Mateo 8; Lucas 7:11–17
Ang Mahimalang Kapangyarihan ni Jesucristo
Isa sa mga paraan kung paano ipinakita ni Jesus ang Kanyang kapangyarihan ay sa pamamagitan ng mga mahimalang pagpapagaling, kabilang dito ang pagbuhay sa anak ng isang balo. Ang lesson na ito ay naglalayong palakasin ang iyong pananampalataya sa kapangyarihan ni Jesucristo na makagawa ng mga himala sa ating panahon at sa iyong buhay.
Ang himala ay “isang di pangkaraniwang pangyayari na sanhi ng kapangyarihan ng Diyos. … Ang pananampalataya ay kinakailangan upang makita ang mga himala” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Himala”,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org).
-
Ano ang ilan sa mga paborito mong himala na nakatala sa mga banal na kasulatan? Bakit?
-
Ano ang natututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga himalang ito?
Noong nabubuhay pa sa mundo ang Tagapagligtas, nagsagawa Siya ng maraming himala. Habang pinag-aaralan mo ang ilan sa mga ito sa lesson na ito at sa buong linggo, pagnilayan kung paano mo sasagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang nauunawaan mo tungkol sa mga himala?
-
Ano ang mga tanong mo tungkol sa mga ito?
-
Anong (mga) himala ang inaasahan mong isasagawa ng Diyos sa iyong buhay?
Maaari mong itala ang iyong mga sagot sa study journal mo. Maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong sa linggong ito habang pinag-aaralan mo ang mga himalang isinagawa ni Jesucristo.
Ang isang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan na makatutulong sa iyo na mas makilala pa si Jesucristo ay ang pagtutuon ng pansin hindi lang sa Kanyang mga ginagawa kundi maging sa kahulugan nito at mapanalanging pagnilayan kung ano ang inihahayag ng Kanyang mga ginagawa tungkol sa Kanyang katangian. Habang nagbabasa ka, maaari mong itanong sa iyong sarili ang tulad ng “Ano ang natututuhan ko tungkol sa mga layunin, prayoridad, at katangian ng Tagapagligtas mula sa ginagawa at sinasabi Niya?”
Basahin ang Lucas 7:11–17, at alamin ang mga detalye sa kuwento na nagtuturo sa iyo tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, bigyang-pansin ang ipinapaunawa sa iyo ng talata 13 tungkol sa kung bakit Niya isinagawa ang himalang ito.
1. Answer the following questions in your study journal:
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga layunin, prayoridad, at katangian ng Tagapagligtas mula sa ginawa o sinabi Niya habang isinasagawa Niya ang himalang ito?
-
Paano ka matutulungan ng natutuhan mo ngayon sa buhay mo?
Pumili ng isa o higit pa sa mga sumusunod na himala na pag-aaralan. Patuloy na pagtuunan ng pansin ang natututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa mga salaysay na ito.
Mateo 8:1–4; Marcos 1:40–42Pinagaling ni Jesus ang isang ketongin.nullItinatakwil sa lipunan ang isang ketongin dahil ang ketong ay isang masakit, nakahahawa, at kung minsan ay nakamamatay na sakit. Karamihan sa mga tao ay umiiwas na lapitan o hawakan siya.
Mateo 8:5–8, 13Pinagaling ni Jesus ang alipin ng senturion.nullAng senturion ay isang namumunong opisyal ng humigit-kumulang 100 kawal sa hukbong Romano. Maraming Judio noong panahon ni Jesus ang napopoot sa mga kawal na Romano dahil sa mga pagkakaiba nila sa relihiyon at dahil kinakatawan nila ang bansang sumakop sa kanila.
2. Choose one of the three preceding accounts. Answer the following questions in your study journal based on that account.
Marcos 5:1–13, 18–20Pinalayas ni Jesus ang mga diyablo sa lalaking naninirahan sa mga libingan.nullIsang lalaki na naninirahan sa mga libingan ang sumisigaw at sinasaktan ang kanyang sarili. Nang hindi siya maigapos ng mga tao gamit ang mga kadena, iniwasan nila siya, at iniwan siyang nag-iisa sa mga libingan.
