Seminary
Mateo 5:48


Mateo 5:48

“Kayo nga’y Maging Sakdal”

Head and shoulder image of Jesus Christ. Christ is depicted with one arm raised as He participates in the creation of the earth. Galaxies and stars are depicted in the background.

Matapos ituro ang Beatitudes at ang mas mataas na batas, nagbigay ang Tagapagligtas ng kautusan tungkol sa katangian ng Kanyang Ama sa Langit. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang maunawaan ang utos ng Tagapagligtas na “maging sakdal, gaya ng [ating] Ama sa langit na sakdal” (Mateo 5:48).

Ano ang nagbago sa iyo?

Maghanap ng larawan mo noong bata ka pa, o isipin kung ano ang hitsura mo noong bata ka pa.

  • Paano ka lumaki o nagbago sa pisikal o espirituwal mula noon?

  • Sa iyong palagay, bakit likas at mahalagang bahagi ng plano ng ating Ama sa Langit ang pagbabago?

  • Paano ka umunlad sa nakalipas na ilang taon upang maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo? Kung nadarama mong hindi sapat ang iyong espirituwal na pag-unlad, ano ang pumipigil sa iyo, at ano ang magagawa mo para mabago ang pattern na ito?

Basahin ang Mateo 5:48, at alamin kung paano tinapos ng Tagapagligtas ang Kanyang mga turo mula sa kabanata 5. Pansinin na ang salitang Griyego para sa sakdal gaya ng paggamit sa talatang ito ay maaari ding isalin bilang “husto, buo, [o] lubos na umunlad” (“[Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ganap”]).

Mula sa mga turo ng Tagapagligtas sa Mateo 5:48, nalaman natin na iniutos sa atin ni Jesucristo na maging sakdal [perpekto] tulad ng Ama sa Langit.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1.

  • Alin sa mga turo ng Tagapagligtas mula sa Mateo 5 ang nahihikayat kang gawin ngayon para maging higit na katulad ng Ama sa Langit? Paano?

  • Ano ang nadarama mo tungkol sa utos ng Tagapagligtas na maging sakdal o perpekto?

  • Paano magkakaroon ng negatibong epekto ang maling pagkaunawa sa utos na ito sa ating ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Pag-unawa sa kahulugan ng maging “sakdal” o perpekto

Basahin ang mga sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, at nina Elder Jeffrey R. Holland at Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol, na inaalam ang tulong o kapanatagan sa ating paglalakbay upang maging sakdal o perpekto tulad ng Ama sa Langit.

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Sa Mateo 5:48, ang salitang sakdal ay isinalin mula sa salitang Griyego na teleios, na ang ibig sabihin ay “kumpleto.” … Ang pawatas na anyo ng pandiwa ay teleiono, na ibig sabihin ay “marating ang isang malayong layunin, ganap na umunlad, malubos, o matapos.” Mangyaring tandaan na ang salita ay hindi nagpapahiwatig ng “kalayaan mula sa pagkakamali”; ito ay nagpapahiwatig ng “pagkamit ng isang malayong layunin.” …

… Hindi tayo dapat masiraan ng loob kung ang lubos nating mga pagsisikap ngayon tungo sa pagiging sakdal ay tila [mahirap] at walang katapusan. Ang pagiging perpekto ay hindi pa dumarating. Darating lamang ito nang lubusan pagkaraan ng Pagkabuhay na Mag-uli at sa pamamagitan lamang ng Panginoon. Naghihintay ito sa lahat ng nagmamahal sa kanya at sumusunod sa kanyang mga kautusan.

(Russell M. Nelson, “Perfection Pending,” Ensign, Nob. 1995, 86, 88)

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Mga kapatid, bawat isa sa atin ay naghahangad ng buhay na mas katulad ng kay Cristo kaysa sa pamumuhay natin ngayon. … Kung magsusumigasig tayo, sa isang dako ng kawalang-hanggan ang ating kadalisayan ay magiging ganap at lubos—na siyang kahulugan ng pagiging sakdal sa Bagong Tipan.

Pinatototohanan ko ang maringal na tadhanang iyan, na ginawang posible sa atin ng Pagbabayad-sala ng Panginoong Jesucristo, na Siya mismo ay nagpatuloy “nang biyaya sa biyaya” [Doktrina at mga Tipan 93:13] hanggang matanggap Niya sa Kanyang imortalidad ang kaganapan ng kaluwalhatiang selestiyal.

