Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6
Unawain at Ipaliwanag
Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay matulungan kang maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas na nakapaloob sa mga doctrinal mastery passage at maipaliwanag ang mga ito sa sarili mong mga salita. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa at magpaliwanag ng mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan.
Pag-unawa sa mga banal na kasulatan
-
Ano ang ilang estratehiyang ginamit o magagamit mo upang mas maunawaan ang mga banal na kasulatan?
-
Sa iyong palagay, bakit mahalagang maglaan ng oras upang mas maunawaan ang mga turo ng Diyos na matatagpuan sa mga banal na kasulatan?
Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong gumamit ng simpleng estratehiya upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery passage mula sa Bagong Tipan. Magkakaroon ka rin ng mga pagkakataong magpaliwanag sa iba ng mga katotohanan mula sa isang doctrinal mastery passage na pipiliin mo.
Ang sumusunod ay listahan ng mga doctrinal mastery passage mula sa unang kalahati ng Bagong Tipan.
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala sa Banal na Kasulatan |
“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.” | |
“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.” | |
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.” | |
“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.” | |
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” | |
Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.” | |
“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.” | |
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.” | |
Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.” | |
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].” | |
“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” |
Palalimin ang iyong pag-unawa
Makatutulong sa iyo ang sumusunod na estratehiya na mapalalim ang iyong pag-unawa sa isang doctrinal mastery passage.
Ang magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan ay kadalasang may kasamang aktibidad sa pag-aaral ng banal na kasulatan na tinatawag na “Taludtod sa Taludtod,” kung saan ang ipinaliliwanag o tinutukoy ang ilang mahahalagang salita o parirala mula sa isang scripture passage. Upang makakita ng halimbawa ng aktibidad na “Taludtod sa Taludtod”, tingnan ang “Huwag Matakot,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2021, 32.
1. Gawin ang sumusunod na aktibidad:
Gumawa ng sarili mong pahinang “Taludtod sa Taludtod” para sa isa sa mga doctrinal mastery passage mula sa unang kalahati ng Bagong Tipan. Maaari kang gumamit ng art supplies upang matulungan kang mapaganda ang pahinang ito. Gamitin ang mga sumusunod na instruksyon upang matulungan ka sa paggawa ng iyong pahina:
-
Sa isang blankong papel, isulat ang mga salita ng scripture passage na napili mo.
-
Pumili ng kahit limang salita o parirala mula sa scripture passage na iyon na gusto mong pagtuunan.
-
Maghanap ng mga kahulugan, paliwanag, halimbawa, kaugnay na mga banal na kasulatan, o pahayag ng mga lider ng Simbahan na makatutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga salita o pariralang pinili mo. Ilista ang mga ito sa papel.
-
Magsama ng kahit isang talata sa isang bahagi ng iyong pahina na nagpapaliwanag kung ano ang ipinauunawa sa iyo ng scripture passage na ito tungkol kay Jesucristo, sa Kanyang Simbahan, o sa Kanyang misyon na iligtas tayo.
Kung may oras pa, ulitin ang aktibidad na ito sa isa pang doctrinal mastery passage mula sa listahan.
Ibahagi ang iyong ginawa
Maghanap ng isang kaklaseng pagbabahagian mo ng iyong ginawa. Habang nagbabahagi ka, ipaliwanag ang ilan sa natutuhan mo tungkol sa scripture passage na ito habang ginagawa mo ang aktibidad.