Seminary
Mateo 6:1–18


Mateo 6:1–18

Iniutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Disipulo na Gumawa ng Mabubuting Gawain

Jesus Christ preaching to a multitude of people. Christ is seated on a rocky hillside. He is dressed in red and blue robes. He has one arm raised. Some of the figures have their hands clasped in devotion.

Ipinagpatuloy ni Jesus ang Kanyang Sermon sa Bundok, at itinuro Niya na dapat tayong gumawa ng mabubuting gawain upang malugod ang ating Ama sa Langit at hindi upang mapansin ng iba. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong suriin ang iyong mga layunin o motibo sa paggawa ng mabubuting gawain at magpasya kung paano mo gustong magpakabuti pa.

Pag-isipan ang sumusunod na pahayag: Inayos ni Gustavo ang bakod ng kanyang kapitbahay.

Stick figure holding a hammer
  • Ano ang masasabi mo tungkol kay Gustavo?

Burahin ang tuldok sa dulo ng pangungusap na “Inayos ni Gustavo ang bakod ng kanyang kapitbahay,” at isulat ang dahil … sa dulo ng pahayag. Sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ang pahayag at magbigay ng iba’t ibang dahilan kung bakit inayos ni Gustavo ang bakod. Maaaring kabilang sa mga sagot ang mga pariralang tulad ng “mabait siya,” “nakikibahagi siya sa isang proyektong pangserbisyo kung saan pinadalo siya ng kanyang ina,” “nais niyang pahangain ang anak ng kanyang kapitbahay,” “ayaw niyang pumasok sa bakuran niya ang aso ng kanyang kapitbahay,” at “sinira niya ang bakod dahil sa nagalit niya at ipinaayos ito sa kanya ng tatay niya.”

  • Bakit mahalaga ang ating mga motibo?

Nabasa natin sa Mateo 6 na ipinagpatuloy ng Tagapagligtas ang Kanyang Sermon sa Bundok at nagturo tungkol sa mga motibo sa paggawa ng mabubuting gawain. Para matulungan kang pag-isipan ang mga dahilan kung bakit gumagawa ka ng mabubuting gawain tulad ng pakikibahagi sa ministering, paglilingkod sa iba, pagdarasal, at pagdalo sa seminary, gawin ang sumusunod na aktibidad.

Gumawa ng chart na may tatlong column sa iyong study journal. Punan ang itaas ng chart tulad ng sumusunod:

What are three good works you have done in the past week? (List one per row.)

What were your reasons for doing them?

How did you feel after you did these good works?

Basahin ang Mateo 6:1–6, 16–18, at alamin kung ano ang itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa ating mga motibo para sa ating mabubuting gawain. Ang salitang paglilimos ay tumutukoy sa matapat na pagpapakita ng kabutihan, tulad ng pagbibigay sa mahihirap. Ang salitang mapagkunwari ay tumutukoy sa mga taong mapagpanggap.

  • Paano mo ibubuod ang itinuro ng Tagapagligtas?

17:51

Mahalagang maunawaan na ang pagdarasal nang nakikita ng mga tao ay hindi mali dahil lang sa hindi ito ginawa “[nang] lihim” (Mateo 6:6). Ang pagdarasal at iba pang mabubuting gawain ay maaaring gawin nang nakikita ng mga tao kung gagawin ito nang tapat, taos-puso, at may hangaring luwalhatiin ang Diyos. Totoo rin ito sa pag-aayuno. Ang mga pariralang “magmukhang mapanglaw,” at “pinasasama nila ang kanilang mga mukha” sa Mateo 6:16 ay tumutukoy sa mga tao noong panahon ni Jesus na hayagang nagpapakita ng kanilang pag-aayuno para mapansin ng iba.

  • Sa iyong palagay, bakit napakahalaga sa Panginoon ang ating mga motibo, kahit gumagawa tayo ng mabubuting gawain?

Balikan ang chart mo at ikumpara ang mga dahilan mo sa paggawa ng mabubuting gawain sa itinuro ng Tagapagligtas na nakatala sa Mateo 6.

  • Sa iyong palagay, bakit ka dapat “magsikap na maglingkod para sa mga dahilang pinakadakila at pinakamabuti”? (Dallin H. Oaks, “Why Do We Serve?Ensign, Nob. 1984, 13).

  • Kung nahihirapan ang isang tao na gumawa para sa mga tamang dahilan, ano ang imumungkahi mong gawin niya?

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, ang tungkol sa mga layunin ng Tagapagligtas sa pagsasagawa ng Kanyang mga gawain. Panoorin ang video na “Sa Pagiging Tapat” mula sa time code na 15:34 hanggang 16:29, o basahin ang sumusunod na teksto.

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

The greatest, most capable, most accomplished man who ever walked this earth was also the most humble. He performed some of His most impressive service in private moments, with only a few observers, whom He asked to “tell no man” what He had done [see Luke 8:56]. When someone called Him “good,” He quickly deflected the compliment, insisting that only God is truly good [see Mark 10:17–18]. Clearly the praise of the world meant nothing to Him; His single purpose was to serve His Father and “do always those things that please him” [John 8:29]. We would do well to follow the example of our Master.

(Dieter F. Uchtdorf, “On Being Genuine,” Ensign or Liahona, May 2015, 83)

Mag-isip ng mga halimbawa na naglalarawan sa mga layunin ng Tagapagligtas sa paggawa ng Kanyang gawain.

  • Ano ang hinangaan mo sa mga halimbawang ito?

  • Paano nadaragdagan ng mga halimbawang ito ang iyong pagkaunawa sa pagmamahal ng Tagapagligtas at kung bakit Siya nagbayad-sala para sa ating mga kasalanan?

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa iyong mga motibo sa paggawa ng mabubuting gawain?

  • Sa paanong mga paraan makaiimpluwensya ang iyong mga motibo sa paggawa ng mabubuting gawain sa iyong ugnayan sa Ama sa Langit?

  • Ano ang isang bagay na magagawa mo upang matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa paggawa ng mabubuting gawain?

Piliin ang button na Simulan ang Assignment o ang tab na Pagsusumite para ma-upload ang iyong ginawa.

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

The prophet Moroni taught that if our works are to be credited for good, they must be done for the right reasons. If a man “offereth a gift, or prayeth unto God, except he shall do it with real intent it profiteth him nothing.

“For behold, it is not counted unto him for righteousness.” (Moro. 7:6–7.) …

… Our service should be for the love of God and the love of fellowmen rather than for personal advantage or any other lesser motive.

(Dallin H. Oaks, “Why Do We Serve?Ensign, Nov. 1984, 12, 14)

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Our motives and thoughts ultimately influence our actions. The testimony of the truthfulness of the restored gospel of Jesus Christ is the most powerful motivating force in our lives. Jesus repeatedly emphasized the power of good thoughts and proper motives: “Look unto me in every thought; doubt not, fear not” (D&C 6:36).

… Our testimony motivates us to live righteously, and righteous living will cause our testimony to grow stronger. …

… A testimony motivates us to choose the right at all times and in all circumstances. It motivates us to draw nearer to God, allowing Him to draw nearer to us (see James 4:8).

(Dieter F. Uchtdorf, “The Power of a Personal Testimony,” Ensign or Liahona, Nov. 2006, 37, 39)