Seminary
Mateo 16:13–18


Mateo 16:13–18

“Ikaw ang Cristo”

Jesus talking to the disciples

Tinanong ni Jesus ang Kanyang mga disipulo kung sino Siya sa tingin ng ibang tao at kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Apostol mismo tungkol sa Kanya. Sumagot si Pedro sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang patotoo na si Jesus ang Cristo, na natanggap niya sa pamamagitan ng paghahayag ng Espiritu Santo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan at madama ang kahalagahan ng pagtanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Pakikipag-usap sa Tagapagligtas

Isipin kunwari na nagkaroon ka at ang ilang malalapit mong kaibigan ng pagkakataong makausap ang Tagapagligtas na si Jesucristo.

  • Sa palagay mo, ano kaya ang pakiramdam ng makausap ang Tagapagligtas?

  • Kung tatanungin ka Niya kung ano ang iniisip o sinasabi ng mga tao ngayon tungkol sa Kanya, ano ang sasabihin mo?

Basahin ang Mateo 16:13–14 para malaman kung paano sinagot ng Kanyang mga disipulo ang gayon ding tanong.

Basahin at markahan ang sumunod na mas personal na tanong ng Tagapagligtas na matatagpuan sa Mateo 16:15. Isulat sa iyong study journal kung ano ang isasagot mo kung itatanong ito sa iyo ng Tagapagligtas.

Habang patuloy mong pinag-aaralan ang lesson na ito, pag-isipan kung ano ang ginawa o magagawa mo para matamo o mapalakas pa ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas.

Ang sagot lamang ni Apostol Pedro sa tanong ng Tagapagligtas ang nakatala sa mga banal na kasulatan.

Basahin ang Mateo 16:16, at markahan kung paano tumugon si Pedro.

  • Ano ang ibig sabihin ng pahayag na si Jesus “ang Cristo”?

  • Ano ang ibig sabihin ng pahayag na Siya “ang Anak ng Diyos na buhay?”

Kung kailangan mo ng tulong sa pagsagot sa mga tanong na ito, tingnan ang “Jesucristo” at “Pinahiran, Ang” sa Gabay sa Mga Banal na Kasulatan.

Maaari mong markahan ang Mateo 16:17 upang maalala na sinabi ng Tagapagligtas kay Pedro na siya ay “mapalad” dahil sa kanyang patotoo.

Rebyuhin ang mga sumusunod na sitwasyon, at tumukoy ng mga paraan kung paano magiging pagpapala ang pagkakaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo para sa mga sitwasyong iyon.

  1. Nagkaroon ka ng isang kondisyon o sakit na naglilimita sa iyong pisikal na aktibidad

  2. Naging napakayaman o napakahirap mo

  3. Pakiramdam mo ay hindi ka napapansin o parang hindi ka kabilang

  4. Nawalan ka ng mahal sa buhay

  • Paano maiiba ang mga reaksyon mo sa mga sitwasyong ito kung wala kang patotoo tungkol kay Jesucristo?

  • Ano ang mga naging karanasan mo o ng isang taong kilala mo kung saan nakatulong ang patotoo tungkol kay Jesucristo?

Patotoo

Isipin kunwari na may nagsabi sa iyo, “Kahanga-hanga na may patotoo si Pedro, pero araw-araw naman kasi niyang nakakasama ang Tagapagligtas. Paano ako magkakaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo nang hindi ko naman Siya nakakasama?” Habang pinag-aaralan mo ang bahaging ito ng lesson, pag-isipan kung paano ka tutugon.

Basahin ang Mateo 16:17, at humanap ng katotohanan tungkol sa kung paano tayo makatatanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo.

  • Anong katotohanan ang nalaman mo tungkol sa kung paano makatatanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo?

Maaaring nakatukoy ka na ng katotohanang tulad sa sumusunod: ang patotoo tungkol kay Jesucristo ay dumarating sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Ama sa Langit.

  • Bakit mahalagang malaman na ang ating Ama sa Langit ang pinagmumulan ng paghahayag?

  • Bakit nais ng Ama sa Langit na ihayag sa atin ang katotohanan tungkol kay Jesucristo?

Ang patotoong ito tungkol kay Jesucristo na nagmumula sa Ama ay inihahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo (tingnan sa 1 Corinto 12:3). Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Ang pinakamahalagang katotohanan na pagtitibayin sa inyo ng Espiritu Santo ay si Jesus ay ang Cristo, ang anak ng buhay na Diyos.

