Seminary
Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 1


Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 1

Mateo 5:14–16 hanggang Juan 17:3

Ang pagrerebyu para sa doctrinal mastery assessment na ito ay nilayon bilang karanasan sa pag-aaral upang tulungan ang mga estudyante na marebyu ang 11 doctrinal mastery passage na matatagpuan sa Mateo, Lucas, at Juan. Tutulong din ito na maihanda ang mga estudyante para sa darating na assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 1”) at magbibigay sa kanila ng pagkakataon na maipakita ang kanilang pagkaunawa at pagsasabuhay ng mga scripture passage na ito.

Ang lesson para sa pagrerebyu na ito ay magagamit bilang personal o pang-videoconference na karanasan sa pag-aaral.

Gamitin ang pagrerebyu na ito at pasagutan ang doctrinal mastery assessment anumang oras pagkatapos ituro ang lahat ng doctrinal mastery passage sa Mateo, Lucas, at Juan. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunod-sunod ng mga banal na kasulatan para mapasagutan ang assessment bago matapos ang semester.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kahalagahan ng doctrinal mastery

Isipin ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at piliin ang mga bahagi ng pagrererebyu na ito na pinakamakatutulong sa kanila sa paghahanda para sa unang doctrinal mastery assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 1”). Sabihin sa mga estudyante na sa buong oras na ito ng pagrerebyu na itala rin ang mga scripture passage na hindi nila alam at gumawa ng mga plano na pag-aralan at rebyuhin ang mga scripture passage na ito bilang paghahanda para sa assessment.

Itanong ang sumusunod, at maaari mong isulat sa pisara ang isa o dalawa sa mga sitwasyong ibabahagi ng mga estudyante, o kaya ay anyayahan lang ang mga estudyante na tandaan ang mga sitwasyon. Ang pangatlong aktibidad sa pagrerebyu ay nagbibigay ng pagkakataong magamit ang mga sitwasyong ito.

  • Ano ang ilang sitwasyon kung saan makatutulong sa iyo na alam mo kung saan mahahanap ang mga doctrinal mastery passage?

Ang mga quiz sa mga aktibidad sa pagrerebyu 1 at 2 sa ibaba ay mga mungkahi upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga reperensya at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaaring gumamit ng iba’t ibang aktibidad upang maisakatuparan ito ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

Aktibidad sa pagrerebyu 1: Alamin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipakita ang sumusunod na quiz, o magbigay ng mga kopya nito sa mga estudyante.

Ang iba pang paraan para magamit ang sumusunod na aktibidad ay ang isulat sa pisara ang 11 reperensyang banal na kasulatan. Pagkatapos ay basahin nang malakas ang bawat mahalagang parirala ng banal na kasulatan upang malaman kung mahahanap ng mga estudyante ang tamang scripture passage sa loob ng 15 segundo (o sa itinakdang oras). Kapag tapos na ang oras, ipabanggit sa mga estudyante ang reperensya.

Ang isa pang paraan upang matulungan ang mga estudyante na maging mas aktibo ay isulat sa pisara ang 11 reperensyang banal na kasulatan. I-print at idikit ang bawat isa sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan sa iba’t ibang lugar sa silid. Sabihin sa mga estudyante na hanapin sa buong silid ang lahat ng 11 parirala, at tingnan kung matutukoy nila kung aling reperensya ang nauukol sa bawat parirala kapag nahanap nila ang mga ito.

Mga sagot: 1-d, 2-g, 3-c, 4-h, 5-e, 6-k, 7-j, 8-a, 9-f, 10-b, 11-i

Itugma ang sumusunod na mahahalagang parirala sa kaliwang column sa wastong doctrinal mastery passage sa kanang column.

1. ___ “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

a. Mateo 5:14–16

2. ___ “Sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

b. Mateo 11:28–30

3. ___ Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

c. Mateo 16:15–19

4. ___ “Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

d. Mateo 22:36–39

5. ___ “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

e. Lucas 2:10–12

6. ___ “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesucristo.”

f. Lucas 22:19–20

7. ___ “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”

g. Lucas 24:36–39

8. ___ “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

h. Juan 3:5

9. ___ Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

i. Juan 3:16

10. ___ “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

j. Juan 7:17

11. ___ “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

k. Juan 17:3

Aktibidad sa pagrerebyu 2: Alamin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipakita ang sumusunod na quiz, o magbigay ng mga kopya nito sa mga estudyante.

Maaari mong isulat sa pisara ang lahat ng 15 tamang sagot sa sumusunod na limang tanong nang hindi sunod-sunod. Sabihin sa mga estudyante na gupitin sa 15 maliit na piraso ang isang papel at magsulat ng isang tamang sagot sa bawat isa sa mga ito. Pagkatapos ay ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na limang tanong bilang handout, at sabihin sa kanila na subukang ilagay ang 15 piraso ng papel sa mga tamang patlang para makumpleto ang bawat parirala.

