Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1


Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 1

Hanapin at Isaulo: Lucas 2:10–12 hanggang Lucas 24:36–39

Seminary class.

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage. Ang lesson na ito ay naglalayong tulungan kang mahanap at magsanay na maisaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage sa Bagong Tipan.

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Great power can come from memorizing scriptures. To memorize a scripture is to forge a new friendship. It is like discovering a new individual who can help in time of need, give inspiration and comfort, and be a source of motivation for needed change.

(Richard G. Scott, “The Power of Scripture,” Ensign or Liahona, Nov. 2011, 6)

  • Bakit makatutulong na malaman ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa mga doctrinal mastery scripture passage?

Maaaring natatandaan mo pa ang pahayag na ito ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol tungkol sa kahalagahan ng pagsasaulo ng mga banal na kasulatan:

Upang matulungan kang matutuhan ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa unang 11 doctrinal mastery scripture passage, maaari mong kopyahin ang sumusunod na chart sa iyong study journal o i-download ang Doctrinal Mastery app sa isang mobile device at gamitin ang mga aktibidad sa app upang matulungan ka sa pagsasaulo.

Reperensyang Banal na Kasulatan

Mahalagang Parirala sa Banal na Kasulatan

Lucas 2:10–12

“Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Juan 3:5

“Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16

“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Mateo 5:14–16

“Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30

“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19

Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Juan 7:17

“Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya … ang turo.”

Mateo 22:36–39

“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 22:19–20

Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Juan 17:3

“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Lucas 24:36–39

“Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Depende sa laki ng iyong klase, maaari kang magtalaga sa bawat estudyante ng isa o mahigit pa sa 11 doctrinal mastery scripture passage. Kung kinakailangan, maaaring italaga ang parehong scripture passage sa maraming estudyante.

Sabihin sa mga estudyante na lumibot sa silid-aralan at makipagtulungan sa mga kapartner upang mahanap at, kung pipiliin nila, markahan ang lahat ng 11 doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala sa banal na kasulatan. Hikayatin ang mga estudyante na magpalitan ng mga kapartner pagkalipas ng ilang minuto.

Sabihin sa mga estudyante na gawin ang mga sumusunod habang nakikipag-ugnayan sila sa isa’t isa (maaaring makatulong na isulat sa pisara ang mga tagubiling ito):

  1. Magtanong para mas makilala ang isa’t isa (halimbawa, “Ano ang isa sa mga libangan mo?” o “Ano ang isa sa mga lugar na paborito mong puntahan?”).

  2. Tulungan ang isa’t isa na hanapin ang nakatalagang doctrinal mastery scripture passage at mahalagang parirala sa banal na kasulatan. Maaari mong markahan ang scripture passage at mahalagang parirala sa banal na kasulatan sa iyong mga banal na kasulatan.

  3. Ibahagi kung bakit mahalaga ang katotohanan sa mahalagang parirala sa banal na kasulatan.

  4. Subukang isaulo ang reperensyang banal na kasulatan at mahalagang parirala sa banal na kasulatan.

Piliin ang Sagutan ang Quiz.

Itugma ang doctrinal mastery scripture passage na nasa kaliwa sa mahalagang parirala nito sa kanan.

Pumili ng kahit tatlong doctrinal mastery scripture passage, at gawin ang mga sumusunod:

  • Isulat ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala nito nang walang kopya.

  • Ibahagi kung bakit sa palagay mo ay mahalagang malaman ang mga talatang ito.

Sa susunod na ilang araw, sikaping isaulo ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala nito para sa kahit tatlo pang doctrinal mastery scripture passage. Maghanap ng mga paraan kung paano mapagpapala ang iyong buhay at ang buhay ng mga kakilala mo sa pamamagitan ng kaalaman mo sa mga talatang ito.