Seminary
Mateo 3:13–17, Bahagi 2


Mateo 3:13–17, Bahagi 2

Ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo

Joseph Smith in the Sacred Grove looking up at the personages of God the Father and Jesus Christ, who have appeared to him.

Ang Ama sa Langit, si Jesucristo, at ang Espiritu Santo ay naroon sa binyag ni Jesucristo. Matutulungan ka ng lesson na ito na maunawaan nang mas malalim ang tungkol sa bawat miyembro ng Panguluhang Diyos, na maaaring makaimpluwensya sa mga pagpiling gagawin mo sa buhay.

Ano ang nakatutulong sa mga kabataang Banal sa mga Huling Araw na makayanan ang mga paghihirap?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Isang artikulo [ng balita] ang may pamagat na “Mormon teens cope best: Study finds they top peers at handling adolescence [Pinakamahusay umakma ang mga tinedyer na Mormon: Natuklasan sa pag-aaral na nangunguna sila sa kanilang mga kaedad sa pagharap sa mga hamon ng kabataan].” Nagtapos ang artikulong ito sa pagsasabi na “Mga Mormon ang pinakamagaling umiwas sa mga mapanganib na pag-uugali, mahusay sa pag-aaral at may positibong pananaw tungkol sa hinaharap.” Sabi ng isa sa mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, na nag-interbyu sa karamihan ng ating mga kabataan, “Sa lahat halos ng kategoryang tiningnan namin, may malinaw na pattern: nangunguna ang mga Mormon.”

(Dallin H. Oaks, “Mga Magulang at mga Anak,” Ensign o Liahona, Nob. 2018, 62)

  • Sa iyong palagay, bakit napakahusay na nahaharap ng mga kabataang Banal sa mga Huling Araw ang mga paghihirap sa buhay?

Isipin ang sarili mong karanasan sa buhay.

  • Sa iyong palagay, gaano lubos na naglalarawan sa iyo ang deskripsiyon ng mga kabataang nainterbyu?

  1. Lubos itong naglalarawan sa akin.

  2. Medyo naglalarawan ito sa akin.

  3. Hindi ito naglalarawan sa akin.

Sinabi pa ni Pangulong Oaks na ang isang dahilan kung bakit nadarama niyang talagang handa ang mga kabataan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na harapin ang mga hamon ay dahil sa nauunawaan nila ang plano ng kaligtasan at nalalaman nila ang kanilang kaugnayan sa Diyos (tingnan sa “Mga Magulang at mga Anak,” 62). Sa isa pang pagkakataon, itinuro niya:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Dahil nasa atin ang katotohanan tungkol sa Panguluhang Diyos at sa kaugnayan natin sa Kanila, sa layunin ng buhay, at sa katangian ng ating walang hanggang tadhana, nasa atin ang pinakamaaasahang gabay at tiyak na kaligtasan sa ating paglalakbay sa mortalidad.

(Dallin H. Oaks, “Ang Panguluhang Diyos at ang Plano ng Kaligtasan,” Ensign o Liahona, Mayo 2017, 103)

  • Sa iyong palagay, bakit nakatutulong sa mga tinedyer na Banal sa mga Huling Araw ang pag-unawa sa mga katotohanang ito para maiwasan ang maling pag-uugali, maging mahusay sa paaralan, at magkaroon ng positibong pananaw tungkol sa hinaharap?

  • Maging sa mga kabataang Banal sa mga Huling Araw, ano ang ilang balakid sa pagkilala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo?

Pag-isipan sandali ang nalalaman at nauunawaan mo tungkol sa mga ginagampanan ng Panguluhang Diyos at ang pagmamahal ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa iyo. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong matutuhan pa ang tungkol sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo, at pagnilayan kung paano makatutulong sa buhay mo ang pag-aaral tungkol sa Kanila.

Nagtuturo ang mga banal na kasulatan tungkol sa Panguluhang Diyos

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1. Simulan ang sumusunod na assignment sa iyong study journal, at magdagdag dito sa pag-usad ng lesson.