Mga sagot: (1) lumapit; nanlulupaypay; kapahingahan; (2) ibibigay; mga susi; kaharian; (3) ipinanganak; Tagapagligtas; Panginoon; (4) espiritu; laman; mga buto; (5) walang hanggan; makilala; Diyos

Punan ang mga patlang ng mga nawawalang salita mula sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  1. “__________ kayo sa akin, kayong lahat na __________ at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng __________” ( Mateo 11:28–30).

  2. Sinabi ni Jesus, “__________ ko sa iyo ang __________ ng __________” ( Mateo 16:15–19).

  3. “Sapagkat __________ sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang __________, na siya ang Cristo, ang __________” ( Lucas 2:10–12).

  4. “Sapagkat ang isang __________’y walang __________ at __________, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” ( Lucas 24:36–39).

  5. “At ito ang buhay na __________, na ikaw ay __________ nila na iisang __________, at si [Jesucristo]” ( Juan 17:3).

Aktibidad sa pagrerebyu 3: Ipamuhay ang doktrina

Ang sumusunod na aktibidad ay tutulong sa mga estudyante na magpakita ng pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na ipaliwanag kung paano maipamumuhay ang mga ito sa mga sitwasyon sa tunay na uhay. Hayaang gamitin ng mga estudyante ang kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan silang pumili ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay makatutulong sa taong inilarawan sa aktibidad. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong sa taong iyon ang scripture passage na pinili nila. Maraming talata sa doctrinal mastery ang magagamit sa bawat sitwasyon.

Maaaring gawin ang aktibidad na ito nang magkakagrupo, nang indibiduwal, o bilang isang klase, o maaari itong gawin gamit ang kumbinasyon ng tatlong ito. Sa halip na gamitin ang mga sumusunod na iminumungkahing sitwasyon, maaari mong sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga sitwasyong ibinahagi nila sa simula ng klase.

  1. Gustong malaman ng isang taong nag-aaral tungkol sa Simbahan kung talagang kailangan niyang mabinyagan kung tinanggap na niya si Jesucristo bilang kanyang Tagapagligtas.

  2. May kaibigan kang nagtatanong kung mahal siya ng Ama sa Langit.

  3. Iniisip ng kapatid mo kung paano siya magiging mas mabuting disipulo ni Jesucristo.

Aktibidad sa pagrerebyu 4: Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring maging epektibo para sa mga estudyante na gawin ang aktibidad na ito nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

Nahihirapan ang kaibigan mo na magkaroon ng personal na patotoo na mula sa Diyos ang doktrinang itinuturo sa Simbahan.

Ituro sa iyong kaibigan ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at kung paano niya magagamit ang mga ito upang matanggap ang tulong ng Ama sa Langit sa kanyang alalahanin:

Kumilos nang may pananampalataya.

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos.

  • Anong mga doctrinal mastery passage mula sa kalahating ito ng kursong ang maaaring makatulong sa iyong kaibigan? Paano makatutulong sa kanya ang mga scripture passage na ito?

  • Paano makatutulong na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong o alalahanin?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntuning ito upang matulungan ang iba o upang malutas ang sarili mong mga alalahanin?

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung anong doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa kanila at nakatulong sa kanila na mas maunawaan o mahalin ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Ipaliwanag na magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang scripture passage na ito at kung ano ang itinuturo nito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo bilang bahagi ng assessment.

Color Handouts IconMaaari mong ipamahagi ang sumusunod na handout sa mga estudyante upang matulungan silang maghanda para sa assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 1”).

New Testament Seminary Teacher Manual - 2023

Doctrinal Mastery: Assessment 1—Gabay sa Pag-aaral

Isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maging pamilyar sa mga doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari mong i-download at gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app upang matulungan kang magrebyu.

Mateo 5:14–16 . “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao.”

Mateo 11:28–30 . “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Mateo 16:15–19 . Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.”

Mateo 22:36–39 . “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos. … Ibigin mo ang iyong kapwa.”

Lucas 2:10–12 . “Sapagkat ipinanganak sa inyo ngayon sa lunsod ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.”

Lucas 22:19–20 . Iniutos ni Jesucristo, tumanggap ng sakramento “sa pag-aalaala sa akin.”

Lucas 24:36–39 . “Sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Juan 3:5 . “Malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos.”

Juan 3:16 . “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak.”

Juan 7:17 . “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos, ay makikilala niya … ang turo.”

Juan 17:3 . “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si [Jesucristo].”

Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

  • Gumamit ng isa o mahigit pang doctrinal mastery scripture passage upang sagutin ang isang taong nagtatanong ng, “Ano ang itinuturo ng Bagong Tipan tungkol sa pagkakaroon ng personal na patotoo na mula sa Diyos ang doktrinang itinuturo sa Simbahan?”

  • Kung ituturo mo sa isang tao ang pagmamahal ng Diyos para sa kanya, anong mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan ang gagamitin mo? Paano mo gagamitin ang mga doctrinal mastery passage na ito upang maipaliwanag ang pagmamahal ng Diyos?

Maging handang ibahagi kung alin sa mga doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo. Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Rebyuhin ang mga talata 5–12 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).