Seminary
Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 2


Doctrinal Mastery: Pagrerebyu para sa Assessment 2

1 Corinto 6:19–20 hanggang Apocalipsis 20:12

Ginawa ang pagrerebyu para sa doctrinal mastery assessment na ito bilang karanasan sa pagkatuto upang tulungan ang mga estudyante na marebyu ang 13 doctrinal mastery passage na matatagpuan mula sa 1 Corinto hanggang Apocalipsis. Makatutulong din ito na maihanda ang mga estudyante para sa darating na assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 2”) at magbibigay sa kanila ng pagkakataon na maipakita ang pagkaunawa at pagsasabuhay sa mga scripture passage na ito.

Ang lesson para sa pagrerebyu na ito ay magagamit bilang personal o pang-videoconference na karanasan sa pagkatuto.

Gamitin ang pagrerebyung ito at ibigay ang doctrinal mastery assessment anumang oras pagkatapos ituro ang lahat ng doctrinal mastery passage mula sa 1 Corinto hanggang Apocalipsis. Maaaring kailanganing ituro ang ilan sa mga doctrinal mastery lesson bago lumabas ang mga ito sa pagkakasunod-sunod ng mga banal na kasulatan para mapasagutan ang assessment bago matapos ang semester.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Doctrinal mastery sa iyong buhay

Isipin ang mga pangangailangan ng mga estudyante, at piliin ang mga bahagi ng pagrererebyung ito na pinakamakatutulong sa kanila na maghanda para sa “Doctrinal Mastery: Assessment 2.” Sabihin sa mga estudyante na sa buong oras na ito ng pagrerebyu na isulat ang mga scripture passage na hindi nila alam at gumawa ng mga plano na pag-aralan at rebyuhin ang mga scripture passage na ito bilang paghahanda para sa assessment.

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang sumusunod na mga tanong.

  • Paano ka napagpala sa pag-aaral ng mga doctrinal mastery passage mula sa 1 Corinto hanggang Apocalipsis?

  • Kailan mo nagamit sa iyong buhay ang natutuhan mo mula sa mga doctrinal mastery passage na ito?

Ang mga sumusunod na quiz sa mga aktibidad sa pagrerebyu 1 at 2 sa ibaba ay ginawa upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga doctrinal mastery reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari ding gumamit ng iba’t ibang aktibidad upang makatulong sa pagrerebyu ng mga reperensya at parirala ng banal na kasulatan ayon sa mga pangangailangan ng mga estudyante.

Aktibidad sa pagrerebyu 1: Alamin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipakita ang sumusunod na quiz, o magbigay ng mga kopya nito sa mga estudyante.

Bilang alternatibo sa pagpapakita ng quiz o pagbibigay ng mga kopya nito sa mga estudyante, isulat ang bawat reperensya sa magkakahiwalay at maliliit na piraso ng papel, at ilagay ang mga ito sa isang mangkok. Pagkatapos ay isulat ang bawat mahalagang parirala sa magkakahiwalay at maliliit na piraso ng papel, at ilagay ang mga iyon sa ibang mangkok. Sabihin sa isang estudyante na pumili ng isang papel mula sa alinman sa mga mangkok at basahin ito sa klase. Itanong sa mga miyembro ng klase kung alam nila kung ano ang katugmang reperensya o mahalagang parirala. Pagkatapos ay sabihin sa ibang estudyante na pumili ng isang papel mula sa isa pang mangkok. Upang makadagdag ng interes, maaari mong sabihin sa mga estudyante na kung masuwerte nilang mapili ang kaukulang reperensya o mahahalagang parirala, tatanggap sila ng maliit na regalo. Kung hindi sila makakabunot ng magkatugma, itanong sa klase kung ano ang katugmang reperensya o mahalagang parirala. Ipagpatuloy ang prosesong ito na iba’t ibang estudyante ang pumipili ng isang piraso ng papel mula sa alinman sa mga mangkok hanggang sa walang matirang papel sa dalawang mangkok.

Mga sagot: 1-d, 2-g, 3-c, 4-h, 5-e, 6-k, 7-j, 8-a, 9-f, 10-b, 11-i, 12-m, 13-l

Itugma ang sumusunod na mahahalagang parirala sa kaliwang column sa wastong doctrinal mastery passage sa kanang column.