(Jeffrey R. Holland, “Kayo Nga’y Mangagpakasakdal—Sa Wakas,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 42)

Official Portrait of Gerrit W. Gong. Photographed in 2018.

Ang salitang perpekto kung minsan ay nabibigyan ng maling pakahulugan na ang ibig sabihin nito ay hindi nagkakamali kailanman. Marahil nagsisikap kayo o ang isang taong kilala ninyo na maging perpekto sa ganitong paraan. Dahil ang gayong pagkaperpekto ay tila laging imposibleng maabot, na kahit ang pinakamainam nating mga pagsisikap ay maaaring magpadama sa atin ng pagkabalisa, kawalan ng pag-asa, o pagkapagod. Hindi natin kayang kontrolin ang ating mga sitwasyon at ang mga tao sa ating paligid. Naliligalig tayo sa ating mga kahinaan at kamalian. Katunayan, habang lalo tayong nagsisikap, lalo tayong napapalayo sa pagkaperpektong hangad natin. …

Ang maling pagkaunawa sa ibig sabihin ng maging perpekto ay maaaring mauwi sa pagiging perpeksyonista—isang pag-uugali o asal na may kahanga-hangang hangaring maging mabuti at nagkakaroon ng di-makatotohanang pag-asa na maging perpekto ngayon. Ang pagiging perpeksyonista kung minsan ay bunga ng damdamin na iyon lamang mga perpekto ang dapat mahalin o na hindi tayo nararapat maging masaya kung hindi tayo perpekto.

(Gerrit W. Gong, “Pagiging Ganap kay Cristo,” Ensign, Hulyo 2014, 14–15, 17)

Tandaan na ang lahat ng pagsisikap nating sundin ang mga kautusan at magsisi ay hindi magiging sapat kailanman kung hindi dahil sa paglilinis ng kasalanan at pagkabuhay na mag-uli mula sa kamatayan na natatanggap natin mula sa Tagapagligtas na si Jesucristo sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala. (Tingnan sa 2 Nephi 25:23; Alma 34:9-10.)

Pagiging Higit na Katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

2.

  • Ano ang itinuturo sa atin ng mga salita ng mga propetang ito tungkol sa kahulugan ng “kayo nga’y maging sakdal”?

  • Ano ang itinuturo sa atin ng mga propeta na hindi kahulugan ng mga salitang ito?

  • Ano ang ginagampanan ng Tagapagligtas sa pagtulong sa atin na maging sakdal o perpekto?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na nagbibigay sa iyo ng pag-asa na balang-araw ay magiging perpekto ka rin katulad Nila?

  • Anong mga pagsisikap ang kasalukuyan mong ginagawa sa aspektong espirituwal, pisikal, sosyal, o intelektuwal upang maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ako magiging perpekto?

Itinuro ni Elder Scott D. Whiting ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder Scott D Whiting. Photographed in March 2017.

Ang utos na maging katulad Niya ay hindi nilayon para ipadama sa inyo na may kasalanan kayo, hindi karapat-dapat, o hindi minamahal. Ang buong mortal na karanasan natin ay tungkol sa pag-unlad, pagsisikap, pagkabigo, at pagtatagumpay. …

Ikaw ay sapat, ikaw ay minamahal, pero hindi ibig sabihin niyan na ikaw ay kumpleto na. May gawaing gagawin sa buhay na ito at sa kabilang-buhay. Tanging sa Kanyang banal na tulong tayo makasusulong sa pagiging katulad Niya.

Sa mga panahong ito na, “lahat ng bagay ay [tila] magkakagulo; at … ang takot [ay tila] mapapasalahat ng tao” [Doktrina at mga Tipan 88:91], ang panlaban, ang tanging lunas, ay sikaping maging katulad ng Tagapagligtas, ang Manunubos ng sangkatauhan, ang Liwanag ng Sanglibutan, at hanapin Siya na nagsabing, “Ako ang daan” [Juan 14:6].

Alam ko na ang pagiging katulad Niya sa pamamagitan ng Kanyang banal na tulong at lakas ay kayang maabot sa pamamagitan ng paisa-isang hakbang. Dahil kung hindi, hindi na Niya ibinigay ang utos na ito [tingnan sa 1 Nephi 3:7].

(Scott D. Whiting, “Pagiging Katulad Niya,” Ensign o Liahona, Nob. 2020, 14)