Hatiin ang isang papel sa tatlong column at lagyan ng label ang itaas ng unang column na “Ama sa Langit,”ang pangalawang column na “Jesucristo,”at ang pangatlong column na “Ang Espiritu Santo.”Sa loob ng bawat column, magsulat ng isa o dalawang bagay na alam mo tungkol sa miyembrong ito ng Panguluhang Diyos. Magsama ng maikling paliwanag kung paano mo natutuhan ang bawat katotohanan o kung bakit mo ito pinaniniwalaan. Sa pag-usad ng lesson, samantalahin ang pagkakataong idagdag sa mga column na ito ang natutuhan mo tungkol sa bawat miyembro ng Panguluhang Diyos.

Ang pagbibinyag ni Juan na Tagapagbautismo kay Jesucristo ay isang tala sa mga banal na kasulatan kung saan marami pa tayong matututuhan tungkol sa Panguluhang Diyos.

John the Bapist baptizing Jesus Christ in the River Jordan. A landscape of trees and mountains is in the background.

Magbasa tungkol sa binyag ni Jesucristo sa isa o higit pa sa mga sumusunod na salaysay ng Ebanghelyo, at alamin kung ano ang matututuhan mo tungkol sa bawat miyembro ng Panguluhang Diyos:

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa bawat miyembro ng Panguluhang Diyos?

Tinutulungan tayo ng mga banal na kasulatang ito na maunawaan na ang bawat miyembro ng Panguluhang Diyos ay isang hiwalay na nilalang at mahalaga ang ginagampanan sa ating buhay. Halimbawa, binigyan tayo ng Tagapagligtas ng halimbawa ng pagsunod sa kalooban ng Ama. Nang malugod ang Diyos kay Jesucristo sa Kanyang binyag, ipinakita Niya na Siya ay isang mapagmahal na Ama sa Langit na masaya kapag sinusunod natin Siya.

  • Kailan mo nadama na nalugod sa iyo ang Ama sa Langit para sa isang bagay na ginawa mo? Paano nakaapekto sa iyo ang kaalamang nalugod Siya sa iyo?

Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith (1805–44) na ang Espiritu Santo ay hindi nagpakita bilang isang kalapati. Sa halip, ipinakita ng kalapati na naroon ang Espiritu Santo. Itinuro ni Joseph Smith, “Ang Espiritu Santo ay hindi nagiging kalapati; ngunit ang palatandaan ng kalapati ay ibinigay kay Juan upang ipahiwatig ang katotohanan ng isinagawa,” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 94–95).

  • Kailan nagpatotoo sa iyo ang Espiritu Santo tungkol sa katotohanan?

  • Ano ang mga katanungan mo tungkol sa Panguluhang Diyos?

Pumili ng isa o higit pa sa mga sumusunod na opsiyon upang matulungan kang maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Panguluhang Diyos. Habang nag-aaral ka, maghanap din ng mga paraan kung paano ka personal na mapagpapala kapag naunawaan mo ang tungkol sa Panguluhang Diyos.

  1. Maghanap ng mga karagdagang kaalaman sa mga banal na kasulatan. Maaari kang maghanap sa “ Diyos, Panguluhang Diyos ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  2. Pag-aralan ang mga turo ng mga propeta at apostol tungkol sa Panguluhang Diyos. Halimbawa, maaari mong basahin ang mensahe ni Dallin H. Oaks na “Ang Panguluhang Diyos at ang Plano ng Kaligtasan” (Ensign o Liahona, Mayo 2017, 100–103), o ang mensahe ni Jeffrey R. Holland na “Pagkilala sa Panguluhang Diyos” (Ensign o Liahona, Ene. 2016, 32–39).

John the Bapist baptizing Jesus Christ in the River Jordan. A landscape of trees and mountains is in the background.
John the Bapist baptizing Jesus Christ in the River Jordan. A landscape of trees and mountains is in the background.
  • Anong mga banal na kasulatan o turo ang nakatulong sa iyo na matutuhan pa ang tungkol sa Panguluhang Diyos? Ano ang natutuhan mo?

  • Paano nakatulong ang kaalamang ito sa kaugnayan mo sa Kanila?

