Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 5
Isaulo ang mga Doctrinal Mastery Reference at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan
Ang pag-alala sa mga scripture passage at sa itinuturo ng mga ito ay magpapala sa iyo sa maraming paraan. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na maisaulo mo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng doktrina para sa mga doctrinal mastery passage.
Pag-asa kay Jesucristo
Ang pag-asa ay “ang tiwalang pag-asa ng at pananabik sa mga ipinangakong biyaya ng kabutihan,” kabilang ang “buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Pag-asa,” https://www.churchofjesuschrist.org/study/scriptures/gs?lang=tgl).
Sa iyong study journal, isulat kung bakit gusto o kailangan mong makadama ng higit pang pag-asa.
Itinuro ni Apostol Pablo, “Sa pamamagitan ng pagtitiyaga at sa pagpapasigla ng mga kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa” (Roma 15:4).
-
Aling mga turo o katotohanan tungkol kay Jesucristo na nagbibigay sa iyo ng pag-asa ang natutuhan mo mula sa mga doctrinal mastery passage? Paano ka nabibigyan ng pag-asa ng mga ito?
-
Paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery scripture reference at ng mahahalagang katotohanan ng mga ito upang makatanggap ka ng karagdagang pag-asa mula sa Tagapagligtas?
Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala na nasa chart sa ibaba. Habang ginagawa mo ito, tukuyin kung alin sa mga sumusunod na banal na kasulatan at mahahalagang parirala nito ang nagbibigay sa iyo ng pinakamalaking pag-asa at bakit.Maaari mong markahan ang mga scripture passage na ito kasama ng mahahalagang parirala ng mga ito kung hindi mo pa ito nagagawa.
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” | |
“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos.” | |
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.” | |
“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.” | |
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan, at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” | |
Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” | |
“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.” | |
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” | |
Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.” | |
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at … si [Jesucristo].” | |
“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” |
Paghaluin at pagtugmain
Kumuha ng isang pirasong papel at gupitin ito sa apat na magkakasinlaking piraso. Pumili ng kahit apat na scripture passage mula sa chart. Sumulat ng isang reperensyang banal na kasulatan at ang kaugnay nitong mahalagang parirala sa bawat piraso ng papel.
Pagkatapos, gupitin ang mahahalagang parirala mula sa mga reperensya ng mga ito, katulad ng sumusunod na halimbawa (gupitin sa tandang “/”).
Juan 7:17 / “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”
Pagkatapos itong gawin para sa kahit apat na reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala, isalansan ang mga piraso ng papel, at paghalu-haluin ang mga ito.
Ngayon, subukang itugma ang bawat reperensya sa tamang mahalagang parirala nito nang hindi gumagamit ng anumang tulong. Maaari mo itong gawin nang dalawa hanggang tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili upang makita kung paano ka mas magiging mabilis sa tuwing gagawin mo ito.
Ngayon, gawing mas mahirap ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng pagputol sa mga parirala tulad ng ginawa sa mga sumusunod na halimbawa (gupitin sa tandang “/”).
Mateo 22:36–39 / “Ibigin mo / ang Panginoon mong Diyos. … / Ibigin mo ang iyong kapwa.”
Mateo / 22: / 36 / –39 / “Ibigin / mo / ang / Panginoon / mong / Diyos. … / Ibigin / mo / ang / iyong / kapwa.”
Paghalu-haluin ang mga salita at numero, at pagkatapos ay subukang ayusin ang mga ito nang tama. Maaari mong piliing paghalu-haluin ang lahat ng salita at numero mula sa lahat ng reperensya nang sabay-sabay, o di kaya’y paisa-isang gawin ang bawat reperensya. Maaari mo itong gawin nang dalawa hanggang tatlong beses. Maaari mong orasan ang iyong sarili upang makita kung magiging mas mabilis ka sa tuwing gagawin mo ito.
1. Sagutin ang dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal.
-
Ano ang apat na doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ang isinaulo mo?
-
Alin sa mga scripture passage na ito ang pinakamakatutulong sa iyo ngayon sa iyong buhay?
-
Alin sa mga scripture passage na ito ang nagbibigay sa iyo ng pinakamalaking pag-asa kay Jesucristo? Bakit?