1. ___ Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.

a. 1 Corinto 6:19–20

2. ___ “Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating, malibang maunang maganap ang pagtalikod.”

b. 1 Corinto 11:11

3. ___ “Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

c. 1 Corinto 15:20–22

4. ___ “Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”

d. 1 Corinto 15:40–42

5. ___ “Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”

e. Efeso 1:10

6. ___ “Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”

f. Efeso 2:19–20

7. ___ “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”

g. 2 Tesalonica 2:1–3

8. ___ “Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”

h. 2 Timoteo 3:15–17

9. ___ Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”

i. Mga Hebreo 12:9

10. ___ “Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”

j. Santiago 1:5–6

11. ___ Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”

k. Santiago 2:17–18

12. ___ “At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”

l. 1 Pedro 4:6

13.___ “Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”

m. Apocalipsis 20:12

Aktibidad sa pagrerebyu 2: Alamin ang mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Ipakita ang sumusunod na quiz, o magbigay ng mga kopya nito sa mga estudyante.

Bilang alternatibo sa pagpapakita ng quiz o pagbibigay ng mga kopya nito sa mga estudyante, mag-assign sa bawat estudyante ng ibang doctrinal mastery passage. Ipaalam sa kanila na ang kanilang mithiin ay gumamit ng pinakakaunting salita hangga’t maaari upang matulungan ang klase na matukoy ang kaukulang reperensyang banal na kasulatan. Sabihin sa isang estudyante na tumayo at magbahagi ng bagong salita mula sa kanyang mahalagang parirala ng banal na kasulatan kada limang segundo hanggang sa matukoy nang tama ng klase ang reperensya. Pagkatapos ay sabihin sa klase na bigkasin nang sabay-sabay ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan bago tumayo ang susunod na estudyante upang magbahagi ng mahahalagang salita mula sa scripture passage na naka-assign sa kanya. Maaaring makatulong sa mga estudyante na rebyuhin ang lahat ng 13 mahalagang parirala ng banal na kasulatan sa ganitong paraan sa halip na ang mga sumusunod lamang na iminungkahing scripture passage.

Mga sagot: (1) katawan; templo; Espiritu Santo; (2) saligang; mga apostol; Cristo Jesus; (3) darating; maunang; pagtalikod; (4) karunungan; humingi; Diyos; (5) ebanghelyo; ipinangaral; patay

Punan ang patlang ng nawawalang salita o mga salita mula sa mahahalagang parirala ng banal na kasulatan.

  1. “Ang inyong __________ ay __________ ng _________ ___________” ( 1 Corinto 6:19–20).

  2. Ang Simbahan ay “itinayo sa __________ inilagay ng __________ at ng mga propeta, na si __________ __________ ang batong panulok” ( Efeso 2:19–20).

  3. “Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi __________, malibang __________ maganap ang __________” ( 2 Tesalonica 2:1–3).

  4. “Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng __________, __________ siya sa __________” ( Santiago 1:5–6).

  5. “Ang __________ ay __________ maging sa mga __________” ( 1 Pedro 4:6).

Aktibidad sa pagrerebyu 3: Ipamuhay ang doktrina

Ang sumusunod na aktibidad ay tutulong sa mga estudyante na magpakita ng pag-unawa sa mga doctrinal mastery passage sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na ipaliwanag kung paano maipamumuhay ang mga scripture passage sa mga sitwasyon sa tunay na buhay. Hayaang gamitin ng mga estudyante ang kanilang mga banal na kasulatan upang matulungan silang pumili ng isa o mahigit pang doctrinal mastery passage na sa palagay nila ay makatutulong sa taong inilarawan sa aktibidad. Sabihin sa kanila na ipaliwanag kung paano makatutulong sa taong iyon ang scripture passage na pinili nila. Maaaring gamitin ang maraming doctrinal mastery passage sa bawat sitwasyon.

Maaaring gawin ang aktibidad na ito nang indibiduwal, nang magkakagrupo, o bilang isang klase, o gamit ang kumbinasyon ng tatlo. Maaari ding gumawa ang mga estudyante ng mga sarili nilang makatotohanang sitwasyon para sa mga doctrinal mastery passage.

  1. Pumanaw kamakailan ang isang mahal sa buhay ng iyong kaibigan. Maraming tanong ang kaibigan mo tungkol sa kung ano mangyayari sa atin pagkatapos ng kamatayan.

  2. Ang kapatid mo ay tila nahihirapan at nagdududa kung talagang kilala siya ng Diyos.

  3. Hiniling sa iyo ng isang lider ng Simbahan na magbigay ka ng payo sa iyong mga kaklase sa susunod na lesson sa Sunday School kung paano sila mananatiling tapat kapag nahaharap sa mga maling ideya at tukso.

