Mateo 7:1–5
Itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga Disipulo na Humatol nang Matwid
Sa Kanyang Sermon sa Bundok, itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo na humatol nang matwid. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong matuto tungkol sa paghatol nang matwid.
Read the following scenarios, thinking about what kind of judgments someone might make in each situation.
-
May nag-aanyaya sa iyo sa isang party kung saan maraming tinedyer ang gagamit ng mga sangkap na labag sa Word of Wisdom.
-
May isang taong gusto kang maging malapit na kaibigan ngunit ibang-iba ang mga pamantayan niya sa buhay.
-
Ang mga ginagawang aktibidad ng isang miyembro ng iyong ward sa araw ng Sabbath ay naiiba sa ginagawa ng iyong pamilya.
-
Nalaman mo na nakagawian na ng isang kaibigan ang tumingin sa pornograpiya.
Sa lesson na ito, matututuhan mo kung paano humatol nang matwid. Magkakaroon ka ng pagkakataong balikan ang mga saloobin mo tungkol sa mga sitwasyong ito at magamit ang natutuhan mo.
-
Ano ang mga tanong mo tungkol sa paghatol?
Habang pinag-aaralan mo ang lesson ngayon, pag-isipan kung ano ang nadarama mo tungkol sa paghatol, at pakinggan ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo. Itala ang mga impresyong nagpapalawak ng iyong pag-unawa tungkol sa mga turo ng Tagapagligtas tungkol sa paghatol.Basahin ang Mateo 7:1. Kadalasang nabibigyan ng maling pagpapakahulugan ang talatang ito at sinasabing itinuro ng Tagapagligtas na hindi tayo dapat humatol kailanman. Ngayon, basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng talatang ito (sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia).
-
Paano napapalawak ng Pagsasalin ni Joseph Smith ang iyong pagkaunawa tungkol sa itinuro ng Tagapagligtas tungkol sa paghatol?
-
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng humatol nang matwid?
Basahin ang sumusunod na pahayag:
Judgment is an important use of our agency and requires great care, especially when we make judgments about other people. All our judgments must be guided by righteous standards. Only God, who knows each individual’s heart, can make final judgments of individuals.
Sometimes people feel that it is wrong to judge others in any way. While it is true that we should not condemn others or judge them unrighteously, we will need to make judgments of ideas, situations, and people throughout our lives. …
… As much as we can, we should judge people’s situations rather than judging the people themselves. Whenever possible, we should refrain from making judgments until we have an adequate knowledge of the facts. And we should always be sensitive to the Holy Spirit, who can guide our decisions.
(Gospel Topics, “Judging Others,” topics.ChurchofJesusChrist.org)
-
Anong mga salita o parirala sa pahayag na ito ang tumulong sa iyo na maunawaan ang paghatol nang matwid?
Basahin ang Mateo 7:2–5, at alamin ang iba pang turo tungkol sa paghatol. Sa talata 3, tinukoy ng Tagapagligtas ang napakaliit na piraso ng kahoy bilang puwing at ang malaking piraso ng kahoy bilang troso.
-
Bakit magiging mahirap para sa isang taong may troso sa harap ng kanyang mata na alisin ang puwing sa mata ng iba?
-
Ano sa palagay mo ang itinuturo ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng analohiya ng troso at puwing?
Maaaring matukoy ng mga estudyante ang ilan sa mga sumusunod na alituntunin:
Ang paraan ng paghatol natin sa iba ay nakaaapekto sa paraan ng paghatol sa atin ng Tagapagligtas.
Kung pagtutuunan natin ang pagtingin at pagsisisi sa ating mga sariling kasalanan at kahinaan, mas malamang na hindi natin hatulan ang iba nang hindi matwid.
Pagkatapos nating magsisi sa sarili nating mga kasalanan, matutulungan natin nang mas mabuti ang iba.
Kapag binanggit ng mga estudyante ang mga ito o ang iba pang alituntunin, isulat ang mga ito sa pisara ayon sa pagkakasabi ng mga estudyante.
