Mga Hebreo 7–10
“Tinitiyak ang Walang Hanggang Katubusan” para sa Atin
Naranasan mo na ba ang isang pagkakataon na kinailangan mong matiyak ang pananampalataya mo kay Jesucristo? Kailan mo nadama na kailangan mo ng karagdagang tulong para manatili sa landas ng tipan? Ang mga Banal na Hebreo ay naghahangad ng katiyakan tungkol sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang kapangyarihang magligtas. Sumulat si Pablo sa kanila para ibigay ang katiyakang ito. Ipinaalala niya sa kanila na ang batas ni Moises mismo ay nagtuturo kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala bilang tunay na pinagmumulan ng kaligtasan. Layunin ng lesson na ito na mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na maunawaan ang mga sinaunang simbolo sa batas ni Moises.
“Lahat ng bagay ay nagpapatotoo [kay Jesucristo]” (Moises 6:63)
Maghanap ng isang bagay sa malapit na nagpapaalala sa iyo tungkol kay Jesucristo o magagamit mo upang magpatotoo tungkol sa Kanya. Isipin kung ano ang mayroon sa bagay na nagpapaalala sa iyo (o kumakatawan) kay Jesucristo.
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag gamit ang bagay na ito:
“Ang ay nagpapaalala sa akin ng tungkol kay Jesucristo dahil .”
-
Paano makatutulong sa iyo ang mga simbolo at paghahambing na tulad nito upang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol kay Jesucristo at sa mga ginawa Niya para sa iyo?
Nakatala sa mga banal na kasulatan na ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo (halimbawa, tingnan sa 2 Nephi 11:4; Moises 6:63).
-
Paano makatutulong sa iyo ang pag-alala nito?
Layunin ng mga gawain at mga ordenansa ng batas ni Moises na maging “halimbawa” o “pagkakahawig” na nagturo sa mga Israelita kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo (tingnan sa 2 Nephi 11:4; Jacob 4:4–5; Mosias 3:15). Sa kanyang Sulat sa mga Hebreo, tinalakay ni Pablo ang simbolismo ng batas ni Moises at ang sinaunang tabernakulo upang ipaalala sa mga Banal ang kanilang pangangailangan kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Gusto niyang tulungan ang mga Banal na Judio na manatiling tapat kay Jesucristo sa halip na bumalik sa pagsunod sa batas ni Moises—at ang kanyang mga turo ay makatutulong din sa atin habang nagsisikap tayong manatiling tapat sa Tagapagligtas ngayon. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong mas maunawaan kung paano tayo itinuturo kay Jesucristo ng simbolismo sa mga banal na kasulatan at kung paano nito pinatototohanan si Jesucristo.
Mga priest alinsunod sa orden ni Melchizedek
Sa Sulat ni Pablo sa mga Hebreo, ang pinakapunong saserdote at iba pang saserdote ng mga sinaunang Israelita ay sumisimbolo kay Jesucristo.
Ang isang tungkulin ng mga saserdote o priest ay magsilbing mga tagapamagitan, na simbolikong nakatayo sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Ginagampanan nila ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na hayop araw-araw para sa mga kasalanan at paglabag ng mga Israelita (tingnan sa Levitico 1; Mga Hebreo 10:11). Ginagawa ito sa tabernakulo.
Basahin ang Mga Hebreo 7:22–28, na binibigyang-pansin ang Pagsasalin ni Joseph Smith para sa Mga Hebreo 7:25–26 (matatagpuan sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia). Alamin kung paano nakatutulong sa atin ang mga ginawa ng mga high priest na ito para maunawaan na inialay ni Jesucristo ang Kanyang sariling buhay bilang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Pag-isipan ang mga sumusunod na kahulugan habang pinag-aaralan mo ang:
-
Ang salitang “tagapanagot” sa Mga Hebreo 7:22 ay tumutukoy sa isang taong gumagarantiya sa perang inutang ng ibang tao.
