Seminary
Mateo 5; Lucas 6


Mateo 5; Lucas 6

Buod

Upang masimulan ang Sermon sa Bundok, itinuro ng Tagapagligtas kung paano magiging maligaya ang mga tao. Itinuro Niya na mapagpapala ang ibang tao sa pamamagitan ng ating mabubuting halimbawa. Iniutos Niya sa Kanyang mga disipulo na maging halimbawa sa iba sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya. Itinuro Niya kung paano Niya tinupad ang batas ni Moises, at ipinabatid Niya ang mas mataas na batas ng ebanghelyo. Inanyayahan Niya ang lahat na maging sakdal, gaya ng Ama sa Langit na sakdal o perpekto.

Mateo 5:1–12

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na makatukoy ng mga katangian na tulad ng kay Cristo at makagawa ng plano upang mataglay ang mga ito habang nagsisikap silang matamo ang kaligayahan at pagiging perpekto.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa sa mga katangian sa Mateo 5:1–12 na gusto nilang mas matutuhan pa. Sabihin sa kanila na alamin kung ano ang ibig sabihin nito at pag-isipan kung paano maaaring humantong sa kaligayahan ang katangiang iyon.

  • Handout: “Ang Beatitudes”

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Ang ilang videoconference software ay may kasamang whiteboard function na magagamit ng mga estudyante para mag-type o magsulat. Kung available ang function na iyon, maaari mong sabihin sa mga estudyante na hanapin ang Beatitudes sa Mateo 5:1–12 at isulat sa whiteboard ang nahanap nila. Pagkatapos, maaari nilang idagdag ang mga kahulugan ng mga salita kapag nahanap nila ang mga ito.

Mateo 5:13–16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na masuri ang kanilang mga kilos at pag-uugali upang mas maipakita ang kadakilaan ni Jesucristo.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga sumusunod na tanong: Sino sa buhay mo ang nagpapakita ng halimbawa ng pamumuhay na tulad ng kay Cristo sa salita at gawa? Ano ang ginagawa niya upang maipakita ang kadakilaan at pagmamahal ng Diyos? Paano nakaaapekto sa iyo at sa iba ang kanyang mga ginagawa?

  • Mga bagay: Asin at ilang pagkain na lalagyan ng asin; isang salamin at dry erase marker

Doctrinal Mastery: Mateo 5:14–16

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang maging halimbawa sa iba at mas mapalapit sa Tagapagligtas.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang tao sa kanilang buhay na naging mabuting halimbawa sa kanila. Pagkatapos, sabihin sa kanila na tawagan o sulatan ang taong ito upang magpasalamat.

  • Mga bagay: Mga kagamitan para makapagdrowing ang mga estudyante (papel, mga colored pencil, krayola, at iba pa)

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maghandang magpakita ng mga bagay na kakailanganin ng mga estudyanteng matingnan muli, tulad ng tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang sitwasyon. Gamitin ang screen-sharing function, o ipakita ang mga item na ito sa chat.

Mateo 5:17–47

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maipamuhay ang mas mataas na batas ni Cristo upang maging higit na katulad nila ang Ama sa Langit.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na ipagdasal na turuan sila ng Espiritu sa seminary. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na ipagdasal ang kanilang mga titser at kaklase.

  • Bagay: Larawan ng isang bagay na na-upgrade—telepono, appliance, damit, at iba pa

  • &#160

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kung tahimik o tila kinakabahan ang mga estudyante sa pagsagot sa mga tanong o pagbabahagi ng mga ideya, maaari mo silang anyayahang tumugon gamit ang chat function.

Mateo 5:48

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na maunawaan ang utos ng Tagapagligtas na “maging … sakdal, gaya ng [ating] Ama sa langit na sakdal” ( Mateo 5:48).

  • Paghahanda ng estudyante:Sabihin sa mga estudyante na magdala sa klase ng mga larawan ng kanilang sarili noong maliliit pa sila. Maaaring mas maging epektibo kung gagawin ito nang mas maaga ng isang linggo nang may tulong ng mga magulang.

  • Content na ipapakita:Ang mga pahayag nina Pangulong Russell M. Nelson, Elder Jeffrey R. Holland, at Elder Gerrit W. Gong na mapag-aaralan ng mga estudyante sa maliliit na grupo

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na mag-usap-usap sa mga breakout room upang matalakay ang mga pahayag ng propeta na kasama sa lesson. Tiyaking magtalaga ng lider ng grupo at magbigay ng malinaw na tagubilin upang masimulan kaagad ng mga estudyante ang kanilang talakayan.