Seminary
Mateo 3:13–17, Bahagi 1


Mateo 3:13–17, Bahagi 1

Si Jesucristo ay Bininyagan ni Juan na Tagapagbautismo

Jesus Christ being baptized by John the Baptist in the River Jordan. Christ has been immersed and is ascending out of the water.

Pumunta si Jesucristo kay Juan na Tagapagbautismo upang magpabinyag sa kanya. Makatutulong sa iyo ang lesson na ito na maunawaan at maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa ebanghelyo ni Jesucristo.

Ang kahalagahan ng binyag

Isipin ang mga mahal mo sa buhay na hindi miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ipagpalagay na nakikipag-usap ang isa sa kanila sa mga missionary. Ano kaya ang mararamdaman mo? Ipagpalagay na hiniling sa iyo ng mga missionary na ipaliwanag mo ang kahalagahan ng pagpapabinyag. Isipin kung ano ang maaari mong sabihin na makatutulong sa iyong mahal sa buhay na gawin ang mahalagang hakbang na ito.

  • Sa scale na 1 hanggang 10 (1 = hindi handa; 10 = lubos na handa), gaano ka kahandang ipaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa paraang makatutulong sa iyong mahal sa buhay na naisin niyang magpabinyag?

  • Ano ang gusto mo pang malaman tungkol sa binyag para mas maging handa kang ipaliwanag ang kahalagahan nito?

Sa lesson ngayon, magkakaroon ka ng pagkakataong pag-aralan ang doktrina ng binyag at sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa paksa. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong magsanay sa pagpapaliwanag ng natutuhan mo.

Si Jesucristo ay bininyagan upang ipakita sa atin ang daan

Map 11 - The Holy Land in New Testament Times

Naglakbay si Jesus mula Galilea patungo sa Betabara, marahil nang naglalakad, upang magpabinyag kay Juan na Tagapagbautismo (tingnan sa Mateo 3:13; Juan 1:28; 1 Nephi 10:9). Hawak ni Juan ang mga susi ng Aaronic Priesthood at nagbibinyag siya ng mga tao sa Ilog ng Jordan (tingnan sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Juan Bautista,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org). Gamit ang isa sa mga scale sa mapa, tantiyahin ang layong nilakbay ng Tagapagligtas.

  • Ano kaya ang itinuturo sa iyo ng pagsisikap ng Tagapagligtas na magpabinyag kay Juan tungkol sa Kanya at sa binyag?

Basahin ang Mateo 3:13–17, at ipagpalagay na naroon ka sa binyag ng Tagapagligtas. Maghanap ng mahahalagang detalye tungkol sa Tagapagligtas at sa binyag na gusto mong tandaan.

2:54

The Baptism of Jesus

Jesus seeks out John the Baptist and is baptized in order to fulfill all righteousness.

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 1.

  • Kung naroon ka sa binyag ng Tagapagligtas, ano ang gugustuhin mong matandaan mula sa karanasang ito?

  • Ano sa palagay mo ang matututuhan mo tungkol sa Tagapagligtas at sa binyag?

Isipin kung ano ang maaari mong ibahagi sa iyong kaibigan o kapamilya tungkol sa binyag ni Jesucristo na maaaring makatulong sa kanya.

Maaari ding makatulong na pag-isipan kung ano ang maaaring maging mga tanong ng iyong kaibigan o kapamilya tungkol sa binyag. Maaaring masagot ang ilan sa mga tanong niya sa Mateo 3. Bukod pa rito, ang Aklat ni Mormon ay isang inspiradong resource na naglilinaw sa maraming katotohanan tungkol sa binyag. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga tanong na maaaring itanong ng isang taong hindi nauunawaan ang kahalagahan ng binyag. Pumili ng isang tanong na sa palagay mo ay maaaring itanong ng iyong kaibigan o kapamilya. Pagkatapos ay pag-aralan ang kaugnay na mga scripture verse sa Aklat ni Mormon at alamin kung paano ka matutulungan ng mga ito na masagot ang tanong na iyon.

  • Kahit bininyagan si Jesus, kailangan ko rin bang magpabinyag? Bakit oo o bakit hindi? (Tingnan sa 2 Nephi 9:21, 23–24; 2 Nephi 31:5, 10–11.)

  • Bakit ko gugustuhing magpabinyag? Anong mga biyaya ang matatanggap ko? (Tingnan sa 2 Nephi 31:12–13, 17–18.)

