Seminary
I-assess ang Iyong Pagkatuto 2


I-assess ang Iyong Pagkatuto 2

Mateo 3–7; Lucas 3–6; Marcos 1; Juan 2–4

Jesus is in the background with the group sitting in the foreground.

Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang suriin ang mga mithiing itinakda mo, ang natututuhan mo, at ang personal na pag-unlad na naranasan mo sa pag-aaral mo ng Bagong Tipan sa taong ito.

Ang natututuhan mo mula sa Bagong Tipan sa seminary ay naglalayong tulungan kang mas lubos na lumapit kay Jesucristo at maging Kanyang disipulo, o Kanyang alagad. Gawin ang isa sa sumusunod na tatlong aktibidad, at alamin ang mga pagpapalang dumarating kapag sinusunod natin ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa Kanyang mga turo. Pagkatapos ay sagutin ang dalawang tanong na kasunod nito.

  1. Awitin o pakinggan ang awitin sa Primary na “Ang Matalino at ang Hangal” (Aklat ng mga Awit Pambata, 132), at basahin ang Mateo 7:24–27.

  2. Sa isang piraso ng papel o sa iyong study journal, gumuhit ng simpleng representasyon ng mga turo ng Tagapagligtas sa Mateo 7:24–27.

  3. Gamit ang mga blocks o baso, magtayo ng isang simpleng bahay o istruktura sa matibay na pundasyon, tulad ng sahig o desk o mesa. Pagkatapos ay magtayo ng isa pang simpleng istruktura sa hindi gaanong matibay na pundasyon, tulad ng kama, nakatuping kumot, o unan. Gamitin ang iyong mga kamay upang diinan ang surface sa tabi ng bawat istruktura, at obserbahan kung ano ang mangyayari. Basahin ang Mateo 7:24–27, at alamin ang mga pagkakatulad ng aktibidad na ito at ng talinghaga ng Tagapagligtas.

  • Ano ang natutuhan mo sa aktibidad na ito?

  • Anong mga pagpapala ang matatanggap natin kung kikilos tayo ayon sa mga turo ng Tagapagligtas?

Isipin ang pag-unlad na naranasan mo habang pinag-aaralan at pinagsisikapan mong ipamuhay ang mga turo ng Tagapagligtas mula sa Bagong Tipan sa taong ito. Sagutin ang isa o mahigit pa sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ilang turo ni Jesucristo na napag-aralan mo na talagang naging makabuluhan para sa iyo?

  • Sa paanong mga paraan ka mas napalapit sa Tagapagligtas nang pag-aralan mo ang Kanyang mga salita?

  • Ano ang ilang turo na napag-aralan mo sa taon na ito na naipamuhay mo? Anong mga pagpapala ang naranasan mo bilang resulta?

Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na masuri ang ilang paraan kung paano mo itinatayo ang iyong buhay sa bato ni Jesucristo upang mapaglabanan mo ang mga hamon na maaaring dumating.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na gawin ang sumusunod na aktibidad bilang dula-dulaan nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Ang sumusunod na aktibidad ay makatutulong sa iyo na masuri kung gaano mo nauunawaan at maipapaliwanag ang doktrina ng Tagapagligtas tungkol sa pagsisisi, binyag, at kumpirmasyon. Pag-isipan ang sumusunod na dalawang pahayag, at magsulat ng iyong tugon sa bawat isa sa mga ito na makatutulong sa paglutas ng nakasaad na alalahanin. Gumamit ng kahit isang banal na kasulatan mula sa pinag-aralan mo kamakailan. Maaaring makatulong ang mga reperensyang banal na kasulatan na nasa mga panaklong. Huwag mag-atubiling magsama ng anumang personal na karanasan o patotoo.

Christ standing on a rocky ledge as He rebukes Satan who appears below Him. The painting depicts the event wherein Satan tried to tempt Christ after Christ’s forty day fast in the wilderness. Christ is commanding Satan to depart from His presence.
  1. Matino akong tao. Bakit ko aalalahanin ang pagsisisi kung hindi naman ako gumagawa ng mabibigat na kasalanan? (Tingnan sa Mateo 3:1–8; Lucas 3:7–14.)

  2. Naniniwala ako kay Jesucristo, ngunit sa palagay ko ay hindi ko kailangang magpabinyag at magpakumpirma upang makabalik sa piling ng Diyos. (Tingnan sa Marcos 1:1–9; Juan 3:5; 2 Nephi 31:5–12, 17–18.)

2. Complete the following in your study journal: