Seminary
Lucas 7:36–50


Lucas 7:36–50

“Sapagkat Siya ay Nagmahal nang Malaki”

illustration of woman wiping Jesus’ feet

Naghapunan si Jesus sa tahanan ng isang Fariseo na nagngangalang Simon. Isang babae na itinuring ni Simon na “isang … makasalanan” ang pumasok at “pinasimulan niyang basain ang mga paa [ng Tagapagligtas] ng kanyang mga luha,” pinunasan ang mga ito ng kanyang buhok, at “hinagkan ang mga paa niya, at binuhusan ang mga ito ng pabango” (Lucas 7:37–39). Bilang tugon sa mga iniisip ni Simon, nagbahagi ang Tagapagligtas ng isang talinghaga tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang manampalataya kay Jesucristo at magsisi sa iyong mga kasalanan.

Shows two stick figures, one going toward Christ, the other going away from Christ
Official Portrait of Elder Larry R. Lawrence. Photographed March 2017.

Heavenly Father knows our divine potential. He rejoices every time we take a step forward. To Him, our direction is ever more important than our speed.

(Larry R. Lawrence, “What Lack I Yet?,” Ensign or Liahona, Nov. 2015, 35)

  • Ano ang napapansin mo tungkol sa mga tao sa diagram na ito?

  • Ano kaya ang ipinahihiwatig ng kanilang distansya mula sa Tagapagligtas at ng direksyon kung saan sila nakaharap tungkol sa kaugnayan nila sa Kanya?

Isipin sandali kung saan mo ilalagay ang iyong sarili sa diagram na ito at kung sa aling direksyon ka haharap.Ipinaliwanag ni Elder Larry R. Lawrence, na noon ay miyembro ng Pitumpu:

  • Sa iyong palagay, bakit mas mahalaga ang espirituwal na direksyong pinupuntahan natin kaysa sa bilis natin?

Ang Panginoon ay nakadarama ng higit na kagalakan kapag nagsisikap tayong magsisi (tingnan sa Lucas 15:7; Doktrina at mga Tipan 18:13). Isang paraan ng paglalarawan sa pagsisisi ang pagtalikod sa kasalanan at pagbaling sa Diyos (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Magsisi, Pagsisisi,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Habang nag-aaral ka, bigyang-pansin ang mga pahiwatig ng Espiritu na makatutulong sa iyo na tumalikod sa kasalanan at lumapit sa Tagapagligtas.

13:39

//media.ldscdn.org/webvtt/general-conference/april-2016-general-conference/2016-04-1070-dale-g-renlund-eng.vtt

Ang Lucas 7 ay naglalaman ng salaysay tungkol sa pagkain ni Jesus sa tahanan ng isang Fariseo na nagngangalang Simon. Habang kasama ni Jesus si Simon, nilapitan Siya ng isang babae na kilalang makasalanan (tingnan sa Lucas 7:37, 39).

Basahin ang Lucas 7:36–39, at alamin ang nangyari nang lumapit ang babae kay Jesus sa piging na ito.

  • Ano ang napansin mo tungkol kay Simon? tungkol sa babae?

Nahiwatigan ni Jesus ang mga iniisip ni Simon at nagbahagi Siya ng isang talinghaga. Basahin ang Lucas 7:40–43, at alamin ang itinuro ng Tagapagligtas kay Simon sa pamamagitan ng talinghagang ito. Maaaring makatulong na malaman na ang isang denario ay ang halaga ng perang karaniwang kikitain ng isang manggagawa sa isang araw (tingnan sa talata 41).

  • Ano ang maaaring naitulong ng talinghagang ito upang maunawaan ni Simon ang kanyang sariling pangangailangan para sa kapatawaran?

Noong panahon ng Tagapagligtas, kaugalian na ang parangalan ng punong abala ng piging ang kanyang mga panauhing-pandangal sa pamamagitan ng pag-aasikaso sa kanila gaya ng paghalik sa kanya bilang tanda ng pagbati, pagbibigay ng tubig upang ipanghugas ng kanilang mga paa, at pagpapahid ng langis sa kanilang ulo (tingnan sa James E. Talmage, Jesus the Christ [1916], 261). Tulad ng nakatala sa Lucas 7:44–46, ipinaliwanag ng Tagapagligtas na hindi ibinigay ni Simon ang mga pag-aasikasong ito kay Jesus, samantalang ginawa ng babae ang lahat upang ipakita ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa Kanya.

