Seminary
Mateo 6:19–34


Mateo 6:19–34

“Hanapin Muna Ninyo ang Kaharian ng Diyos”

Christ teaches that all things shall be added unto those who seek the kingdom of God.

Bilang bahagi ng Sermon sa Bundok, itinuro ni Jesucristo sa Kanyang mga disipulo na “[hangarin munang itayo] ang kaharian ng Diyos” (Mateo 6:33). Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong pagnilayan at ibahagi ang kahalagahan ng pag-una sa Diyos sa iyong buhay.

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon sa tunay na buhay:

  • Ang isang binatilyo sa California, USA, ay isang mahusay na surfer, ngunit magkasabay ang iskedyul ng seminary sa oras ng pagsasanay niya para sa kanyang high school surf team.

  • Ang isang dalagita sa Brazil ay espesyal na inanyayahan sa pagdiriwang ng ika-15 kaarawan ng kanyang kaibigan, ngunit kakailanganin niyang magsuot ng damit na hindi ayon sa kanyang mga pamantayan.

  • Ang isang binatilyo sa New Zealand ay mahusay na manlalaro ng rugby, at nakikinitang makatatanggap siya ng alok na maglaro sa propesyonal na koponan, ngunit nasa edad na siya upang maglingkod sa full-time na misyon.

Ang mga ito ay halimbawa ng mga sitwasyon kung saan maaaring piliin ng mga kabataan na unahin ang Diyos sa kanilang buhay, bagama’t hindi ito magiging madali.

  • Anong mga tanong o alalahanin ang maaaring maisip ng mga kabataan sa mga sitwasyong ito tungkol sa pag-una sa Diyos sa kanilang buhay?

  • Anong mga tanong o alalahanin ang maaaring mayroon kayo ng mga kaibigan mo tungkol sa pag-una sa Diyos sa inyong buhay?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, hilingin sa Panginoon na tulungan kang matugunan ang iyong mga alalahanin at madama ang kahalagahan ng pag-una sa Kanya.Pag-aralan ang isa sa mga sumusunod na grupo ng mga scripture verse. Hangarin ang patnubay ng Espiritu Santo upang matulungan kang mahanap at maunawaan ang mga katotohanang itinuro ng Tagapagligtas na makatutulong sa iyo na unahin ang Diyos sa iyong buhay.

Maaaring piliin ng mga estudyante kung aling hanay ng mga scripture verse ang pag-aaralan nila, o maaari mo silang bigyan ng Opsiyon A o Opsiyon B. Maaaring makatulong na ipakita sa pisara ang mga sumusunod na opsiyon.

Opsiyon A: Mateo 6:19–24. Sa mga talatang ito, ginamit ng Tagapagligtas ang salitang mga kayamanan upang tukuyin ang mga bagay na lubos nating pinahahalagahan, at ang mata bilang simbolo ng ating pananaw o pinagtutuunan sa buhay. Nililinaw ng Pagsasalin ni Joseph Smith ang itinuro ng Panginoon sa talata 22, “Kung tapat nga ang iyong mata sa kaluwalhatian ng Diyos, ang buong katawan mo ay mapupuspos ng liwanag” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 6:22 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 88:67). Gayundin, makatutulong na tandaan na ang salitang mammon ay tumutukoy sa kamunduhan o kayamanan.

Opsiyon B: Mateo 6:25–34. Nililinaw ng Pagsasalin ni Joseph Smith sa mga talatang ito na ang Panginoon ay nangungusap sa Kanyang mga Apostol tungkol sa kanilang responsibilidad na “humayo … sa daigdig … turuan ang mga tao” (Joseph Smith Translation, Matthew 6:25–26 [sa Bible Appendix]). Ang tagubilin ng Panginoon ay partikular sa Labindalawang Apostol sa panahong ito, ngunit naaangkop din sa ating lahat ang alituntuning itinuro Niya. Pansinin ang mga halimbawa ng kung paano pinangangalagaan ng Diyos ang Kanyang mga nilikha, kabilang tayo. Habang nag-aaral ka, pagtuunan ng pansin ang talata 33: ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng talatang ito ay nagsisimula sa, “Kaya nga, huwag hanapin ang mga bagay ng daigdig na ito sa halip inyo munang hangaring itatag ang kaharian ng Diyos” (Pagsasalin ni Joseph Smith, Mateo 6:38 [sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia]).

  • Habang binabasa mo ang mga salita ng Tagapagligtas at inaanyayahan ang patnubay ng Espiritu Santo, ano ang nalaman mo na naging makabuluhan sa iyo? Bakit ito makabuluhan?

5:38

Nagturo ang Tagapagligtas ng mga totoong alituntunin sa mga talatang ito, kabilang na ang hindi natin sabay na mapaglilingkuran ang Diyos at ang mga kayamanan (o kamunduhan) at kung hahangarin muna nating itayo ang kaharian ng Diyos, ibibigay Niya sa atin ang alam Niyang kailangan natin.

  • Ano ang alam mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makapaghihikayat sa iyo na unahin Sila sa iyong buhay?

3:50
3:31

.

2. Complete the following activity in your study journal.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa pag-una sa Diyos?

  • Kailan mo inuna ang Diyos sa iyong buhay?

  • Anong mga pagpapala ang nakita mo bilang resulta ng iyong desisyon?

Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan kung paano naaangkop sa iyo ang mga turo ng Tagapagligtas na unahin ang Diyos sa iyong buhay. Patuloy na humingi ng inspirasyon mula sa Espiritu Santo habang kinukumpleto mo ang lesson na ito.

Ipagpalagay na inanyayahan ng iyong stake o district presidency ang iyong korum o klase na gumawa ng video upang matulungan ang mga kabataan sa inyong lugar na mahikayat na unahin ang Diyos sa kanilang buhay. Pinaplano ng panguluhan na ipapanood ang video sa isang youth event.

2. Gawin ang sumusunod na aktibidad sa iyong study journal.

Gumawa ng detalyadong outline para sa iyong video. (Hindi mo kailangang mag-record ng video; kailangan mo lang gumawa ng plano.) Isama ang mga sumusunod sa iyong outline:

  • Kahit isang katotohanang itinuro ng Tagapagligtas sa Mateo 6 at isang paliwanag kung paano nito matutulungan ang mga kabataan na unahin ang Diyos sa kanilang mga buhay.

  • Isang halimbawa sa panahong ito ng isang taong inuuna ang Diyos sa kanyang buhay. Ang halimbawang ito ay maaaring personal na karanasan o karanasan ng isang taong kilala mo. Sumulat ng isang simpleng buod ng halimbawa.

Isama rin sa iyong outline ang isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Isang pahayag mula sa isang lider ng Simbahan

  • Mga larawan o visual na maaari mong isama at kung kailan mo isasama ang mga ito

  • Ang iyong personal na patotoo

Maaari mong ibahagi ang iyong plano para sa isang video sa mga kapamilya at kaibigan mo. Magandang gawin ito kapag tinalakay ninyo ng pamilya mo ang paksang ito sa inyong pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Kung kaya mo, maaari mong gawin ang iyong video at ibahagi ito sa iba.

Piliin ang button na Simulan ang Assignment o ang tab na Pagsusumite para ma-upload ang iyong outline.