap ang mga scripture passage at kung ano ang itinuturo ng mga ito kapag nagbabahagi ka ng mga katotohanan ng ebanghelyo sa iba. Dapat makatulong sa iyo ang pag-aaral mo ngayon na maisaulo ang mga scripture reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa ilan sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan.

Isaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan gamit ang mga larawan

Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na rebyuhin ang mga sumusunod na doctrinal mastery scripture passage at pagnilayan kung paano makatutulong sa iyo ang mga katotohanang itinuro sa mga ito sa maraming sitwasyon. Kung hindi mo pa namarkahan ang mga scripture passage na ito at ang mahahalagang parirala sa iyong mga banal na kasulatan, maaari mo itong gawin.

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Corinto 6:19–20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

Scripture Reference

1 Corinto 11:11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

Scripture Reference

1 Corinto 15:20–22

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

Scripture Reference

1 Corinto 15:40–42

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

Isalarawan ang mahalagang parirala

Ang mga larawan at iba pang visual cue ay makatutulong sa atin na maalala ang mahalagang impormasyon. Isipin kung paano makatutulong sa iyo ang paggamit ng mga visual para maalala ang mga scripture reference at mahahalagang parirala.

  • Ano ang kinakatawan ng mga sumusunod na simbolo?

Icon ng itim na templo.
Larawan ng isang stop sign.
Icon ng may kapansanan

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga doctrinal mastery passage na inilarawan gamit ang mga simbolo o larawan. Tingnan ang mga larawan, at tingnan kung may matutukoy kang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala nito.

Isang tao sa tabi ng equal sign at templo
Hanapin ang mga larawan na kumakatawan sa kaharian ng plano ng kaligtasan. Araw, Buwan, Mga Bituin

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Gawin ang sumusunod na aktibidad at isama ito sa iyong study journal:

Sa apat na magkakaibang note card o maliliit na papel, muling isulat ang bawat isa sa mga dati nang inilistang doctrinal mastery passage. Sa likod ng bawat card, gumawa ng paglalarawan upang matulungan ka na maalala ang mahahalagang parirala. Maaari kang magdrowing ng sarili mong larawan o gumamit ng mga visual tulad ng clip art, mga emoji, o mga larawan. Hindi mo kailangang maging mahusay na ilustrador sa aktibidad na ito. Ang iyong idodrowing ay dapat madaling tandaan ngunit hindi dapat kakitaan ng kawalang-pagpipitagan o kawalang-pagpapahalaga sa mga sagradong paksa.

Kapag tapos ka na, gamitin ang iyong mga idinrowing upang rebyuhin ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Kung maaari, ipaliwanag ang iyong mga idinrowing sa isang kaibigan o kapamilya. Sikaping alalahanin hangga’t maaari ang mahalagang parirala.

Pagsasabuhay ng mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Upang marebyu ang mga scripture passage na kakasanay mo lang na isaulo, sagutan ang sumusunod na quiz, tukuyin kung aling doctrinal mastery passage ang pinakamakatutulong sa bawat isa sa mga sumusunod na sitwasyon:

  1. Sinabi ng isang dalagita, “May nagsabi sa akin na dahil kay Jesucristo, mabubuhay na mag-uli ang lahat. Totoo ba iyon?”

  2. Nagtaka ang isang kaibigan kung bakit kailangan nating pangalagaan ang ating katawan kung mabubuhay naman tayong mag-uli.

  3. Sa tingin ng isang kaibigan, hindi mahalagang pagsikapan ang kasal.

  4. Pumanaw ang lolo ng isang binatilyo, at may mga tanong ang binatilyo tungkol sa kabilang-buhay.