Seminary
Doctrinal Mastery: Assessment 2


Doctrinal Mastery: Assessment 2

1 Corinto 6:19–20 hanggang Apocalipsis 20:12

Sa unang kalahati ng kursong ito, pinag-aralan ng mga estudyante ang 13 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa 1 Corinto hanggang Apocalipsis. Ang assessment na ito ay ginawa upang ma-assess ang kakayahan ng mga estudyante na mahanap ang mga scripture passage na ito at gamitin ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Ia-assess din nito ang kanilang pag-unawa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pasagutan ang doctrinal mastery assessment na ito anumang oras pagkatapos ituro ang lahat ng doctrinal mastery passage mula 1 Corinto hanggang Apocalipsis. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunod-sunod ng mga banal na kasulatan para mapasagutan ang assessment bago matapos ang semester.

Kung maaari, pasagutan nang personal ang assessment na ito para maiwasto agad ng mga estudyante ang assessment bilang klase matapos nila itong makumpleto.

Bukod pa sa pag-assess sa kasalukuyang kaalaman ng mga estudyante, ang karanasan sa pagsagot at pagwawasto ng assessment ay nilayong maging isang karanasang makabuluhan at nagpapatibay ng patotoo para sa mga estudyante. Habang iwinawasto ang sagot sa tanong 7–12, anyayahan ang mga estudyante na sabihin kung bakit iyon ang pinili nilang isagot at ipaliwanag kung paano makatutulong ang scripture passage na pinili nila sa mga sitwasyong inilarawan sa assessment. Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang anumang tanong na maaaring nasagot nila nang mali. Maglaan ng oras na sagutin ang anumang karagdagang tanong ng mga estudyante.

Doctrinal Mastery sa Bagong Tipan: Assessment 2

Mga doctrinal mastery reference

Para sa mga tanong 1–3, isulat ang letra ng katumbas na reperensya sa patlang sa tabi ng bawat parirala. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

1. ____ “Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

a. 1 Corinto 11:11

2. ____ “Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

b. Efeso 1:10

3. ____ “Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

c. 2 Timoteo 3:15–17

d. Santiago 2:17–18

e. Apocalipsis 20:12

Mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Para sa mga tanong 4–6, punan ang mga nawawalang salita sa mahahalagang parirala ng doctrinal mastery. Mangyaring huwag gamitin ang iyong mga banal na kasulatan sa bahaging ito ng assessment.

4. “Ang inyong __________ ay __________ ng _________ ___________” ( 1 Corinto 6:19–20).

5. Ang Simbahan ay “itinayo sa __________ inilagay ng __________ at ng mga propeta, na si __________ __________ ang batong panulok” ( Efeso 2:19–20).

6. “Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi __________, malibang __________ maganap ang __________” ( 2 Tesalonica 2:1–3).

Maaari mong gamitin ang iyong mga banal na kasulatan para sa natitirang bahagi ng assessment.

Para sa mga tanong 7–9, tumukoy ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na makatutulong sa isang tao sa mga sumusunod na sitwasyon.

7. Pumanaw kamakailan ang isang mahal sa buhay ng iyong kaibigan. Maraming tanong ang kaibigan mo tungkol sa kung ano ang mangyayari sa atin pagkatapos ng kamatayan.

8. Ang kapatid mo ay tila nahihirapan at nagdududa kung talagang kilala siya ng Diyos.

9. Hiniling sa iyo ng isang lider ng Simbahan na magbigay ka ng payo sa iyong mga kaklase sa susunod na lesson sa Sunday School kung paano sila mananatiling tapat kapag nahaharap sa mga maling ideya at tukso.

Sa mga tanong 10–11, ipakita ang iyong kaalaman at kakayahan na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

10. Paano mo ipaliliwanag ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang taong hindi pamilyar sa mga ito?

  • Kumilos nang may pananampalataya.