  • Nagpunta si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo para magpabinyag. Sino ang maaaring magbinyag sa akin? (Tingnan sa 3 Nephi 11:19–22.)

  • Si Jesus ay bininyagan sa Ilog ng Jordan at umahon sa tubig. Kailangan ko bang ganap na malubog sa tubig, o may iba pa bang paraan para mabinyagan? (Tingnan sa 2 Nephi 31:13; 3 Nephi 11:23–26.)

  • Kung bibinyagan ako upang malinis mula sa kasalanan, bakit bininyagan si Jesus? Wala Siyang kasalanan, ‘di ba? (Tingnan sa 2 Nephi 31:5–11.)

Writing on a piece of paper with a pen or pencil. 2. Isulat ang iyong sagot sa sumusunod na prompt sa study journal mo.

Gamit ang natutuhan mo sa Mateo 3:13–17 at sa Aklat ni Mormon, isulat kung paano mo ipapaliwanag ang kahalagahan ng binyag sa iyong kapamilya o kaibigan.

Kung inspirado ka, maaari mong ibahagi ang iyong paliwanag sa isang kaibigan o kapamilya na hindi pa nabibinyagan bilang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang pagbabahagi sa isang taong nabinyagan na ay maaari ding maging makabuluhang aktibidad.

Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Mateo 3:13. Bakit nagpunta si Jesus kay Juan para magpabinyag?

Ipinaliwanag ni Joseph Smith ang awtoridad na hawak ni Juan na Tagapagbautismo nang sabihin niyang:

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Si Juan, noong panahong iyon, ang tanging legal na tagapangasiwa sa mga gawain ng kaharian na nasa lupa noon, at mayhawak ng mga susi ng kapangyarihan. Kinailangang sundin ng mga Judio ang kanyang mga tagubilin o mapapahamak sila, ayon sa sarili nilang batas. … Kinuha ng anak ni Zacarias ang mga susi, ang kaharian, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian mula sa mga Judio, sa pamamagitan ng banal na pagpapahid ng langis at utos ng langit.

Paano natin malalaman na mahalaga ang binyag?

Itinuro ng Tagapagligtas ang tungkol sa kahalagahan ng binyag nang sabihin Niya kay Nicodemo na kailangan ito upang makapasok sa kaharian ng Diyos (tingnan sa Juan 3:5). Itinuro din Propetang Joseph Smith na napakahalaga ng binyag sa kaligtasan:

Half-length frontal portrait of the Prophet Joseph Smith, Jr. Joseph’s head is turned to the side in a three-quarter view, right hand on hip and his left hand holds sheets of papers. He is depicted wearing a dark brown suit and a white shirt and tie.

Magsisi sa lahat ng kasalanan ninyo, at mabinyagan sa tubig para sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, at tanggapin ang ordenansa ng pagpapatong ng mga kamay ng taong naorden at nabuklod sa kapangyarihang ito, upang matanggap ninyo ang Banal na Espiritu ng Diyos; at ito ay alinsunod sa mga Banal na Kasulatan, at sa Aklat ni Mormon; at ang tanging paraan para makapasok ang tao sa kahariang selestiyal.

Paano nililinaw ng Aklat ni Mormon ang doktrina ng binyag na itinuro sa Biblia?

Itinuro ni Elder Tad R. Callister ng Panguluhan ng Pitumpu:

Brother Tad R. Callister, Sunday school General President. Official Portrait 2018.

Muli’t muli ang Aklat ni Mormon ang saksing nagpapatibay, naglilinaw, pinagkakaisa ang mga doktrinang itinuro sa Biblia kaya mayroon lang “isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.” …

May iba’t ibang paraan ng binyag sa mundo ngayon kahit sinabi sa atin ng Biblia kung paano bininyagan ang Tagapagligtas, na ating dakilang Huwaran: “[Siya], pagdaka’y umahon sa tubig” (Mateo 3:16). Makakaahon ba siya mula sa tubig kung hindi muna Siya lumubog doon? Para walang pagtatalo tungkol sa paksang ito, niliwanag ito ng Aklat ni Mormon sa tuwirang pahayag na ito ng doktrina tungkol sa tamang paraan ng pagbibinyag: “At pagkatapos inyo silang ilulubog sa tubig” (3 Nephi 11:26).

(Tad R. Callister, “Ang Aklat ni Mormon—Isang Aklat mula sa Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 75–76)