-
Bakit mahalagang maisaisip natin ang mga turong ito?
-
Ano ang matututuhan mo tungkol kay Jesucristo mula sa mga turong ito?
-
Bakit kung minsan ay mahirap mamuhay ayon sa mga turo ni Cristo tungkol sa paghatol?
-
Paano mo hihingin ang tulong ng iyong Ama sa Langit, sa pamamagitan ni Jesucristo, upang maipamuhay mo ang mga alituntuning ito?
Pumili ng isa sa mga sitwasyon mula sa simula ng lesson, o mag-isip ng katulad na sitwasyon.
There are two kinds of judging: final judgments, which we are forbidden to make, and intermediate judgments, which we are directed to make, but upon righteous principles. …
… Let us consider some principles or ingredients that lead to a “righteous judgment.”
First, a righteous judgment must, by definition, be intermediate. It will refrain from declaring that a person has been assured of exaltation or from dismissing a person as being irrevocably bound for hellfire. …
Second, a righteous judgment will be guided by the Spirit of the Lord, not by anger, revenge, jealousy, or self-interest. …
Third, to be righteous, an intermediate judgment must be within our stewardship. We should not presume to exercise and act upon judgments that are outside our personal responsibilities. …
Fourth, we should, if possible, refrain from judging until we have adequate knowledge of the facts. …
A fifth principle of a righteous intermediate judgment is that whenever possible we will refrain from judging people and only judge situations.
(Dallin H. Oaks, “‘Judge Not’ and Judging,” Ensign, Aug. 1999, 7, 9–11)
-
Aling sitwasyon ang pinili ninyo?
-
Anong mga matwid na paghatol ang dapat ninyong gawin tungkol sa sitwasyong ito?
-
Anong mga paghatol ang dapat ninyong iwasang gawin?
-
Ayon sa mga turo ng Tagapagligtas, paano kayo magiging patas at maawain sa mga paghatol na gagawin ninyo?
-
Paano makatutulong ang pag-alala sa sarili ninyong mga kasalanan at kahinaan sa ganitong uri ng sitwasyon?
Anyayahan ang mga nagboluntaryo na magbabahagi ng kanilang mga komento. Pakinggang mabuti ang mga sagot ng mga estudyante upang masuri kung gaano sila kahusay na natuto.
Kung minsan, inaakala ng mga tao na ang ibig sabihin ng mga turo ng Tagapagligtas sa Mateo 7:1–5 ay hindi tayo dapat humatol kailanman. Nilinaw ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan na may ilang uri ng paghatol na hinihikayat tayong gawin:
2.
Pag-isipan ang sumusunod na tanong:
-
Aling mga paghatol ang dapat kong gawin, at alin ang dapat kong iwasang gawin?
-
Ano ang natutuhan mo sa lesson na ito tungkol sa matwid na paghatol? Paano makatutulong sa iyo ang natutuhan mo na mas makita ang iba at ang iyong sarili tulad ng ginagawa ng Tagapagligtas?
-
Paano nasagot ang iyong mga tanong tungkol sa paghatol? Kung may mga tanong kang hindi pa nasasagot, ipagpatuloy ang iyong pag-aaral at maghanap ng mga sagot mula sa Espiritu Santo.
-
Ano ang makatutulong sa iyo upang hindi ka maging masyadong mapanghusga sa ibang tao sa iyong buhay?
Maaari kang magpatotoo tungkol sa paghatol nang matwid.
To be Christlike, a person loves mercy. People who love mercy are not judgmental; they manifest compassion for others, especially for those who are less fortunate; they are gracious, kind, and honorable. These individuals treat everyone with love and understanding, regardless of characteristics such as race, gender, religious affiliation, sexual orientation, socioeconomic status, and tribal, clan, or national differences. These are superseded by Christlike love.
(Dale G. Renlund, “Do Justly, Love Mercy, and Walk Humbly with God,” Ensign or Liahona, Nov. 2020, 111)