Kunwari ay hinilingan kang mainterbyu para sa isang artikulo kasunod ng artikulong tinalakay sa simula ng klase. Maraming tao ang sumulat sa editor at gustong malaman ang mga dahilan kung bakit pinakamahusay na nakatutugon ang mga kabataang Banal sa mga Huling Araw sa mga hamon ng pagbibinata at pagdadalaga. May pagkakataon kang ipabatid kung paano ka natulungan ng bawat miyembro ng Panguluhang Diyos sa Kanilang mga indibiduwal ngunit magkakaugnay na ginagampanan. Halimbawa, maaaring mayroon kang mga karanasan tungkol sa pagsagot ng Ama sa Langit sa iyong mga panalangin, pagdurusa ni Jesucristo para sa iyong mga kasalanan, o pagpapatibay ng katotohanan sa iyo ng Espiritu Santo. Planuhin ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong sa iyong study journal:

2.

  • Paano ka natutulungan ng bawat miyembro ng Panguluhang Diyos na harapin ang mga pagsubok o problema ng buhay ng isang tinedyer?

  • Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo na maunawaan at makilala ang iba’t ibang miyembro ng Panguluhang Diyos?

  • Ano ang imumungkahi mong gawin ng iba upang matanggap ang mga pagpapalang nagmumula sa Ama sa Langit, kay Jesucristo, at sa Espiritu Santo?

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Bakit sinasabi ng mga banal na kasulatan na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay “iisa” kung sila ay magkakahiwalay at magkakaibang nilalang?

Ipinaliwanag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Naniniwala tayo na ang tatlong banal na personang ito na bumubuo sa isang Panguluhang Diyos ay nagkakaisa sa layunin, sa pag-uugali, sa patotoo, sa misyon. Naniniwala tayo na Sila ay kapwa puspos ng makadiyos na habag at pagmamahal, katarungan at awa, pagtitiyaga, pagpapatawad, at pagtubos. Sa palagay ko tumpak na sabihing naniniwala tayo na Sila ay iisa sa bawat mahalaga at walang hanggang aspeto ngunit hindi tayo naniniwala na Sila ay tatlong [persona] sa iisang katawan, na ideya ng mga Trinitarian na hindi kailanman itinuro sa mga banal na kasulatan dahil hindi ito totoo. …

Ipinapahayag natin na malinaw sa mga banal na kasulatan na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay magkakahiwalay na [persona], tatlong banal na nilalang, at bilang halimbawa ay ang di-maipagkakamali at malinaw na mga paglalarawan ng katotohanan tulad ng dakilang Panalangin ng Pamamagitan ng Tagapagligtas [tingnan sa Juan 17 ] … , ang pagbibinyag sa Kanya ni Juan [tingnan sa Mateo 3:13–17 ; Marcos 1:9–11 ; Lucas 3:21–22 ], ang karanasan sa Bundok ng Pagbabagong-anyo [tingnan sa Marcos 9:7 ; Lucas 9:35 ], at sa pagkamatay ng martir na si Esteban [tingnan sa Mga Gawa 7:55–56 ]—apat pa lang ito sa mga [halimbawa].

(Jeffrey R. Holland, “Ang Iisang Dios na Tunay, at Siyang Kanyang Sinugo, Samakatuwid Baga’y si Jesucristo,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 40–41)

Mateo 3:16 . Nagpakita ba ang Espiritu Santo bilang kalapati?

Ipinaliwanag ni Propetang Joseph Smith (1805-44):

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Ang palatandaan ng kalapati ay pinasimulan bago pa nilikha ang mundo, isang saksi para sa Espiritu Santo, at hindi kayang mag-anyong kalapati ng diyablo. Ang Espiritu Santo ay isang personahe, at nasa anyo ng isang personahe. Hindi ito makikita sa anyong kalapati, kundi sa palatandaan ng kalapati. Ang Espiritu Santo ay hindi nagiging kalapati; ngunit ang palatandaan ng kalapati ay ibinigay kay Juan upang ipahiwatig ang katotohanan ng isinagawa, sapagkat ang kalapati ay isang simbolo o tanda ng katotohanan at kawalang-malay.