  • Ano sa iyong palagay ang naunawaan ng babaeng ito tungkol kay Jesus na maaaring hindi naunawaan ni Simon?

  • Anong katibayan ang nakita mo na nagsisi na ang babae, o tumalikod na siya sa kanyang mga kasalanan at bumaling sa Tagapagligtas?

Basahin ang Lucas 7:47–50, at alamin kung bakit pinatawad ng Panginoon ang babaeng ito sa kanyang mga kasalanan.

  • Ano ang naisip o nadama mo tungkol sa Tagapagligtas habang pinag-aaralan mo ang salaysay na ito?

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo sa salaysay na ito?

Ibinahagi ni Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga turo na may kaugnayan sa salaysay na nakatala sa Lucas 7. Panoorin ang video na “Upang Mahikayat Ko ang Lahat ng Tao na Lumapit sa Akin” (13:39) mula sa time code na 4:22 hanggang 5:03, o basahin ang sumusunod na teksto.

Official portrait of Elder Dale G. Renlund of the Quorum of the Twelve Apostles, January 2016.

The closer we are to Jesus Christ in the thoughts and intents of our hearts, the more we appreciate His innocent suffering, the more grateful we are for grace and forgiveness, and the more we want to repent and become like Him. Our absolute distance from Heavenly Father and Jesus Christ is important, but the direction we are heading is even more crucial. God is more pleased with repentant sinners who are trying to draw closer to Him than with self-righteous, faultfinding individuals who, like the Pharisees and scribes of old, do not realize how badly they need to repent.

(Dale G. Renlund, “That I Might Draw All Men unto Me,” Ensign or Liahona, May 2016, 40)

  • Anong mga salita o parirala sa pahayag na ito ang nagpalawak ng iyong pagkaunawa sa napag-aralan mo sa Lucas 7?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo upang madama ang higit na pagmamahal at pagpapahalaga sa Tagapagligtas at sa awang ibinibigay Niya?

  • What have you learned about the Savior today that can help you in your efforts to repent?

1. Answer the following question in at least three sentences:

Tandaan na ang pagsisisi ay hindi isang pangyayari o para lang sa mabibigat na kasalanan. Ang pagsisisi ay isang proseso, at nagsisisi tayo anumang oras na nagsisikap tayong mas mapalapit sa Panginoon at tumalikod sa kasamaan.

Muling tingnan ang larawan ng Tagapagligtas at ang diagram na may mga stick figure, at pag-isipan ang iyong kaugnayan kay Jesucristo at kung saang direksyon ka patungo. Gumawa ng plano na palalimin ang iyong pagmamahal sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagsisisi araw-araw. Gawin ang sumusunod na pagsasanay sa isang hiwalay na papel upang mapanatili mo itong pribado. Maaari kang magkaroon ng pagkakataong mabalikan ang karanasang ito sa susunod na lesson.

Ang lesson na “I-assess ang Iyong Pagkatuto” na kasunod ng mga lesson para sa Mateo 8–13; Marcos 2–5; at Lucas 7, 9, 11 ay tumutukoy sa planong ito at inaanyayahan ang mga estudyante na pag-isipan ang kanilang progreso.

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong ihinto para mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka hihinto?

  • Ano ang isang bagay na kailangan mong simulang gawin upang mas mapalapit sa Tagapagligtas? Paano ka magsisimula?

Sagutin ang sumusunod na tanong para sa isusumite mong assignment:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Tagapagligtas sa araw na ito na makatutulong sa iyong mga pagsisikap na magsisi?

Piliin ang button na Simulan ang Assignment o ang tab na Pagsusumite upang mailagay ang iyong sagot.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Nothing is more liberating, more ennobling, or more crucial to our individual progression than is a regular, daily focus on repentance. Repentance is not an event; it is a process. It is the key to happiness and peace of mind. When coupled with faith, repentance opens our access to the power of the Atonement of Jesus Christ.

(Russell M. Nelson, “We Can Do Better and Be BetterEnsign or Liahona, May 2019, 67).