Doctrinal Mastery: Mateo 5:14–16
“Paliwanagin Ninyo nang Gayon ang Inyong Ilaw sa Harap ng mga Tao”
Iniutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo na maging halimbawa sa iba sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maging halimbawa sa iba at mas mapalapit sa Tagapagligtas.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Isaulo at ipaliwanag
Basahin ang Mateo 5:14–16 .
Gumuhit ng isang paglalarawan tungkol sa mahalagang parirala ng banal na kasulatan na “Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao” at ang reperensya nito na Mateo 5:14–16 . Habang gumuguhit ka, pag-isipan kung paano mo maisasama ang reperensya sa paraang makatutulong sa iyo na maalala ito.
Habang tinitingnan ang paglalarawan, ulit-ulitin ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan nang ilang beses. Pagkatapos ay huwag itong tingnan, at subukang ulitin ang naisaulong reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan.
Ibahagi ang iyong drowing sa isang kaklase, at ipaliwanag kung paano nito inilalarawan ang mahalagang parirala ng doctrinal mastery at ang reperensya nito.
Pagsasabuhay
Sa pagsasabuhay na ito, gagamitin mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang malaman kung paano maging halimbawa sa iba at kung paano mo sila maaanyayahang mas lumapit sa Tagapagligtas.
Rebyuhin ang mga talata 5–12 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).
Basahin ang sumusunod na sitwasyon, at pag-isipan kung paano ka tutugon kung ikaw ang nasa katayuan ni Raul.
Kasama ni Raul, isang bagong inorden na priest, ang kanyang mga kaibigan nang magsimulang magbiro nang masama ang ilan sa kanila at mangutya ng isang taong kilala ni Raul. Hindi mapalagay si Raul at alam niyang mali ang ginagawa nila. Habang iniisip niya kung ano ang gagawin, nilapitan siya ng kaibigan niyang si Jesse, na miyembro ng ibang relihiyon at talagang hinahangaan ni Raul, at sinabing, “Uy, bakit napakaseryoso mo naman?”
Isiping gamitin ang bawat isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang matulungan kang makaisip ng sagot.
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Pumili ng isa sa mga tao sa sitwasyon (si Jesse o ang taong kinukutya).
-
Ano sa palagay mo ang nadarama ng Panginoon tungkol sa taong pinili mo?
-
Paano maaaring makaapekto sa pagtugon ni Raul sa tanong ni Jesse ang pagtingin sa taong ito nang tulad sa pagtingin sa kanya ng Panginoon?
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng mga itinalagang sources na ibinigay ng Diyos
-
Paano makatutulong kay Raul ang pag-alaala at pagsasabuhay ng mga alituntunin sa Mateo 5:14–16?
-
Sa palagay mo, ano pang sources na itinalaga ng Diyos ang makatutulong kay Raul?
Kumilos nang may pananampalataya
-
Bakit maaaring maging mahirap para kay Raul na kumilos nang may pananampalataya sa sitwasyong ito?
-
Ano ang maimumungkahi mong maaaring gawin ni Raul upang makakilos nang may pananampalataya?
Mag-isip ng sitwasyong katulad ng kay Raul na kinakaharap mo ngayon o maaari mong kaharapin.
-
Paano makatutulong sa iyo ang natutuhan mo ngayon para maging halimbawa ka sa iba?