-
Ang “higit na mabuting tipan” ay tumutukoy sa napakadakilang tipan ng ebanghelyo na itinatag ni Cristo.
-
Ang “niya” sa Mga Hebreo 7:24 ay tumutukoy kay Jesucristo.
-
Ang ibig sabihin ng “lubos” sa Mga Hebreo 7:25 ay “ganap” at “walang hanggan.”
Simbolismo ng sinaunang tabernakulo
Isang beses sa isang taon, sa Araw ng Pagtubos (tingnan sa Levitico 16), espesyal na naghahandog ang pinakapunong saserdote ng mga hayop bago pumasok sa bahagi ng tabernakulo na kilala bilang pinakabanal na dako (o Kabanal-banalang Dako). Ang bahaging ito ng tabernakulo ay sumisimbolo sa kahariang selestiyal, o kinaroroonan ng Diyos. Ang mga sakripisyong ito at ang mga ginagawa ng pinakapunong saserdote ay naglalayong sumagisag kung paano magsasakripisyo si Jesus, ang Dakilang Pinakapunong Saserdote, na maghahanda ng paraan upang makapasok ang mga tao sa kinaroroonan ng Diyos (tingnan sa Mga Hebreo 9:1–15).
Kung maaari, panoorin ang “The Tabernacle” (7:18) upang mas maunawaan ang simbolismong ito. Matatagpuan ang video na ito sa ChurchofJesusChrist.org.
Hanapin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong habang binabasa mo ang Mga Hebreo 9:11–15, 24, 28 o Mga Hebreo 10:4, 10–17.
-
Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala?
-
Batay sa mga talatang ito, anong mga pagpapala ang maaaring dumating sa atin dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo?
Isipin kung paano nakatulong sa iyo ang pag-aaral ng mga paghahambing at simbolismo sa lesson na ito na mas maunawaan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.
-
Ano ang ilang simbolo sa ating panahon na nagtuturo sa atin kay Jesucristo?
Isipin kung paano makaiimpluwensya nang mas madalas ang paghahanap ng simbolismo tungkol kay Jesucristo sa iyong ugnayan sa Kanya. Humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang matukoy kung paano mo ito magagawa nang mas madalas sa iyong personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Kumilos ayon sa mga pahiwatig na matatanggap mo.
Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Ano ang Araw ng Pagtubos?
Minsan sa isang taon sa banal na araw ng mga Judio na tinatawag na Araw ng Pagtubos (tinatawag ding Yom Kippur), pinahihintulutan ang pinakapunong saserdote na pumasok sa pinakabanal na dako (tinatawag ding Kabanal-banalang Dako) sa tabernakulo o, kalaunan, sa templo ng Jerusalem. Sa altar ng sakripisyo, na matatagpuan lamang sa labas ng banal na dako, iniaalay ng pinakapunong saserdote ang isang toro at isang lalaking kambing. Iwiniwisik niya ang dugo ng mga hayop sa mga itinalagang lugar sa pinakabanal na dako upang isagisag ang Pagbabayad-sala ni Cristo para sa mga kasalanan ng saserdote at ng mga tao. Pagkatapos ay simbolikong ililipat ng pinakapunong saserdote ang mga kasalanan ng mga tao sa isa pang lalaking kambing (na tinatawag na scapegoat), na itataboy sa ilang, bilang tanda na naalis na ang mga kasalanan ng mga tao. Siya rin ay mag-aalay ng dalawang lalaking tupa bilang handog na susunugin para sa kanya at sa mga tao. (Tingnan sa Bible Dictionary, “Fasts”; tingnan din sa Levitico 16:22.)
Mga Hebreo 8:6; 9:15. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na si Jesus ay “tagapamagitan”?
Panoorin ang video na “Ang Tagapamagitan” (10:47) upang mas maunawaan ang mahalagang titulong ito ng Tagapagligtas.