Aktibidad sa pagrerebyu 4: Gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Maaari mong gamitin ang sumusunod na sitwasyon upang matulungan ang mga estudyante na marebyu ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Maaaring maging epektibo para sa mga estudyante na gawin ang aktibidad na ito nang magkakapartner o sa maliliit na grupo.

May kaibigan ka na malapit nang magtapos sa high school at kinakabahan siya sa mahahalagang desisyong gagawin niya sa kanyang buhay sa susunod na ilang taon.

Ituro sa iyong kaibigan ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at kung paano niya magagamit ang mga ito upang matanggap ang tulong ng Ama sa Langit sa kanyang mga alalahanin:

Kumilos nang may pananampalataya.

Suriin ang mga konsepto at mga tanong nang may walang-hanggang pananaw.

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

  • Aling mga doctrinal mastery passage mula sa kalahati ng kursong ito ang maaaring makatulong sa iyong kaibigan? Paano makatutulong sa kanya ang mga scripture passage na ito?

  • Paano makatutulong na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman kapag naghahanap tayo ng mga sagot sa ating mga tanong o alalahanin?

  • Paano mo nagamit ang mga alituntuning ito upang matulungan ang iba o upang malutas ang sarili mong mga alalahanin?

Rebyuhin ang aktibidad 5: Mga scripture passage na may espesyal na kahulugan sa iyong buhay

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung anong doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa kanila at nakatulong sa kanila na mas maunawaan ang tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo o mas mahalin Sila. Ipaliwanag na magkakaroon sila ng pagkakataong ibahagi ang scripture passage na pinili nila bilang bahagi ng assessment.

Color Handouts IconMaaari mong ipamahagi ang sumusunod na handout sa mga estudyante upang matulungan silang maghanda para sa assessment (“Doctrinal Mastery: Assessment 2”).

New Testament Seminary Teacher Manaul - 2023

Doctrinal Mastery: Assessment 2—Gabay sa Pag-aaral

Isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan

Maging pamilyar sa mga doctrinal mastery scripture passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan. Maaari mong i-download at gamitin ang Doctrinal Mastery mobile app upang matulungan kang magrebyu.

1 Corinto 6:19–20

“Ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo.”   

1 Corinto 11:11

“Sa Panginoon, kailangan ng babae ang lalaki at ang lalaki ay kailangan ng babae.”   

1 Corinto 15:20–22

“Sapagka’t kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”   

1 Corinto 15:40–42   

Sa Pagkabuhay na Mag-uli, may tatlong antas ng kaluwalhatian.   

Efeso 1:10 

“Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo.”   

Efeso 2:19–20   

Ang Simbahan ay “itinayo sa saligang inilagay ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus ang batong panulok.”   

2 Tesalonica 2:1–3

“Ang araw [ni Cristo] … [ay] hindi darating, malibang maunang maganap ang pagtalikod.”   

2 Timoteo 3:15–17

“Ang mga banal na kasulatan [ay] makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan.”   

Mga Hebreo 12:9

Ang Ama sa Langit ang “Ama ng mga espiritu.”    

Santiago 1:5–6

“Kung ang sinuman sa inyo ay nagkukulang ng karunungan, humingi siya sa Diyos.”   

Santiago 2:17–18

“Ang pananampalataya … kung ito ay walang mga gawa ay patay.”   

1 Pedro 4:6

“Ang ebanghelyo ay ipinangaral maging sa mga patay.”   

Apocalipsis 20:12

“At ang mga patay ay hinatulan ayon sa kanilang mga gawa.”   

Gamitin ang doktrina sa mga sitwasyon sa tunay na buhay

  • Gumamit ng isa o mahigit pang doctrinal mastery scripture passage upang tulungan ang isang taong humihingi ng payo sa paggawa ng mahahalagang desisyon sa kanyang buhay.

  • Kung ituturo mo sa isang tao kung ano ang mangyayari sa plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak pagkatapos ng kamatayan, anong mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan ang gagamitin mo? Paano mo gagamitin ang mga doctrinal mastery passage na ito upang ipakita ang pagmamahal ng Diyos para sa atin?

Maging handang ibahagi kung alin sa mga doctrinal mastery passage ang lubos na nakaimpluwensya sa iyo. Ano ang itinuturo sa iyo ng scripture passage na ito tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

Mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Rebyuhin ang mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).