Pumili ng isa sa tatlong naunang salaysay. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong study journal batay sa salaysay na iyon.
Many miracles happen every day in the work of our Church and in the lives of our members. Many of you have witnessed miracles, perhaps more than you realize.
(Dallin H. Oaks, “Miracles,” Ensign, June 2001, 6)
-
Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga layunin, prayoridad, at katangian ng Tagapagligtas mula sa ginawa o sinabi Niya habang isinasagawa Niya ang himalang ito?
-
Paano ka matutulungan ng natutuhan mo ngayon sa buhay mo?
-
Ano ang magagawa mo kapag nararamdaman mong kailangan mo ang tulong ng Tagapagligtas?
Napapaisip ka ba kung nagsasagawa pa rin ng mga himala ang Tagapagligtas ngayon? Bagama’t maraming tao ang hindi nakaranas ng ilan sa mga kamangha-manghang himala na nakatala sa mga banal na kasulatan, tulad ng paghati sa Dagat na Pula o pagbuhay sa mga patay, mahalagang tandaan na nangyayari pa rin ang mga himala ngayon. Ipinahayag ng Tagapagligtas, “Ako ay Diyos ng mga himala; at ipakikita ko sa mundo na ako ay Siya ring kahapon, ngayon, at magpakailanman” (2 Nephi 27:23).
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:
3. Answer at least two of the following questions in your study journal:
-
Ano ang mga saloobin o tanong mo tungkol sa pahayag na ito ni Pangulong Oaks?
Magsumite ng mga sagot sa kahit dalawa lang sa mga sumusunod na tanong.
-
Ano ang ilang himalang isinagawa ng Tagapagligtas bilang bahagi ng Pagpapanumbalik at sa pamamagitan ng gawain ng Kanyang Simbahan?
-
Anong mga himala ang nakita mo na o ng mga taong mahal mo sa inyong mga buhay?
-
Ano ang ipinapakita ng mga personal na himalang ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pag-isipan kung gaano nadagdagan ang kanilang pagkaunawa tungkol sa mga himala sa lesson na ito. Sabihin din sa mga estudyante na bigyang-pansin ang mahimalang impluwensya ng Panginoon sa kanilang buhay. Hikayatin silang humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo upang matulungan silang makahanap ng mga sagot sa mga tanong na mayroon pa rin sila tungkol sa mga himala.
I was asked if I would visit a woman in the hospital whose doctors had told her she was going blind and would lose her sight within a week. She asked if we would administer to her and we did so, and she states that she was miraculously healed. … I said to her, “I didn’t save your sight. Of course, the Lord saved your sight. Thank Him and be grateful to Him.”
(Teachings of Gordon B. Hinckley [1997], 343)
Miracles are not available for the asking. … The will of the Lord is always paramount. The priesthood of the Lord cannot be used to work a miracle contrary to the will of the Lord. We must also remember that even when a miracle is to occur, it will not occur on our desired schedule. The revelations teach that miraculous experiences occur “in his own time, and in his own way” (D&C 88:68).
(Dallin H. Oaks, “Miracles,” Ensign, June 2001, 9)
We came to this earth that we might have a body and present it pure before God in the celestial kingdom. The great principle of happiness consists in having a body. The devil has no body, and herein is his punishment. He is pleased when he can obtain the tabernacle of man, and when cast out by the Savior he asked to go into the herd of swine, showing that he would prefer a swine’s body to having none. All beings who have bodies have power over those who have not.
Our Savior and Redeemer, Jesus Christ, will perform some of His mightiest works between now and when He comes again. We will see miraculous indications that God the Father and His Son, Jesus Christ, preside over this Church in majesty and glory.
(Russell M. Nelson, “Revelation for the Church, Revelation for Our Lives,” Ensign or Liahona, May 2018, 96)