(Russell M. Nelson, “Paghahayag para sa Simbahan, Paghahayag para sa Ating Buhay,” Ensign o Liahona, Mayo 2018, 96)

Tandaan na ang patotoo tungkol kay Jesucristo ay napakapersonal at magkakaiba para sa bawat isa sa atin.

Sa iyong study journal, isulat kung alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na naglalarawan sa nadarama mo:

  • Nakatanggap na ako ng patotoo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo ngunit nais kong maging mas malakas ito.

  • Hindi ko nadarama na nakatanggap na ako ng patotoo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

  • Ang aking patotoo tungkol kay Jesucristo ay kasinglakas na ng nais kong mangyari.

  • Hindi ko maunawaan kung bakit ko gugustuhing magkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo.

Pag-isipan ang nararamdaman mo sa iyong sariling patotoo tungkol kay Jesucristo habang ginagawa mo ang isa o higit pa sa mga sumusunod na aktibidad. Isang paraan ng pagtanggap ng paghahayag mula sa Espiritu Santo ay sa pamamagitan ng isip at puso. Bigyang-pansin ang iyong mga iniisip at nararamdaman na tumutulong sa iyo na gustuhin mong magkaroon, magtamo, o mapalakas ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo.

Aktibidad A: Ano ang magagawa natin upang magkaroon tayo o mapalakas natin ang ating mga patotoo tungkol kay Jesucristo?

Gumawa ng listahan ng ilan sa mga bagay na sa palagay mo ay magagawa mo upang magkaroon o mapalakas ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo. Upang makapagdagdag sa iyong listahan, isipin ang mga karanasan ni Pedro kasama ng Tagapagligtas sa Bagong Tipan. Para sa mga halimbawa, rebyuhin ang Lucas 5:1–11 at Mateo 14:22–33. Tukuyin ang mga pagpiling ginawa ni Pedro sa mga karanasang iyon na maaaring nakaapekto sa kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo. Hingin ang patnubay ng Espiritu Santo habang isinusulat mo kung paano ka makagagawa ng gayon ding mga pagpili. Isipin kung paano ipinapakita ng mga karanasan ni Pedro ang kahalagahan ng pagkakaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo.

Aktibidad B: Paano natamo ng isang taong pinagkakatiwalaan mo ang kanyang patotoo tungkol kay Jesucristo?

Tumawag, mag-text, o mag-email sa isang magulang, kapamilya, o pinagkakatiwalaang kaibigan. Hilingin sa kanila na ibahagi kung paano nila natamo ang kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo at kung bakit ito mahalaga sa kanila. Magtanong tungkol sa mga ginawa nila na sa tingin nila ay lubos na nakatulong sa pagtamo ng patotoong iyon. Bigyang-pansin ang mga pahiwatig na nadarama mo tungkol sa kung paano mo matutularan ang kanilang halimbawa.

Aktibidad C: Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa pagkakaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

Basahin o panoorin ang isang bahagi ng mensaheng “Magtayo ng Isang Muog ng Espirituwalidad at Proteksyon,” ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol (Ensign o Liahona, Mayo 2019, 107–10), at maghanap ng mga ideya kung paano at bakit dapat maghangad ng patotoo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

4:59

Increase Your Testimony

Strengthen your testimony of God and His teachings by recognizing the feelings of the Holy Spirit.

6:46

The Hope of God's Light

Many of us have wondered if God knows us or if He even exists. Todd was someone who wasn’t surprised when he didn’t get an immediate answer to a prayer. But could God be giving us small but obvious answers? And how patient do we need to be?

  • Ano ang naisip at nadama mo habang binabasa mo ang mensahe o pinanonood ang video nito?

  • Saan ka pa maaaring maghanap ng iba pang mga karanasan at impormasyon tungkol sa mga patotoo tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo?

  • Bakit mahalagang patuloy na palaguin at palakasin ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo?

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Gawin ang sumusunod sa iyong study journal:

Mag-isip ng isang tao na maaaring makinabang sa natutuhan mo. Sumulat ng maikling liham para sa kanya na nagpapaliwanag sa kung ano ang natutuhan mo na maaaring makatulong sa kanya. Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo at kung paano mo natamo ang patotoong iyon.