  • Suriin ang mga konsepto at mga tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  • Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

11. May kaibigan ka na malapit nang magtapos sa high school at kinakabahan siya sa mahahalagang desisyong gagawin niya sa kanyang buhay sa susunod na ilang taon. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga partikular na bagay ang ipagagawa mo sa kanya upang kumilos siya nang may pananampalataya?

  • Paano mo siya matutulungan na makita ang kanyang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

  • Ang mga doctrinal mastery passage ay mga halimbawa ng sources na itinalaga ng Diyos. Anong (mga) doctrinal mastery passage ang maaari mong ibahagi sa iyong kaibigan? Bakit?

12. Sa 13 doctrinal mastery passage na napag-aralan mo ngayong semester, alin sa mga ito ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo, at bakit? Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para makumpleto ang assessment. Pagkatapos ng mga estudyante, rebyuhin ito bilang isang klase. Bilang titser, magpasiya kung mas kapaki-pakinabang para sa mga estudyante na iwasto ang kanilang sariling sagot o ipasa ito sa isang kaklase na siyang magwawasto nito.

Mga sagot

  1. d. Santiago 2:17–18

  2. b. Efeso 1:10

  3. a. 1 Corinto 11:11

  4. katawan; templo; Espiritu Santo

  5. saligang; mga apostol; Cristo Jesus

  6. darating; maunang; pagtalikod

  7. Kabilang sa mga posibleng sagot ang 1 Corinto 15:20–22 at 1 Pedro 4:6 , ngunit makatatanggap ang mga estudyante ng puntos sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage upang matulungan silang ipaliwanag ang plano ng Diyos para sa atin pagkatapos ng pisikal na kamatayan.

  8. Kabilang sa mga posibleng sagot ang Mga Hebreo 12:9 at Santiago 1:5–6 , ngunit makatatanggap ang mga estudyante ng puntos sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage upang tulungan silang ipaliwanag na kilala tayo ng Diyos.

  9. Kabilang sa mga posibleng sagot ang 1 Corinto 6:19–20 at Apocalipsis 20:12 , ngunit makatatanggap ang mga estudyante ng puntos sa paggamit ng anumang doctrinal mastery passage na kinabibilangan ng mga katotohanang makatutulong sa atin na manatiling tapat kapag nahaharap sa mga maling ideya at tukso.

  10. Dapat magbigay ang mga estudyante ng maikling paliwanag ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaari mong ipahambing sa kanila ang kanilang mga sagot sa talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document (2022).

  11. Dapat maipaliwanag ng mga estudyante ang mga ginawa na may kaugnayan sa pagkilos nang may pananampalataya at pagsusuri ng mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw. Dapat din silang tumukoy ng isang doctrinal mastery passage na tumutulong sa atin na maunawaan kung paano tumanggap ng patnubay para sa mahahalagang desisyon sa ating buhay. Kabilang sa ilang doctrinal mastery passage na magagamit ng mga estudyante ang Efeso 2:19–20 at 2 Timoteo 3:15–17 .

  12. Hangga’t sinasagot ng mga estudyante ang tanong na ito nang taos-puso at nang kumpleto, dapat silang bigyan ng puntos.

Upang matulungan ang mga estudyante na magpaliwanag, magbahagi, at magpatotoo, sabihin sa kanila na talakayin ang doctrinal mastery passage na pinili nila para sa tanong 12 at kung bakit nila ito pinili. Maaaring maging epektibo na maanyayahan na magbahagi ang mas maraming estudyante hangga’t posible sa natitirang oras. Sabihin sa kanilang ibahagi kung ano ang itinuturo sa kanila ng doctrinal mastery passage na pinili nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Bilang titser, maaari ka ring magbahagi ng isang makabuluhang doctrinal mastery passage.Tapusin ang assessment sa pamamagitan ng pagbabahagi ng patotoo tungkol sa kapangyarihang nagmumula sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa doktrina ni Jesucristo na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan at pagiging handang ipamuhay ang Kanyang mga turo sa mga totoong sitwasyon sa buhay.