Seminary
Doctrinal Mastery: Assessment 1


Doctrinal Mastery: Assessment 1

Mateo 5:14–16 hanggang Juan 17:3

Sa unang kalahati ng kursong ito, pinag-aralan ng mga estudyante ang 11 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Mateo, Lucas, at Juan. Ang assessment na ito ay ginawa upang ma-assess ang kakayahan ng mga estudyante na mahanap ang mga scripture passage na ito at gamitin ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ia-assess din nito ang kanilang pag-unawa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pasagutan ang doctrinal mastery assessment na ito anumang oras pagkatapos ituro ang lahat ng doctrinal mastery passage sa Mateo, Lucas, at Juan. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunod-sunod ng mga banal na kasulatan para mapasagutan ang assessment bago matapos ang semester.

Kung maaari, pasagutan nang personal ang assessment na ito para maiwasto agad ng mga estudyante ang assessment bilang klase matapos nila itong makumpleto.

Bukod pa sa pag-assess sa kasalukuyang kaalaman ng mga estudyante, ang karanasan sa pagsagot at pagwawasto ng assessment ay nilayong maging isang karanasang makabuluhan at nagpapatibay ng patotoo para sa mga estudyante. Habang iwinawasto ang sagot sa tanong 7–12, anyayahan ang mga estudyante na sabihin kung bakit iyon ang pinili nilang isagot at ipaliwanag kung paano makatutulong ang scripture passage na pinili nila sa mga sitwasyong inilarawan sa assessment. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang anumang tanong na maaaring nasagot nila nang mali. Maglaan ng oras na sagutin ang anumang karagdagang tanong ng mga estudyante.

New Testament Seminary Teacher Manual - 2023

Doctrinal Mastery ng Bagong Tipan: Assessment 1

Mga doctrinal mastery reference

Para sa mga tanong 1–3, isulat ang letra ng katumbas na reperensya sa patlang sa tabi ng bawat parirala. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

1. ____ “Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

a. Mateo 11:28–30

2. ____ Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

b. Lucas 2:10–12

3. ____ “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

c. Lucas 22:19–20

d. Juan 3:5

e. Juan 3:16

Mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Para sa mga tanong 4–6, punan ang mga nawawalang salita sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

4. Sinabi ni Jesus, “__________ ko sa iyo ang __________ ng __________” ( Mateo 16:15–19).5. “Sapagkat __________ sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang __________, na siya ang Cristo, ang __________” ( Lucas 2:10–12).6. “Sapagkat ang isang __________’y walang __________ at __________, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” ( Lucas 24:36–39).

Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para sa natitirang bahagi ng assessment.

Para sa mga tanong 7–9, tumukoy ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang tao sa mga sumusunod na sitwasyon.

7. Kasama mo ang mga missionary nang may nagtanong kung kailangan ba talaga siyang mabinyagan o kung puwede na lang niyang tanggapin si Jesucristo sa kanyang puso.

8. Sa Sunday School, isang miyembro ng iyong ward ang nagtanong kung paano niya malalaman na ang doktrinang itinuturo sa Simbahan ay mula sa Diyos.

9. Isang tao ang naghahanda ng lesson para sa family home evening tungkol sa kung paano tayo magiging mas mabubuting disipulo ni Jesucristo.

Sa mga tanong 10–11, ipakita ang iyong kaalaman at kakayahan na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

10. Paano mo ipaliliwanag ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang taong hindi pamilyar sa mga ito?

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos.

11. May kaibigan ka na nahihirapang maniwala na mahal siya ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at gusto Nila na makipag-ugnayan sa kanya. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga partikular na bagay ang ipagagawa mo sa kanya upang kumilos siya nang may pananampalataya?

  • Paano mo siya matutulungan na makita ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

  • Ang mga doctrinal mastery passage ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos. Anong (mga) doctrinal mastery passage ang maaari mong ibahagi sa kanya? Bakit?

12. Sa 11 doctrinal mastery passage na napag-aralan mo na, alin sa mga ito ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo, at bakit? Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para makumpleto ang assessment. Pagkatapos ng mga estudyante, rebyuhin ito bilang isang klase. Bilang titser, magpasya kung mas kapaki-pakinabang para sa mga estudyante na iwasto ang kanilang sariling sagot o ipasa ito sa isang kaklase na siyang magwawasto nito.

Mga sagot

1. d. Juan 3:5

2. c. Lucas 22:19–20

3. a. Mateo 11:28–30

4. ibibigay; mga susi; kaharian

5. ipinanganak; Tagapagligtas; Panginoon

6. espiritu; laman; mga buto

7. Ang isang posibleng sagot ay Juan 3:5 , ngunit maaaring makatanggap ang mga estudyante ng credit o puntos dahil sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage upang matulungan silang ipaliwanag ang kahalagahan ng paggawa at pagtupad ng mga tipan sa Diyos sa pamamagitan ng wastong awtoridad ng priesthood.

8. Ang isang posibleng sagot ay Juan 7:17 , ngunit maaaring makatanggap ang mga estudyante ng credit o puntos sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage upang ipaliwanag kung paano magkaroon ng patotoo tungkol sa totoong doktrina.

9. Maraming doctrinal mastery passage ang maaaring makatulong sa mga estudyante na ipaliwanag kung paano maging mas mabuting disipulo ni Jesucristo. Kabilang sa ilan sa mga scripture passage na maaaring ginamit ng mga estudyante ay ang Mateo 5:14–16 ; Mateo 22:36–39 ; Lucas 22:19–20 ; at Juan 17:3 .

10. Dapat maipaliwanag nang maikli ng mga estudyante ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mong ipahambing sa kanila ang kanilang mga sagot sa mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

11. Dapat maipaliwanag ng mga estudyante ang mga kilos na may kaugnayan sa pagkilos nang may pananampalataya at pagsusuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw. Dapat din silang tumukoy ng isang doctrinal mastery passage na tumutulong sa atin na maunawaan ang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang hangarin na magkaroon tayo ng personal na ugnayan sa Kanya. Kabilang sa ilan sa mga scripture passage na maaaring ginamit ng mga estudyante ay ang Mateo 11:28–30 ; Juan 3:16 ; at Juan 17:3 .

12. Basta’t sinasagot ng mga estudyante ang tanong na ito nang taos-puso at lubos, dapat silang bigyan ng credit o puntos. Ito ay tanong na maaaring sagutin sa maraming paraan at maaaring sagutin ng mga estudyante sa paraang gusto nila.

Upang matulungan ang mga estudyante na magpaliwanag, magbahagi, at magpatotoo, sabihin sa kanila na talakayin ang doctrinal mastery passage na pinili nila para sa tanong 12 at kung bakit nila ito pinili. Maaaring maging epektibo na maanyayahan na magbahagi ang mas maraming estudyante hangga’t posible sa natitirang oras. Sabihin sa kanilang ibahagi kung ano ang itinuturo sa kanila ng scripture passage na pinili nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Bilang titser, maaari ka ring magbahagi ng isang makabuluhang doctrinal mastery passage.

Tapusin ang assessment sa pamamagitan ng pagbabahagi ng patotoo tungkol sa kapangyarihang nagmumula sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa doktrina ni Jesucristo na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan at pagiging handang ipamuhay ang Kanyang mga turo sa mga totoong sitwasyon sa buhay.