Kapag natapos mo na ang iyong liham, huminto at makinig para sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo tungkol sa kailangan mong gawin para matamo o mapalakas ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo. Isulat sa iyong study journal ang mga pahiwatig na naramdaman mo, at gumawa ng plano upang magawa ang mga ito.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

null

2:3

The Power of a Personal Testimony

Our firm personal testimony will motivate us to change ourselves and then bless the world.

Paano ko mapapalakas ang aking patotoo tungkol kay Jesucristo?

Ibinigay ni Pangulong Jean B. Bingham, Relief Society General President, ang mga ideyang ito:

Official Portrait of Sister Jean B. Bingham. Photographed in 2017.

Nakasalig ba ang ating patotoo sa matibay na pundasyon ni Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo? Kapag hinagupit tayo ng mga unos ng buhay, agad ba tayong maghahanap ng guide book o internet post para sa tulong? Ang pag-uukol ng oras na palaguin at patatagin ang ating kaalaman at patotoo tungkol kay Jesucristo ay maghahatid ng gantimpala sa mga panahon ng pagsubok at paghihirap. Ang araw-araw na pagbabasa ng banal na kasulatan at pagninilay ng mga salita ng buhay na propeta, makabuluhang personal na pagdarasal, mapagnilay na pagtanggap ng sakramento bawat linggo, paglilingkod na tulad ng Tagapagligtas—bawat isa sa mga simpleng gawaing ito ay nagiging batong tutuntungan para sa masayang buhay.

(Jean B. Bingham, “Upang ang Inyong Kagalakan ay Malubos,” Ensign o Liahona, Nob. 2017, 87)

Gaano kahalaga ang pamumuhay ayon sa patotoo tungkol kay Jesucristo?

Ipinaliwanag ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official portrait of Elder Quentin L. Cook. Called to the Quorum of the Twelve Apostles on 6 October 2007.

Nilinaw sa ika-76 na bahagi ng Doktrina at mga Tipan na ang pagiging “matatatag sa pagpapatotoo kay Jesus” [Doktrina at mga Tipan 76:79] ang simple at mahalagang pagsubok sa pagitan ng mga magmamana ng mga pagpapala ng kahariang selestiyal at ng mga mapupunta sa kahariang terestriyal. Upang maging matatag, kailangan nating magtuon sa kapangyarihan ni Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo upang mapagtagumpayan ang kamatayan at, sa pamamagitan ng pagsisisi, malinis tayo mula sa kasalanan, at kailangan nating sundin ang doktrina ni Cristo. Kailangan din natin ang liwanag at kaalaman tungkol sa buhay at mga turo ng Tagapagligtas na gagabay sa atin sa pagtupad ng tipan, pati na sa mga sagradong ordenansa sa templo. Dapat tayong maging matatag kay Cristo, magpakabusog sa Kanyang salita, at magtiis hanggang wakas.

(Quentin L. Cook, “Matatag sa Pagpapatotoo kay Jesus,” Ensign o Liahona, Nob. 2016, 43)

Paano nagpapatotoo ang mga makabagong Apostol tungkol kay Jesucristo?

Panoorin ang mga video ng Mga Natatanging Saksi ni Jesucristo na matatagpuan sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/video/special-witnesses-of-christ?lang=tgl para makakita ng ilang halimbawa.

NaN:NaN

Living Apostles Testify of Jesus Christ

Latter-day Saint apostles witness of Jesus, the son of God. Each testimony shows that Christ is our Savior and that He loves us. President Russell M. Nelson testifies that Christ leads the Church.

Ano ang bato na sinabi ni Jesus na pagtatayuan Niya ng Kanyang Simbahan?

Nang ituro ng Tagapagligtas kay Pedro ang tungkol sa paghahayag, gumamit Siya ng wordplay sa pangalan ni Pedro, at ipinahayag kay Simon na, “Ikaw ay Pedro [Petros], at sa ibabaw ng batong ito [petra] ay itatayo ko ang aking iglesya” (Mateo 16:18). Ang ibig sabihin ng petros na salitang Griyego ay nakabukod na maliit na bato. Ang ibig ding sabihin ng petra na salitang Griyego ay “isang bato,” gayunman, maaari din itong tumukoy sa isang mabatong lupa, batuhan, o malaking tipak na bato. Mula sa mga salitang ito, nalaman natin na ang Simbahan ay hindi itatayo kay Pedro na isang tao, kundi sa saligang-bato ng paghahayag.