Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22

Isaulo ang mga Reperensya at Mahahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Pamilya sa New Zealand na nakaupo sa sala na magkakasamang nagbabasa ng mga banal na kasulatan.

Naisip mo na ba kung bakit mahalagang isaulo ang mga banal na kasulatan? Ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa iyo na makatanggap ng inspirasyon, maalala ang Tagapagligtas, at maituro ang ebanghelyo sa iba. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maisaulo ang ilan sa mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan.

Bakit kailangang isaulo ang mga banal na kasulatan?

Ipagpalagay mo na nakikibahagi ka sa isang survey para sa magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan. Ano ang isasagot mo kung itatanong sa iyo ang sumusunod?

  • Ano ang nangungunang limang dahilan para sa pagsasaulo ng mga banal na kasulatan?

Maraming magandang dahilan upang isaulo ang mga banal na kasulatan. Ang mga isinaulong banal na kasulatan ay maaaring tulad ng mga kaibigan na makapagbibigay sa atin ng inspirasyon, kapanatagan, at motibasyon sa oras ng pangangailangan (tingnan sa Richard G. Scott, “Ang Bisa ng Banal na kasulatanLiahona, Nob. 2011, 6). Ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa atin na “isaalang-alang [ang Tagapagligtas] sa bawat pag-iisip” (Doktrina at mga Tipan 6:36). Ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa atin na “matamo ang salita [ng Diyos]” upang maturuan natin ang iba (Doktrina at mga Tipan 11:21).

  • Paano makakaapekto ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan sa iyong ugnayan kay Jesucristo?

Pagsasaulo ng mga scripture passage

Maglaan ng ilang minuto na isaulo o alalahanin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng mga sumusunod na doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan. Kapag nakatitiyak ka na alam mo na ang mga reperensya at mahahalagang pariralang ito, pumili ng isa o mahigit pa sa mga sumusunod na aktibidad upang i-test ang iyong memorya.

Doctrinal Mastery ng Bagong Tipan: 1 Corinto–Apocalipsis

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

1 Corinto 11:11

Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

1 Corinto 15:20–22

“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

1 Corinto 15:40–42

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

Efeso 1:10

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

Efeso 2:19–20

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating malibang maunang maganap ang pagtalikod.”

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”

Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

Santiago 1:5–6

“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

Santiago 2:17–18

“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

1 Pedro 4:6

“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

Apocalipsis 20:12

“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

Gawin ang kahit isa sa mga sumusunod na aktibidad.

Opsiyon 1: Magdrowing ng isang larawan

Hilingin sa isang kaibigan o kapamilya na tulungan kang gawin ang sumusunod na aktibidad. Papiliin ang kapamilya o kaibigan ng isang doctrinal mastery passage mula sa listahan ngunit huwag sabihin sa iyo ang pinili niya. Pagkatapos, sabihin sa kanila na gumuhit ng mga clue sa scripture passage nang hindi gumagamit ng mga titik o numero hanggang sa masabi mo ang tamang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala. Maaari mong ulitin ang prosesong ito para sa ilang scripture passage.

  • Sa iyong palagay, paano maaaring maging katulad ng isang kaibigan na makapagbibigay sa iyo ng inspirasyon, kapanatagan, at motibasyon sa mga oras ng pangangailangan ang naisaulong banal na kasulatan?

Opsiyon 2: Isulat ito

Pumili ng isang reperensyang banal na kasulatan mula sa listahan at isulat ang katugmang mahalagang parirala nito. Magsanay na isulat ang parirala ring iyon nang apat o limang beses. Subukang isulat ang mahahalagang parirala para sa ilang scripture passage. Iba-ibahin ang istilo sa pagsulat, maaaring dugtung-dugtong o malalaking titik. Maaari mo ring orasan ang iyong sarili at tingnan kung gaano mo mapapaiksi ang iyong oras.

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan na “isaalang-alang [ang Tagapagligtas] sa bawat pag-iisip”? (Doktrina at mga Tipan 6:36).

Opsiyon 3: Tukuyin ang reperensyang banal na kasulatan

Hilingin sa isang kaibigan o kapamilya na tulungan kang rebyuhin ang mga doctrinal mastery passage. Sabihin sa taong ito kung ilang salita ang babasahin sa iyo mula sa isang mahalagang parirala ng banal na kasulatan, at ipabasa sa kanya nang malakas ang bilang ng mga salita na iyon. Subukang tukuyin ang tamang reperensyang banal na kasulatan. Ulitin ang aktibidad na ito nang maraming beses hangga’t gusto mo at subukang humiling ng ibang dami ng mga salita.

  • Sa iyong palagay, paano makatutulong sa iyo ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan na maging handang ibahagi ang ebanghelyo sa iba?

Pagnilayan ang iyong karanasan

Pagsusulat sa isang papel gamit ang bolpen o lapis. 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

  • Anong mga aktibidad ang ginamit mo upang matulungan kang maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at ang mahahalagang parirala nito?

  • Kumusta ang pagsasaulo mo ng mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery passage ng Bagong Tipan? Ano ang plano mo upang maisaulo ang mga hindi mo pa naisasaulo?

  • Sa iyong palagay, paano mapagpapala ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan ang iyong buhay?